Nung makarating kami sa base ay parang tahimik lang. Walang nagsisigawan.
"Bakit ang tahimik mo?"
Di siya sumagot at hinila ako paloob.
"Ha! Wala namang tao eh. Wala namang meeting!" sigaw ko. Nag echo nga yung boses ko eh.
"Meeting lang natin dalawa." shete kinakabahan ata ako.
"Gusto ko na bayaran mo ang pag-hihirap ko."
"Eh? Anong pag hihirap?" nagtaka ako.
"Binugbog kaya ako ni Brandon nung pinalayas kita." pinakita niya yung tiyan niya. Wow! May abs din siya katulad ni Marshall.
"Wag ka sa abs ko tumingin." bakit di ako titingin sa abs niya eh nandoon nga yung sugat.
May sugat siya na pahiwa na parang tinoture siya talaga.
"Di ko na problema yan." sabi ko. Kasi totoo naman na kasalanan niya kung bakit ako nakatakas eh.
Kaya na isipan ko na lumabas pero hinila niya ako at naka pin nanaman ako sa pader. Nakaharang siya.
"Anong problema? Naawa kasi ako dahil mahina ka." shete mas nasasaktan ako pag sinasabihan akong mahina.
"Tama na." sabi ko sa kanya.
"Papatunayan ko na. Malakas ako!" lumusot ako sa ilalim ng kamay niya at nakatakas pero hinila niya naman ako.
"Hindi ka aalis kung di mo ibibigay ang gusto ko."
"Ano bang gusto mo ha!"
"Ikaw." ako? Ano meron saakin huhu.
"B-bakit ako?" tanong ko.
"Gusto ko gawin kitang partner." partner in life ba kamo. Ay shete wag. Baka umasa naman ako. Bakit sa lahat pa ng lalaki, sa kanya pa ako nagka gusto?
"Partner saan?" shete kinakabahan ako.
"Partner kita sa tropang to." ay umasa pa nga ako. Di naman magiging kami eh.
"Kailangan ba ng partner?" tanong ko.
"Oo naman. Kailangan may partner ang grupong basag gulero. Para tulungan tulangan. Sinabi saakin ni Brandon na ako na lang daw ang walang partner. Ikaw ang napili ko dahil..."
"Dahil?"
"Mahina ka." ay bastos. Akala ko something postive.
"Okay. Tapos na diba? Pwede na ako maka alis."
"Okay na. Pwede ka na umalis." nag bow pa siya na parang gentleman at halatang gusto niya ako umalis.
"I add kita sa group chat namin." sigaw niya saakin.
"Sige....asshole." nawala ang ngiti niya. Yung ngiting pang demonyo. Alam ko galit siya pero kung sasaktan niya ako edi di ako pwede pumunta sa base.
Nakipag kita ako kay Marshall at buti nandun pa siya.
"Tara na." sabi ko kay Marshall at nakita ko si Antonio na sumunod pala saakin.
"Tara na nga babe." sabi ko kay Marshall. Diring diri ako sa ginawa ko pero para di ako pansinin ni Antonio, gagawin ko to.
Hinawakan ko yung kamay niya. Shete ayoko ng ganto. Wala akong balak mag boyfriend huhu.
Nung lumingon ako ay wala na si Antonio. Hay salamat naman kaya tinaggal ko agad ang pag ka awak ko kay Marshall.
"Ano yun?" tanong niya.
"Para lumayo yung gagong sunod na sunod saatin." buti alam niya yung tinutukoy ko.
BINABASA MO ANG
Why Did I Ever Fall In Love With You.
Teen FictionIsang simpleng babae si Julianna O. Roxas o mas tinatawag siyang Julienne. Simple ang pamumuhay niya bilang isang normal na babae. Pero sa isang araw, lahat yun nagbago. Nabaliw siya dahil sa araw na yun kaya nag decide ang magulang niya na mag-lipa...