Chapter 3

310 4 0
                                    

“Tulungan mo akong maging ka-close si Rannie, please!!” yan ang una kong narinig sa schoolmate at kapitbahay kong si Anna Flores. Taga St. Bartholomew siya at third year na.Mag-kaibigan kami pero hindi ko siya ganoong ka-close. Slight lang. 1 week na ang nakakalipas simula nang i-tutor ako ni kuya Rannie. Inaabangan pala ako ni Anna sa labas ng classroom namin.

“H-ha?”

“Nakikita ko kasing lagi kayong magkasama ni Rannie. Kailan pa kayo naging close?” tanong niya.

“N-nagkakamali ka! Hindi naman kami close ni kuya Rannie eh. Tinutulungan niya lang ako sa pag-aaral ko.” Pagdi-deny ko. Why? Totoo naman eh...

“Oh? Tutor mo siya? Pwede ba ako sumama sa iyo ngayon. Tuturuan ka niya ngayon diba?” tanong niya.

Hindi ako makasagot. Parte ng utak ko okay lang sakin na siyang isama pero yung isa pang parte ng utak ko ay ayaw naman. Ahhh… ano bang gagawin ko.

“Heyyyy?”

“Ah…eh… si kuya Rannie na lang yung tanungin mo. Hindi ko kasi alam kung papayag yun eh.” Goodluck Iris! Ayokong may kaagaw sa crush ko!

 “Simple lang! Edi tatanungin ko siya at magpapaalam sa kanya. Sus, yun lang pala eh! Si Rannie pa! Mabait kaya yun! Hindi yun marunong tumanggi. Kaya nga love ko siya eh!” sabi niyang kinikilig. Tinaas ko ang kilay ko pero sandali lang.

“Ah! Pero secret lang yun ah!” kinindatan niya pa ako.

 Ngumiti lang ako nang pilit, “Halika na, hinihintay na tayo ni kuya sa library.” Sundutin ko yang mata mo eh.

Nang nakapasok na kami sa library ay nakita ko si kuya na nagbabasa ng libro habang hinihintay ako. Ang gwapo niya pala kahit na nakasalamin siya! Mukhang naramdaman niya yung presensiya kong papalapit na sa kanya dahil napatigil siya sa pagbabasa at nag-angat yung ulo. Tumingin siya sakin saka ngumiti.

Napatingin bigla si Kuya kay Anna at nginitian niya rin nang nakalapit na kami ng tuluyan.

“Hi Iris… hi Ms…?” tanong niya pagkatapos tumayo.

“Ah… This is Anna… Anna Flores. Second year rin po siya kagaya ko at taga Camillus.” No way in hell na sasabihin kong magkapitbahay sila. Baka lagi na siyang bisitahin ni Anna. And I wouldn’t want that. Hindi ko alam kung anong expression ang ipapakita ko kay kuya. Ngingiti ba ako o sisimangot. Nanalo ang ngiti.

Nilahad naman ni kuya Rannie yung kamay niya para makipag-shake hands kay Anna.

“Hi Anna… I’m Rannie, by the way, tutor ni Iris.” Tinanggap ito ni Anna. Tuwang-tuwa naman ung leche.

“Gusto niya rin raw magpaturo sayo, kuya.” sabi kong nakangiti. Bawal ako sumimangot. Baka isipin niya pang nagseselos ako. No way, Iris!

“Sure, why not. The more the merrier.” Sabi niyang nakangiti. Napasimangot ako sa sinabi niya at naupo na lang sa harapan niya. Nagulat naman ako dahil hindi ko akalaing mauupo si Anna sa TABI ni kuya.

Hindi naman nagrereklamo si kuya at tinuuloy lang ang pagturo samin. This is the worst day of my life. Naiinis naman ako dahil pahinto-hinto yung pag-tutor ni kuya dahil kay Anna. At natatawa naman si kuya sa mga sinasabi niya. Hindi ko na nakayanan at napatayo kagad ako. Nagngingitngit lang ako sa galit. Ayaw tumigil sa kakadakdak itong babaeng to. Hindi tuloy ako makapagconcentrate.

