Note: This is based on a true story. Although, medyo may pagbabago, true
talaga ito :D
The characters are true but I kinda changed their names a little except for the
main leads.
, oh well, that's all. Nothing much to say :D
First time ko nga lang pala gumawa ng story, kaya hindi ganung kaganda.
Sorry >_<
Chapter 1
HUMINGA muna ako ng malalim bago ako kumatok sa faculty room. Si G. Aguinaldo ang tumambad sa harapan ko nang bumukas ang pintuan. Tinanong ko sa kanya kung nandun ba si Ms. Villanueva. Sinabihan niya ako na sandali lang at tatawagin niya lang daw ito. Tumango na lang ako at nagpasalamat.
Naghintay lang ako ng mga limang minuto nang lumabas na ng room ang hinihintay ko.
“Good afternoon po ma’am.” Bati ko sa kanya.
“Good afternoon rin, Navarro.” Ganting bati niya rin sakin at ngumiti. “Siguro naman alam mo na ang dahilan kung bakit kita pinatawag ngayon.”
“Hehehe… hindi po eh.” Sabi ko habang kinakamot ang ulo ko.
Wala siyang sinabi at bumuntong hininga na lang.
“Ikaw talaga kahit kalian. Hindi mo man lang ba tinignan ang card mo?”
“Ah yun po ba?”
“Oo yun!”
“Ahh! Hindi pa po eh!”
“Kaya naman pala eh.”
“Ahahaha!”
“Wag ka ngang tatawa-tawa jan. Oo nga at ang taas ng grades mo sa lahat ng subjects kaya lang ang baba mo naman sa major subjects. “ sabi niya na bumuntong hininga ulit.
“Ganun po ba.” Sabi ko na lang. Yun nga ang dahilan kung bakit ayaw kong tignan ang card ko eh. Horror.
“Oo ganun nga. At dahil alam ko naman na ayaw mo mag summer classes kaya ayun naghanap ako nang pwedeng mag tutor sayo.
“So, nakahanap na po ba kayo?” tanong ko na parang wala masyadong pakelam at kung saan-saan tumitingin na para bang may hinahanap.
“Oo, fourth year siya at isang student council president.”
Natigilan bigla ako, fourth year... on top of that president ng student council... don’t tell me?
“I guess kilala mo na siya, siya si Rannie Castillo.”
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig pagkarinig ko sa pangalan niya. No way!
“Po?!”
“Oh? Bakit? Anong problema? Bat gulat na gulat ka eh hindi naman masamang tao yang si Castillo.” Takang tanong niya sakin.
“Ahh… haha. Wala po ma’am. Nagulat lang po ako dahil sa pagkakaalam ko po. Yan pong si Rannie Castillo ay kilala po bilang “The kindest heartthrob”. Tapos malaman ko ba namang ung kindest heartthrob ay yung magtu-tutor po sakin.” Mahaba kong paliwanag.
“Ahh… ganun ba.”
“Tanong ko lang po ma’am. Pumayag po ba yang si Castillo para i-tutor ako?” curious kong tanong na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
“Oo naman.” Sabi niyang nakangiti.
“Ahh. Okie po.” Sabi ko sabay ngiti.
Hay naku ma’am. Paanong hindi po ako magugulat eh crush ko po ang magtu-tutor sakin. Hindi po ako makakapag-pocus sa tuturuin niya kundi sa mukha niyang napakaamo.
BINABASA MO ANG
Clumsily in Love with You
RomanceWhat will you do if your teacher made your crush your tutor? Meet Iris Navarro, since she failed her exams and also in her card in all her major subjects. Her adviser decided to help her. She made Rannie Castillo her tutor. He is the student council...