Chapter 12

14 0 0
                                    

Nung nasa kwarto kaming dalawa ni Marshall ay parang bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

"So anong pwedeng gawin natin?"

"Kahit ano." agad kong sinabi. Napatingin siya saakin ng pa weird pero di ko siya masisihi dahil weird na ako ngayon.

"Kinakabahan ka ba?"

"Hindi." na nginginig ako sa kaba. Parang may earthquake pero ako lang yung apektado.

"Hay nako. Sinungaling ka pa. Wag kang mag-alala, di kita papatulan." hay salamat. Mas guminhawa yung pakiramdam ko.

"Pero kung ikaw ang unang pumatol edi...." may kindat kindat pa siya. Alam ko na ibig sabihin nito. Shete mas kinabahan tuloy ako lalo.

"Di kita papatulan. Baka Magalit yung future girlfriend mo."

"Sus. Gusto mo naman." nainis na talaga ako. Kaya pinagsusuntok ko siya at syempre yung mahina lang.

"Alam ko na ang gagawin natin."

"Hmm."

"Mag practice na lang tayo ng ninja moves mo. Para matalo mo na si Antonio." pumayag agad ako. Syempre tatalunin ko yung taong minamaliit ako.

Nag training kami ng mga isang oras at ngayon hingal na hingal kami.

"Anong oras na ba?" tanong ko at tumingin siya sa wall clock.

"7:48." sagot niya. Ang tagal pa pala mag 9 dahil yun yung usually time ko matulog.

"Anong pwedeng gawin para kill time."

"Kill time?"

"Para bumilis ang oras."

"Ahh. Sige, gusto mo bang turuan kita mag gitara ulit. Tuturuan na kita ng chords."

Nasa 3 oras kami nag aral ng gitara dahil ang bobo ko. Pero di siya nainip kundi masaya pa siya. Eh paano nga ba, habang tinuturuan niya ako ay pinag tritripan niya din ako.

"Alam mo 10 o clock na." shete ang tagal nun ah. Tumingin ako sa oras at tama siya.

"Sige tulog ka na. Goodnight." mabilis akong humiga at dahil sa kaba ay di ko namalayan nahalikan ko si Marshall sa cheeks. Bastos ka Julianna sa lahat ng lalaki na pwedeng mong halikan si Marshall pa.

Kaya sa hiya at sa kaba ay di ko siya tiningnan at iniiwas iwasan ko siya.

Pero wala eh. Nakayakap siya sa bewang ko kaya di ako maka alis. Galit ba siya? Sana please wag.

"Para saan naman yun?" tanong niya at di ko siya sinagot. Kaya nag kunwaring hilik ako para kunwari ay natutulog ako.

"Ahh tulog na pala." sabi niya at bumitiw sa yakap niya saakin. Naka relieved naman ako pero ang akala ko tapos na ay isang joke lang.

Kiniliti niya ako at tawa ako ng tawa. Di ako makahinga dahil sa tawa ko.

"Tingnan mo. Gising pa pala siya."

"Tama na hahaha!" di ko mapigilan tumawa.

"Bakit mo muna ako hinalikan?" kalimutan mo na lang yun Marshall. Di ko naman sinasadya.

"Di sinasadya? Talaga ba?" nabasa niya isip ko.

Tinigilan niya ang torture niya at naka hinga ako ng maluwag.

"Bakit mo muna ako hinalikan?" paulit ulit na tanong ni Marshall. Di tuloy ako makatulog sa kanya.
"Sa sahig na nga lang ako matutulog." tatayo sana ko pero hinila niya ako pabalik.

"Wag na dito ka lang." please don't torture me.

"B-bakit?" kinakabahan tuloy ako sa kanya.

"Basta wag." tapos niyakap niya ako at nakatulog. Ang sarap pala ng feeling may kayakap pero lalaki to si Marshall at masyadong awkward naman.

Why Did I Ever Fall In Love With You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon