Nasa loob ako ng kusina nina kuya Rannie ngayon at nagbabasa ako ng bimpo sa mainit na tubig. Grabe, ang linis pala ng bahay nina kuya. Tama nga si Anna, mag-isa nga si kuya sa bahay ngayon. Pinilig ko ang ulo ko nang mag-imagine ako ng hindi pwede. Tapos ko na basain ang bimpo.
Hindi na ako magtataka kung bakit mabilis na pumayag si mama na ako ang mag-alaga kay kuya. Mapapagkatiwalaan naman kasi si kuya eh. Pero ako hindi, hindi ako pwedng pagkatiwalaan. Baka ma-rape ko lang si kuya sa kakatitig ko habang natutulog siya.
Paakyat na ako sa hagdanan para puntahan si kuya sa kwarto niya. Sinabihan ko na siya na magpalit ng pajama. Nang nasa harapan na ako ng pintuan ay kumatok muna ako bago pumasok.
Nang makapasok na ako ay nakita kong natutulog na si kuya. Mukhang pagud-pagod na nga. Tinignan ko yung paligid ng kwarto niya. Like what I expected, malinis ang kwarto.
Lumapit ako sa kanya at naupo sa bakanteng upuan. Hindi ko siya magising dahil mukhang mahimbing yung pagkatulog niya. Hmm… anong gagawin ko?
Kinuha ko na lang ang bimpo sa maliit na timba at inumpisahang punasan si kuya. Nag-umpisa ako sa kamay niya. Syet… ano ba yan! Nararamdaman kong nag-iinit yung buong katawan ko habang pinupunasan si kuya sa kamay. Kamay palang ito ah, ano na lang kapag ang buong katawan na!!
Pagkatapos sa kamay ay nagdadalawang isip na ako kung bubuksan ko pa ba ang butones ng polo ni kuya…
Tumayo ako at dahan-dahang binuksan yung una…tas yung pangalawa… tas yung pangatlo…and then yung pang-apat…Oh God, please help me! Baka maka-rape na talaga ako ng tao nito!! Tinanggal ko na ang last na butones.
Nilublob ko ulit yung bimpo sa mainit na tubig at pinunasan na ang katawan ni kuya simula sa chest. Pinikit ko yung mga mata ko dahil hindi ko kayang pagmasdan yung buo niyang katawan.
Nang matapos na ako sa pagpunas ay hindi ko inaasahan na madulas sa timba at napasubsob ako sa dibdib ni kuya!! OMG! I know this position! Hindi ako makagalaw!
“Oh my God! What’s the meaning of this?!” napatingin ako sa gawi ng pinto at nakita ko ang shocked faces ng nanay at ate ni kuya!
Nag-init lalo ang pisngi ko at mabilis akong napatayo ng tuwid. Inayos ko ang sarili ko at nag-bow.
“Sorry po!! Sorry po talaga! Hindi ko po ito sinasadya! Nadulas lang po ako! Sorry, sorry, sorry!” ahh! Anong gagawin ko! Baka makasuhan ako ng rape at ipakulong!!
Narinig ko bigla si kuya Rannie na nagsalita, “Ma, ate, bat po nandito na kagad kayo? Akala ko ba bukas pa kayo uuwi?” nakaupo na si kuya at pinipilit na tumayo.
Lumapit ako sa kanya para tulungan siya.
“Anong ibig sabihin nito, Rannie? B-bakit kasama mo si Iris dito?” halos mahimatay na ang nanay niya. Pero yung ate ni kuya, mukhang composed lang. Ang cool…
“Ma, nandito lang siya para alagaan ako. May sakit kasi ako eh.” Mahinahong paliwanag ni kuya.
“P-pero bakit halos hubad ka na? Tas nasa ibabaw mo pa siya…” hindi pa rin mapakali yung nanay niya. Syet… halos gusto ko nang maglaho dito na parang alikabok sa tindi ng hiya.
“Ma, huminahon ka nga muna, sandali lang, kukuha lang ako ng tubig.” Biglang nagsalita yung ate niya. Nang papalabas na siya ay naglakas loob ako na magsalita.
“Uhm, ako na lang po ang kukuha ng tubig.” Pagba-volunteer ko.
Nginitian niya ako tas lumapit sakin, “Sure, salamat na rin.” Tas lumapit na siya kay kuya Rannie.
Nagmadali akong bumaba at dumiretso sa kusina tas kumuha na ako ng isang baso ng tubig. Pero bago ako umakyat, pinakalma ko muna ang sarili ko. Para akong tanga kanina, pati ba naman sa ate ni kuya, kinikilig rin ako?! Kunsabay, hindi ko naman first time makita ang ate niya eh, pero, ang ganda talaga ng ate niya at napaka-cool. Matalino rin. Magkapatid nga talaga.
Nang umakyat na ako sa kwarto nakita kong nakahiga na si kuya pero gising. Inabot ko ang tubig si ginang at sa gulat ko ay tinanggap niya naman. Akala ko pa naman hindi niya ako papansinin.
“Salamat ah, sorry nga pala sa kanina. Masyado lang talaga ako nagulat.” Nginitian siya nito.
“O-ok lang po. Sorry rin po.” