Chapter 11

63 4 0
                                    

Gumagawa ng homework si Gabriel nang biglang may nag-chat sa kanya sa msn. Napangiti siya nang makita niya sa screen ang name ni Iris.

Iris: Hoy, Gabriel! Bat tinakasan mo ako nung isang araw ha? Kala mo cguro nakalimutan ko na yun dahil hindi ko sayo pinaalala kanina no? Well…nakalimutan ko nga kanina…pero…naku! Basta! Bakit nga ba? J

Sinadya niyang iwan ito, plano niya kasi talaga ang makasama ni Iris si Rannie sa pag-uwi. Tinignan niya pa talaga ang weather forecast kung kalian ba uulan. Alam niya rin kasi na hindi ugali ni Iris ang magdala ng payong. At alam niyang madalas magdala ng payong si Rannie.

Nang nakita niyang papalapit na si Rannie ay mabilis siyang nagtago sa tindahan. Pero nanatili muna siya para masiguro niyang makasama ni Iris si Rannie. Dahil kung hindi, lalapit ulit siya dito para siya na lang ang sumundo.

Nang niyaya siya ni Iris sa SM, alam niyang may plano na ito simula pa lang, dahil hindi naman kasi ito mahilig magpunta sa mall. Hindi rin ito mahilig magyaya.

Nalaman niya na may gusto si Iris kay Rannie noong pinipilian siya nito ng damit. Napansin niya dahil kanina niya pa itong napapansin na pasulyap-sulyap sa dalawang tao. Nang tignan niya ang mga yun ay nakilala niya agad ang lalaki. Siya yung student council president ng school nila. Yung babae naman ay hindi niya naman kilala.

Nang tinignan niya naman si Iris ay nakita niya ang kalungkutan sa mukha nito. Siguro naisip nito na mag-give up na lang. Dun naman niya naisipang yayain ito sa World of Fun at mukhang nagging successful naman siya.

Next is, naisipan niyang tulungan si Iris na mas mapalapit kay Rannie dahil hindi sinasadyang narinig niya ang confession ng babaeng nangangalang Anna kay Rannie. At narinig niya ang usapan ng mga ito hanggang sa huli. Dun niya nalaman na may gusto rin pala si Rannie kay Iris.

Nag – reply siya dito:

Gabriel: Ahahaha. Sori ah? Bigla kcng nagkaruon ng emergency eh L Sayang! Gusto ko pa man ding ihatid ang prinsesa sa kanyang castle :))) Sori tlaga! I’ll make it up to you! Kita tayo sa… hmmm… ikaw? San mo ba gus2?

Wala pang ilang minutes ay nag-reply kaagad ito:

Iris: Hmmm…-_- 22o ba yan? Hindi mo naba ako diditsahin? Tnx 4 calling me a princess :))) although mas ma-a-appreciate q kung queen na lang XD hehe…

Gabriel: Yes! Promise! So? Ano na? San mo gus2? Kahit saan! Basta mapa2saya ka! J

I

ris: Hmmmm… matagal ko nang pinapangarap na pmunta sa isang store na nakita ko malapit sa skul ntin eh. Kaya mo ba akong samahan dun?

Gabriel: haha… opo… mahal na reyna :D

Iris: bukas. Pagkatapos ng school. Naku! Kapag hindi mo na naman ako sinamahan… kalimutan mo nang mag-kaibigan tau!! >___<

Gabriel: Hinding-hindi ko gagawin yun… mahal na mahal kita eh… (Delete)

Mabilis na dinelete ni Gabriel ang Huli niyang sinabi at pinalitan niya nang:

Gabriel: Hindi na po mauulit… promise J

Iris: Sure ka ah J Sige, ma22log na aq ;) nyt nyt! Swit drimz!

Gabriel: Gudnyt J sweet dreams !

Iris: offline

Iniwan niya lang na naka – online ang msn niya. Bumalik siya sa pagre-review nang biglang may nag-chat na naman sa kanya.

Janelle: Hi Gab! J

Gabriel: Hi J Anong meron?

Janelle: anong ano meron?

