Chapter 5

71 4 0
                                    

Absent ako ngayon sa school dahil may sakit ako. Hindi ako makabangon sa kama. Ang taas pa ng lagnat ko. Nakakainis naman oh. Excited pa naman ako pumasok nang school dahil may basketball kami sa P.E time. Eh wala eh, naabutan kasi ako nang malakas na ulan. Wala naman akong dalang payong nung araw nay yun.

Wala tuloy akong magawa ngayon sa bahay. Hindi rin ako pinapayagan ni mama na manuod ng TV dahil gusto niyang matulog na lang ako at magpahinga. Hay naku. Sinunod ko naman yung gusto niya. Nakahiga lang ako dito at nakatingala sa kisame.

Mga 10 am pa lang. Kakatapos ko lang maligo. Matutulog na lang muna ulit ako. Tutal wala rin naman akong magagawa eh. Mabo-bored lang ako.

“IRIS!!!!”

Nagising bigla ako sa sigaw ni mama. Anu ba naman yan! Tinignan ko muna yung alarm clock ko. 1 pm na pala. Hindi pa rin ako makabangon kaya sumigaw na lang ako pabalik kay mama.

“PO?”

“MAY HUMAHANAP SAYO!”

“Sino po yun, NAY?” Nang tinanong ko na yun ay hindi na siya sumagot. May narinig na lang akong umaakyat sa hagdanan. Pinaakyat niya na lang. Buti naman.

Nang kumatok na ang tao ay sinabihan ko na lang ng “Pasok.”

Nang bumukas ang pinto ay pumasok ang isa sa mga kaklase ko na kaibigan ko rin. Teka nga, bat may hawak siyang kandila? Tas kinakanta niya pa ang “You are not alone”. Ha? Bakit? Anong meron? Hala, may sumunod pang isa sa mga kaklase ko, and another one, and another one, and… another one. Grabe ang dami!

Teka! May sumunod pa! Si Gabriel? Tapos si Janelle? Tapos si Anna…? Lahat sila may hawak na maliit na kandila tas kumakanta. Ay wait! May isa pa! Si…si…si kuya Rannie?!  May hawak rin siya… pero hindi kandila. Bulaklak siya. Favorite ko pa! Lily…!

Ay syet!! Nakalimutan ko! Suot ko nga pala yung hello kitty na pajama ko na iniregalo sakin ni Janelle! Nakakahiya to kapag nakita nila ang suot ko! Lalo na kay kuya Rannie! NO WAY!

Mabilis kong tinakpan ang pajama ko nang kumot tapos naupo ako. Hinding-hindi ako tatayo sa kamang ito!  Naupo ako at ngumiti.

“Ano na naman ang ibig sabihin nito? May mamamatay ba? May nalalaman pa kayong pakanta-kanta jan. Nakakabasag naman ng tenga. Tapos yung kandila… pag nagkasunog sa bahay naming… naku! Humanda kayo saking lahat!” hindi ko maiwasang mainis. Pero nananatili ang ngiti ko dahil nanjan si kuya Rannie.

Sigurado akong si Janelle na naman ang pasimuno nang lahat ng ito! Naku! Nasa mood na namang mang-asar ang babaeng ito! Tsk! Pasaway talaga! Humanda siya sakin bukas.

Nag-grin lang sila at sabay-sabay na hinipan ang kandila tapos lumapit sakin si kuya Rannie at iniabot sakin yung bulaklak.

“Ahhh… sorry kung ito lang ang maibibigay ko sayo.” Sabi niyang nahihiyang napahawak sa batok niya.

“Hindi, okay lang ito! Favorite ko nga yung bulaklak na ito eh!” sabi kong pilit na ngumingti.

Patay… mukhang naiihi na ako! Anong gagawin ko! Kakasabi ko lang sa sarili ko na hinding-hindi ako tatayo sa kamang ito.

Napansin kong may nilalapag sila sa table ko. Puro prutas ang nilalagay nila. Salamat naman at matino ang regalo nila.

Pumasok si mama at niyaya silang kumain sa baba. Hay salamat! Makakapagbanyo na rin ako sa wakas! Sinabi kong mauna na sila at susunod na lang ako. Nang nakalabas na sila ay mabilis na humakbang ako sa kama at pumanhik kaagad sa banyo. WEW!

Nang buksan ko na ang pinto ay bumungad sakin si kuya Rannie… yung kamay niya ay nakataas na mukhang pangkakatakot niya pa lang. Napatulala ako.

Nakita niya na ang pajama ko!!! WAAAAHHH!! NAKAKAHIYA TALAGA!

Clumsily in Love with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon