Chapter 15

4 0 0
                                    

Sa lahat na pwede ko maging katabi si Antonio pa talaga?

Pwede bang iba na lang ha! Bakit sa lahat na magiging partner ni Antonio ay ako pa talaga. Pwede naman si Brandon o si Vincent o si Paulo.

Matanong nga isa sa kanila.

At luckily na malapit  lang sa tabi tabi si Paulo.

"Paulo!" tawag ko sa kanya at nag hi agad siya. Mabait pala siya.

"Bakit?"

"May itatanong lang haha." natatawa ako sa kanya. Ang cute niya pala ngumiti.

"Ano?" ngiti siya. Ang cute niya ngumiti shete.

"Wag kang ngumiti. Natatawa ako sayo."

"Dahil ba sa kagwapuhan ko?"

"Jusko po. Ang feeler mo haha."

"Hoy! Tantanan mo nga partner ko." paglingon ko si Antonio, naka simangot.

"Wala naman akong ginagawa sa kanya eh." sabi ni Paulo.

"Yeah!" dagdag ko.

Tapos nag pa moves pa si Paulo. Inakabayan pa ako.

"Hoy anong ginagawa mo?" angal ni Antonio. Akala mo may relasyon kami, parang nagseselos eh haha.

"Selos ka ba?" asar ko sa kanya. Ayan naiinis na siya.

"Oo nga. Masyado kang affected." dagdag naman si Brandon at kasama niya si Vincent.

Ayan silang tatlo inaasar si Antonio. Napikon kaya nag-walk out.

Akala ko naman na mag-wawalk out siya mag-isa pero sinama pala niya ako.

"Hoy! Bakit mo ko sinama?" sabi niya at tumigil siya sa pag-lakad.

"Dito na lang tayo matulog." at binuksan ni Antonio yung ilaw.

"Ito yung..." yung kwarto kung saan niya ako pinatakas.

"Uhuh. Ito nga ang kwarto kung saan ako binugbog ni Brandon."

"Binugbog ka ni Brandon? Eh bakit?"

"Dahil nga pinatakas kita."

"Eh bakit ka napikon kanina?"

"Di ako napikon. Basta..."

"Sabihin mo na kasi."

"Basta matulog ka na lang." at natulog siya sa kama.

"Okay." tapos doon ako sa may sofa natulog. Ang ganda ng kwartong to pero mainit. Buti malakas ang electric fan.

Sosyal ng base nila talaga. Sa labas mukhang abandoned warehouse pero pagpasok mo ay maayos ayos naman din. Lalo na itong room na ito.

"Bakit sa sofa ka? Dito ka na matulog."

"Ayoko."

"At bakit naman?"

"Sabihin mo muna na pikon ka sa dalawa."

"Edi fine. Basta dito ka na matulog." WTF just happen. Ang bilis niya agad sumuko. Dati nung bata pa kami halos mga dalawang linggo bago sa amin magsuko sa awayan. Syempre lagi akong panalo dahil pinanganak akong matalino.

"Okay. Basta sa sofa ka."

"Bakit ba ayaw mo na magkatabi tayo?"

"Baka kasi na..."

"Wag kang mag-alala. Di naman kita papatulan pero kung gusto mo edi." may kindat kindat pa siya. Parang si Marshall lang talaga.

"Loko! Di kita papatulan. Akala mo pogi mo."

Why Did I Ever Fall In Love With You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon