Chapter 7

68 4 0
                                    

Nagpunta ako ng library tulad ng dati. Nang nakapasok na ako ay nakita ko si kuya Rannie na natutulog nang mahimbing. Napangiti ako. Mukhang napagod siya sa work nila sa student council. Sayang talaga, kung kelan nalaman ko na mahal ko na siya, dun naman ako nag-give up. Hay naku, buhay nga naman.

Medyo na-late rin kasi ako ng dating eh, ang tagal kasi kaming pinalabas ng teacher namin eh. Ang ingay kasi ng klase namin. Naupo ako sa tabi niya. Matagal-tagal ko ring pinagmasdan yung mukha niya hangga’t sa magsawa ako. Kung dati kasi, kaya ko lang siya titigan sa pictures. Pero pag totoong tao na, hindi ko magawa-gawa dahil hiyang-hiya ako. Kahit nga na magkapitbahay kami, hindi naman kami nagpapansinan. Nagkakahiyaan rin kasi.

“Sayang…” Inalis ko ang tingin ko kay kuya rannie.

Naging textmate ko na rin si kuya, tumigil lang simula nung nag-high school na ako. Yung mga kaibigan ko, tinatanong si kuya Rannie kung may gusto raw ba siya sakin, sinasabi na lang ni kuya na masyado pa raw akong bata. Ibig sabihin, wala siyang gusto sakin. Ngayong natandaan ko yun, lalo lang akong nawawalan ng pag-asa. Dumating pa si Anna.

“Damn it.”

Hinawakan ko ang baba ko at nag-isip ng malalim. Siguro, kung hindi lang ako pumayag na ipakilala si Anna kay kuya, di sana, wala na akong karibal sa pagmamahal ni kuya Rannie? Hmmm….

“Hindi rin.” Kahit pala na hindi ko ginawa yun, siguradong gagawa pa rin ng paraan si Anna para mapalapit kay kuya. Tsaka, diba nga? Walang tsansa na magkakagusto sayo si kuya Rannie? Hay naku Iris! Magtigil ka nga!

Napakamot ako sa ulo ko tas nagsalukbaba.

“This is the worst day of my life. No, let me correct that. This is the worst year of my life.”

“Mukang umaasenso ka na sa English ah.” Bigla akong nagulat sa nagsalita.

“Ay syet malagkit, peanut coconut!!” napatayo ako sa kinauupuan. Gising na pala si kuya Rannie!

Napatawa siya ng mahina. Huwag mong sabihing kanina pa siya gising? Kanina niya pa ba akong pinagmamasdan habang nag-iisip ako? Kanina niya pa ba ako pinapanuod habang kinakausap ko sarili ko? Nakakahiya!!! Ano ba naman yan!!

“New word?” at tumingin siya sakin.

“Ah… eh… maybe?” tas nagpilit akong ngumiti.

“It’s cute… I like it.” Nag-init bigla ang magkabila kong pisngi.

It’s cute… I like it.

It’s cute… I like it.

It’s cute… I like it.

It’s cute… I like it.

It’s cute… I like it.

It’s cute… I like it.

It’s cute… I like it.

You’re cute… I like you. (Not true XD)

Paulit-ulit na parang sirang plaka ang mga salitang yun sa isip ko. Bigla akong natauhan nang tinawag ni kuya ang pangalan ko.

“Uhmm… Iris? What’s wrong?” nagtatakang tanong ni kuya.

“Ahh… wala yun. Ahahaha!” sabi ko at naupo na sa harapan niya.

“Sorry kung bigla akong nakatulog ah. Ang lamig kasi eh.”

“Hindi kuya! Ok lang yun! Ako nga ang dapat mag-sorry eh. Na-late kasi ako ng dating eh.” Pagtanggi ko.

“Siyanga pala, nakita kita sa mall kahapon ah.”

Napatigil bigla ako, “Ano ka ba kuya! Baka naman namalikmata ka lang.” Pag deny ko.

Clumsily in Love with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon