Di ako makatayo dahil sa paa ko. Nasipa kasi ni Antonio yung paa ko kaya lalong lumala.
Mas sumakit kesa dati.
"Aray!" sigaw ko at lahat sila na ka gathered saakin.
"Ano nanaman ginawa mo kay Julianna?" tanong ni Brandon kay Antonio.
"Its an accident." sabi niya ng kalmado. Pa cool pa siya, akala mo kay pogi niya.
"Guys! Ipagtuloy niyo na training niyo. Ako na bahala dito." sigaw ni Brandon sa kanila kaya umalis na sila sa paligid ko.
"Anong nangyari kay Julianna!" biglang nag bang ang pintuan.
"Marshall?"
"Julianna. Anyare sayo?" lumapit agad siya saakin. Sa mukha niya ay nag-aalala siya.
"Nabali lang buto ko pero magiging okay lang to."
"Hay nako. Sino may gawa nito sayo?" tanong niya at tinuro ko si Antonio.
"Gago ka pala eh." tapos sabay suntok sa mukha ni Antonio.
Nakakatakot pala magalit si Marshall.
"Marshall. Aksidente lang yun." pigil ko kay Marshall at hinila ko ang pantalon niya sa baba.
"Tss." tumigil si Marshall at Binuhat ako agad.
"Marshall?" di siya tumingin saakin.
"Benny, kunin mo yung gamit ni Julianna." tumango si Benny at pumunta sa special room kung nasaan ang gamit ko.
"Brandon. Dismiss muna tong si Julianna."
"Sige lang."
Pagka kuha ni Benny sa bag ko ay umalis na kami.
Habang naglalakad paalis si Marshall ay tumingin ako sa likod. Nakita ko si Antonio parang na guilty sa ginawa niya saakin.
Gusto ko sanang sabihin na okay lang ako.
Nung nakalabas kami nakita ko kotse ni Marshall na nakaparada.
Pina sakay ako ni Marshall sa kotse niya. Kasama niya pala si Benny."Benny ikaw muna mag drive. Ako na bahala kay Julianna." tumango naman si Benny at umupo sa driver's seat.
"Julianna, masakit pa rin ba?" tanong ni Marshall at minasahi ang paa ko.
"Ana na ray! Shete!"
"Ay sorry."
"Marshall, paano mo nalaman na nandito ako?"
"Nag call kasi si Benny saakin."
"Pero dapat hindi mo ginawa yung kanina."
"Bakit hindi? Sinaktan ka niya."
"Aksidente lang yun."
"Ginusto niya yun."
"Hindi ah. Na guguilty nga siya eh."
"Ngayon pa siya na guilty. Kung saan na nakita ka niya nasakatan. Di ba niya alam na sinaktan niya din tayo nung umalis siya sa tropa natin. Maraming siyang nasasaktan at tanga lang siya para makita yun."
Kung sabagay tama si Marshall. Sa sobrang katangahan ni Antonio ay di niya na nalaman na pati ibang tao nasasaktan na.
I feel you Marshall, I feel you.
"Salamat nga pala sa pagtulong saakin kanina."
"Okay lang basta safe ka."
Ngumiti ako sa kanya. Ang swerte naman nung magiging girlfriend niya.
BINABASA MO ANG
Why Did I Ever Fall In Love With You.
Teen FictionIsang simpleng babae si Julianna O. Roxas o mas tinatawag siyang Julienne. Simple ang pamumuhay niya bilang isang normal na babae. Pero sa isang araw, lahat yun nagbago. Nabaliw siya dahil sa araw na yun kaya nag decide ang magulang niya na mag-lipa...