Naghihintay na ako sa loob ng KFC. Si Anna palang ang nakikita ko at wala pa akong nakikitang paparating na Rannie or Gabriel. Nasa harapan ko si Anna pero mga tatlong table ang layo ko sa kanya. Mabilis kong tinakpan ang sarili ko ng menu ng KFC nang nakita kong dumating na si kuya Rannie at biglang napatingin sa gawi ko. Naghintay ako ng mga 10 minutes nang sa wakas ay nakarating na rin si Gabriel.
“Sa wakas, nakarating na rin ang pinakamamahal na hari.” Sarkastik kong sabi sa kanya.
“Sorry talaga, na-late kasi ako ng tulog eh. Tsaka naabutan ako ng traffic eh.” Sabi niyang nakangiti.
Inikot ko na lang ang mata ko at ngumiti na rin.
Naupo siya sa harapan ko at natatawang nakatitig sain.
“Ano ba, bat ganyan ka makatingin ha?” naiinis kong tanong at medyo ninenerbiyus.
“Bat naman kasi ganyan ka manumit?” hindi pa rin nawawala ang ngiti nito.
Napatingin ako sa hitsura ko. Nakasuot ako na checkered jacket at black sando sa loob. Tapos naka blue jeans ako. May suot rin akong malaking round eyeglasses at naka-tirintas ang buhok ko.
“So? Ano naman ang meron sa suot ko?”
“Ang weird mo. Mukha kang geek.” Diretsa niyang sabi.
“Tse! Nagsalita ang hindi geek” sabi ko at pinaningkitan siya ng mata. Nerd rin kasi ito kung makapag-ayos eh. Ang baduy pang magdamit. Tulad ngayon naka tuck-in ang polo niya. Hay naku! Pero gwapo naman siya eh, kapag inayos mo siya. Matalino rin itong si Gabriel.
“Sige sige, para naman makabawi na ako sayo, Treat kita ngayon. Anong gusto mo?”
“Talaga?” hindi ko naitago ang saya ko.
“Oo naman.” Sabi niya at nag-grin.
“Sige, gusto ko nang mocha krush at nang hot shots with rice. French fries rin.”
“Ok, wait ka lang jan.” tumayo na siya at pumila. Napangiti ako habang sinusundan siya ng tingin. Kahit na medyo isip bata yang si Gabriel, mabait parin siya sakin. Maraming nagsasabi sakin na may crush sakin si Gabreil pero hindi na lang ako naniniwala. Besides, kahit na meron, kawawa lang siya dahil kaibigan lang naman turing ko sa kanya.
Tumingin muna ako kena Rannie. Buti na lang pala at mabagal kumain si Anna. Tutal mabilis naman kaming kumain pareho ni Gabriel, maaabutan pa naming sila. Hehehe.
Nang nakarating na ang pagkain ay hindi muna kami nagkikibuan at tuloy lang sa pagkain. Tulad nga nang inaasahan ko, naunahan pa namin sina Anna. Ang bagal niya naman.
Nang matapos na kami ay sinubukan ko muna silang pakinggan, niyayaya ni Anna si kuya Rannie na pumunta na sila ng department store para mamili nang pwedeng bilhin para sa pinsan niya raw.
After kong narinig yun ang binaling ko na ang pansin ko kay Gabriel na nagbabasa ng libro. Pfft…
“Punta tayo ng department store.” Yaya ko sa kanya.
“Ha? Ano naman ang gagawin mo dun?” nakasimangot niyang tanong.
“Alangan mamimili.” Pagtataray ko. Ganti lang naman. ^_^v
“Naku, sige na nga. Tutal, treat ko nga ngayon. Ikaw ang masusunod.” Hehehe. I win!
Nang Makita kong lumabasa na sila ay sumunod na kami ni Gabriel. Pero syempre, hindi niya alam na may sinusundan pala ako.