“Oh Iris, anong problema?” takang tanong niya. SI ANNA!! Si Anna ang problema!!

“Wala yun, kuya. Medyo sumama lang pakiramdam ko. Punta lang ako sa clinic. Tsaka…baka hindi na rin ako makabalik. Si Anna na lang yung turuan mo. Tutal MASAYA naman siyang kasama eh.” Diniin ko pa ang word na “Masaya” Dire-diretso na ako lumabas ng library. What if he find out?! Ugh! Napapa-english tuloy ako kahit sa isip ko!

Naiinis talaga ako! Dapat pala hindi ko na lang ipinakilala si Anna kay kuya!! I regret it!! Super duper mega regret it!! Uhm eh… hindi naman masyado, exaggerated lang ako. Masyado kasi akong nagseselos eh. Teka nga, ako nagseselos? Eh diba nga humahanga lang ako sa kanya? Hindi kaya nai-inlove na ako? Ohemgee Iris! Bawal! No! Never! Nu-uh! Masasaktan ka lang! Hanggang crush ka lang dahil ang “crush is paghanga!

NATAPOS ang lunch ko na hindi Masaya hanggang uwian. Cleaner kasi ako kanina, eh ang dumi-dumi ng classroom namin dahil sa ang daming nakakalat na mga papel at candy wrappers. Eto pa, kung kailang balak kong iwasan si kuya, sadyang nagkasabay naman kami sa paglabas ng gate. Nag-pretend na nga akong hindi ko siya nakita, tinawag niya naman ako.

Siyempre, sinungaling ako kapag sinabi kong ayokong makasabay sa pag-uwi si kuya. Kaya lang, ayoko talaga! May dahilan naman ako kung bakit ayokong sumabay sa kanya eh. Kasabay niya kasi ang Anna na yun eh! Kainis! Lumingon na lang ako sa kanya at nginitian siya at si Anna. Fake smile.

“Oh kuya, hindi kita napansin ah. Ano kailangan mo?”

“Sabay ka na samin ni Anna. Tutal magkapitbahay lang naman tayo eh.” Sabi niyang nakangiti.

Hindi ko kayang makatanggi sa ganyan klaseng ngiti! Why do you have to be so charming kuya?! Ayan tuloy! Napapa-english na naman ako!

“Ahhhh….S-sige.”

Habang naglalakad kami, nasa harapan ko sina Kuya Rannie at Anna, meaning, nasa likod ako. Habang sila ay masayang nagkukwentuhan, ako naman ay nagseselos na. Again. Totally not happy.

“Bakero! Kusai! Shine! Kiero! Kotabare! Urusai! Yakamashii!” Yan ang gusto kong sabihin kay Anna pero di ko masabi-sabi!! AHHHHH!! (Don’t bother asking what those words are :D)

Hangga’t sa makarating na kami sa bahay ay parang end of the world parin ang mukha ko. Hinatid niya pa kasi si Anna sa bahay eh. Gabi na raw kasi at delikado. Dapat nga ihahatid niya rin ako eh. Tumanggi pa kasi ako! Kainis! Ayan tuloy, mag-isa ako umuwi. Kapitbahay nga naming si Anna pero medyo malayu-layo rin ang bahay niya samin.

“Tadaimaaaa…” sabi ko pagka-uwi. (Tadaima = I’m back)

Ilang araw na ang nakakalipas at patuloy pa rin ako sa pag-iwas kay kuya Rannie. Hindi ko kasi kayang makita na may iba siyang kasamang babae. Lalo na si Anna! Ilang araw ko na rin hindi nakikita si kuya. Sinasadya ko yun. Kahit na nahihiya na ako dahil lagi ko siyang tinatakasan. Sigurado akong hinihintay niya ako lagi sa loob ng library. Kaya nga lalo na akong nahihiyang magpakita sa kanya! Siguradong nagagalit na siya sakin.

Awww... ang sad ko naman... :’(

Clumsily in Love with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon