Ang lalim nung titig niya saakin. Parang namumula yung pisngi ko sa hiya.
"Hehe. Ano ba." sinuot ko na yung salamin ko at buti nagising na siya.
"Ahh sorry. Sige iuupdate na lang kita."
"Saan?"
"Tungkol sa meeting. Di pa kita na aad eh."
"Edi i add mo. Hayst."
"Nagpaalam ako kina Brandon kung pwede kita i add pero sabi bawal i add ang babae dun."
"Eh kung bawal babae eh sana..." pinigilan niya ang bibig ko.
"Basta shh. Wag na. Sige uwi ka na. At eto nga pala cellphone mo." bigay niya yung cellphone ko.
"Paano nga ako makakauwi eh di ba bali buto ko."
"Sige na nga. Samahan na kita." seryoso yung mukha niya. Parang wala siyang emotion. Poker face king na this.
Hinatid niya ako pauwi. Akbay akbay siya saakin pero di kami nag-sasalita habang naglalakad kami. Ano kaya problema niya. Nag ka titigan lang kami tapos...AWKWARD.
"Kaya mo na maglakad mag-isa diyan. Sige." tapos umalis na siya. Walang emotion ang mukha niya nung nag-paalam siya saakin.
Di na ako nakapaalam sa kanya dahil umalis na siya agad.
Buti wala si mama para makita ang nangyari saakin kaya umakyat agad ako sa kwarto ko.
Nag open na lang ako ng facebook.
8:42 am.
BESHIEE: Guys alis kami ngayon kaya walang tambay grupo this time.
KILI KILI: Ganon? Pati nga si Benny at Julianna ay di makakapunta.
BESHIEE: Eh bakit?
KILI KILI: May meeting daw sa grupo nina Brandon. And whats worst nakita ko sila magkasama ni Antonio at papuntang sa bahay nila.
Shete! Nakita ni Kelly na magkasama kami ni Antonio.
BESHIE: Paano na yan wala ng team JuliMar.
KILI KILI: JuliMar?
BESHIEE: Julianna at Marshall. Why?
KILI KILI: Sila ba?
MARSHMALLOW: Wag nga kayong mag tsismisan dito.
KILI KILI: Hala! Si Marshall.
MARSHMALLOW: Yeah that's right. So, kung mag tsitsismisan kayo dapat nag private na lang kayo este na ipapakita niyo pa dito.
BESHIEE: May gusto ka ba kay Julianna, Marshall?
MARSHMALLOW: Wala.
Ouch naman. Eh wait! Why am I affected? Di ko naman gusto si Marshall. Di ba? O di nga ba?
BESHIEE: Ahh basta. Team JuliMar ako? Ikaw bes?
KILI KILI: Team JuliAn.
BESHIEE: Eh bakit bes? Mas sweet sila ni Marshall noh?
KILI KILI: Ahh basta. Mas gusto ni Julianna si Antonio kaya Go! Team JuliAn!
ANGHEL: Bakit niyo pinag-uusapan si kuya?
Shete! Nalaman na ni Diana! Lagot naman oh! Baka sabihin niya sa kuya niya.
Eh yun lang. Pag ka scroll down ko wala na. Di na sila nag replyan.
Kaya nag message na lang ako.
AKO: Bakit niyo ako pinag-uusapan ha!
At hinintay ko at nakita ko si Diana lang ang online.
BINABASA MO ANG
Why Did I Ever Fall In Love With You.
TeenfikceIsang simpleng babae si Julianna O. Roxas o mas tinatawag siyang Julienne. Simple ang pamumuhay niya bilang isang normal na babae. Pero sa isang araw, lahat yun nagbago. Nabaliw siya dahil sa araw na yun kaya nag decide ang magulang niya na mag-lipa...