Nang makapasok na kami sa loob ng department store ay niyaya ko si Gabriel na pumunta sa men’s section. Nagtataka man si Gabriel, hindi naman siya umaangal. Sinabi ko na lang sa kanya na may bibilhin ako para sa kanya. Pero syempre, ang totoo ay sinusundan ko lang sina kuya Rannie.
Habang namimili ako ng damit ay pinapanuod ko sina Anna at kuya Rannie. Hindi ko napapansin pero kanina pa pala nag-aapoy ang paligid ko sa tindi nang pagselos. Binatukan ako ni Gabriel.
“Hoy, kaya pala walang lumalapit sayo na sales lady, mukha ka kasing mamamatay tao.” Sabi niya sa pang- aasar na tinig. Binigyan ko siya nang masamang tingin at binalik ang pansin sa pagpili. May napansin akong isang polo na mukhang babagay kay Gabriel. Mabilis ko itong kinuha at pinatong kay Gabriel.
“Bagay sayo!” sabi ko at nag OK-sign.
Tumawa lang siya at kinuha sa kamay ko yung damit.
“Huwag mong sabihin ako rin ang bibili nitong damit?”
“Hindi ah, sabi ko nga regalo ko to sayo, di ba?” sabi ko at inagaw sa kanya ang damit. Malapit na rin kasi ang birthday ni Gabriel. Sa October 3 na kasi ang bday nito. 10 days na lang. Now come to think of, malapit na pala ang hellish exams namin.
Nagkibit balikat na lang siya. Hinila ko siya sa dressing room nang nakapili na ako ng pants para sa kanya. Binigay ko rin sa kanya yung damit na napili ko kanina.
“Tanggalin mo rin ang salamin mo paglabas mo ah.” Sabi ko tapos ginulo ang buhok niya.
Tumango lang siya habang pailing-iling tas pumasok na.
Naghintay ako ng limang minute nang nakalabas na siya. Napangiti ako at nag-thumbs up. Sabi na nga ba at gwapo siya kapag nag-ayos siya eh. Pati ang sales lady na kasama naming ay napatingin sa kanya.
“Told you it’ll look good on you.” Sabi ko tas kinindatan siya.
“Wow! Since kalian ka natutong mag-english ha?” asar niya sakin.
“Tse!”
Nagpalit na ulit siya tas bumalik na sa normal ang baduy look niya.
Pumunta na kami sa cashier at binayaran ko na ang mga damit. Binigay ko sa kanya yung plastic.
“Sayo yan kaya ikaw ang magbubuhat.” Bumaling ako kena Anna at napansin kong ang saya nilang tignan. Napayuko ako at nagbuntong hininga nang malungkot. Wala na ata akong pag-asa. Bagay na bagay sila. Naririnig ko pa ang ibang tao na nabubulungan na bagay raw sila. Tsk! Tanggapin mo na nga lang, Iris! Wala ka na talagang pag-asa.
Nagulat na lang ako nang hinila bigla ako ni Gabriel.
“Uy Gabriel? San mo ko dadalhin?” takang tanong ko. Ang bilis niyang maglakad. Ang higpit pa nang hawak niya. Hindi siya sumasagot. “Gabriel!” sigaw ko.
Tumigil siya kaya napabunggo ako sa likod niya.
“Aray!”
Lumingon siya sakin tas ngumiti, “Gusto mong maglaro?”
Napaangat ako nang tingin. Dinala niya ako sa World of Fun. Napangiti ako at tumango. Hinila niya ako sa loob at bumili nang maraming tokens. Halos lahat na ng games dun ay nilaro naming. Basketball hoops, Tekken, hockey, karaoke, at lahat na! Kahit na medyo nalungkot ako sa pag-give up kay kuya Rannie, napasaya naman ako ni Gabriel.
=To be continued=
BINABASA MO ANG
Clumsily in Love with You
RomanceWhat will you do if your teacher made your crush your tutor? Meet Iris Navarro, since she failed her exams and also in her card in all her major subjects. Her adviser decided to help her. She made Rannie Castillo her tutor. He is the student council...