Gabriel: hindi ka naman kasi mahilig mag – chat eh. May nangyari ba?

Janelle: …. Gab…pwede mo ba aqng puntahan sa park malapit sa skul namin? Please…

Gabriel: sige… w8 ka lang ah…

Janelle: sure ^_^

Gabriel: offline

Nang malapit na sa park si Gabriel ay sinubukan niyang hanapin si Janelle, pero wala siyang makita dahil madilim na tapos nakalimutan niya pang suotin ang contact lens niya. Ang labo tuloy ng paningin niya. Habang hinahanap niya si Janelle, may biglang tumakip ng bibig niya.

“Holdap to! Wag kang gagalaw!” nararamdaman niya ang kutsilyo sa leeg niya. Sobrang lamig. Hindi rin siya makakilos o makagalaw. Malas niya naman, gabing-gabi na rin kasi eh. Bat naman kasi naisipan pa ni Janelle na mag meet-up sila sa park eh. Teka nga, si Janelle? Hindi kaya na holdap na rin siya…at…at…baka nasaktan siya! Or worse, baka napatay na siya!

Sinubukan niyang magpumiglas pero ang lakas ng tao, pero…b-bat parang ang bango pa ng humoholdap sa kanya? Tsaka, kahit na hindi niya ito lingunin, alam niyang mas maliit pa ang tao sa kanya. Parang babae… pati yung boses, parang babae rin.

Hinawakan niya yung kamay ng tao at ginamitan niya ng judo niya. Bumagsak sa lapag yung holdaper pero pati siya ay bumagsak dahil hinawakan siya sa kamay ng nito. Ayan tuloy, nabagsakan niya ito.

“Aray!” mabilis niyang tinignan yung mukha ng holdaper. Tama nga siya, si Janelle nga!

“Janelle?!” galit niyang pasigaw.

“Ahahaha! Uhmmm…peace?” at nag-peace sign ito.

“Anong peace?! Halos natakot mo nga ako!” galit na galit niyang sabi dito.

“Bakit? Akala mo siguro maho-holdapan ka no? Scaredy cat!” pang-aasar nito sa kanya.

Sinuntok niya yung pader at nag-crack ito, dun nagbago yung expression ni Janelle, biglang natakot,

“Natakot ako dahil akala ko kung napano ka na! Masyado akong nag-alala sayo! Wag ka ngang ganyan Janelle! Parang di ka babae!!” inis na inis siya.

Biglang nag-blush si Janelle pero nawala rin kagad yun, “Sorry naman kung hindi ako parang babae! T-tsaka, pwede ba! Umalis ka nga sa pagkakadagan sakin…” nahihiya nitong sabi pero hindi nawawala yung galit.

Dun naman siya natauhan, namula siya sa pagkahiya pero lalo siyang nahiya nang narinig niyang nagbubulungan yung mga matatanda na dumaan.

Mabilis siyang tumayo at tinulungan niya na ring tumayo si Janelle. Pinagpag niya yung damit niya sabay sabi ng sorry.

“S-sorry din.” Sabi ni Janelle.

“B-bat nga pala bigla mo akong tinawag dito ng gabing-gabi na?” bigla niyang naalala.

“H-ha? Ah…eh…wala yun, g-gusto lang kitang pagtripan. Hahaha!” sabi nito pero mukang hindi naman ito masaya.

“Nagsisinungaling ka na naman. Alam mo, kahit anong gawin mo, hindi ka talaga gagaling sa pagsisinungaling.” Seryoso niyang pagkasabi dito pero may halong biro din.

“Tsk! Ikaw lang naman itong lagi nakakahuli sa pagsisinungaling ko, exceptional nga lang si Iris dahil alam rin nito pag nagsisinungaling ako.” Sabi nito tapos ngumiti.

Ngumiti na rin siya, “So? Ano ba talaga yung dahilan kung bakit mo ko tinawag dito?” Balik tanong niya.

 “Break na kami ng boyfriend ko.” Pero kaysa sa maging malungkot ito, nagbelat pa ito.

Clumsily in Love with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon