Chapter 11

8 0 0
                                    

"Mabuti naman. Sige titingnan ko muna yung tatay namin ha." at umalis na ang nanay ni Marshall para tingnan yung tatay niya.

"Alam mo mas guminhawa ang pakiramdam ko."

"Dapat ganon. Ilabas mo lang feelings mo."

"Sige. Salamat." ngumiti ako. Yung sobrang masayang ngiti.

"Alam mo. Ang swerte ng magiging girlfriend mo."

"Kaya nga sana sagutin niya na ako."

"Nililigawan mo ba?"

"Oo pero laging busy eh."

"Busy saan?"

"Ewan ko ba. Pero sabi niya mag-uusap daw kami sa sabado."

"Gawin mo na best shot mo para maka score ka sakanya."

"Thanks." ngumiti siya.

"Alam mo. Gusto ko na talagang malaman kung sino yung future girlfriend mo."

"Sorry pero secret ko muna yun."

Nalungkot ako, akala ko kasi this time ay sasabihin niya na.

"Ikaw kaya. Maghanap ka ng boyfriend mo."

"Ayoko."

"At bakit naman?"

"Gusto ko siya ang mag hanap saakin."

"Sana mahanap ka niya na."

"Oo nga." tapos na realized ko na ako pala ang tanga. Ayoko nga pala mag boyfriend tapos sasabihin ko gusto ko pero siya ang maghanap.

"Ah este. Ayoko talaga. Haha!" tawa pa more Julianna. Nagmukha ka nang tanga.

"Hay nako. Change of mind agad."

"Ahhh basta. Sige tingnan mo muna tatay mo."

"Ayoko muna."

"At bakit naman?"

"Baka mamaya may kumuha nanaman saiyo."

"Sus. Nag papangit na nga ako eh. Sige na tingnan mo muna." at buti pumayag siya. Mas okay na kasi ang ganito.

I wonder kung bakit sobrang overprotective ni Marshall saakin. Dati pa nga nung bata pa kami ay di naman siya ganon. Kahit nga kapag kapatid niya ang nasasaktan ay tinatawanan niya. Bakit ba?

"Julianna."

"Hmm."

"Sabay ka na lang saamin pauwi." sabi ni Marshall at kasama niya ang nanay niya.

"Paano yung papa mo?"

"Okay lang siya. Babalikan namin siya bukas."

"Ahh sige."

Nung nasa sasakyan kami ay parang yung direksiyon namin ay di pabalik.

"Saan po tayo pupunta?" tanong ko sa mama ni Marshall.

"Kakain muna tayo sa labas."

"Ay wag na po. Busog po ako." tapos biglang tumunog ang tiyan ko. Huhu wrong timing.

"See? Gutom ka na ija. Kaya wag ka ng mahiya. Treat ko to." mas nahiya pa tuloy ako. Sana di puro gulay ang puntahan namin.

Pero wala. Pumunta kami sa isang restaurant at ang pangalan ay 'Veggylicius' kaya lalong akong kinabahan. Ayoko pa naman ng gulay.

"Ma. Wag tayo diyan. Di mahilig si Julianna sa gulay." thank you Marshall. You just save my life.

"Ahh ganon. Sige hintayin niyo ako sa loob ng kotse. Oorder muna ako." kaya sumunod kami sa nanay niya at pumasok kami sa kotse.

Why Did I Ever Fall In Love With You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon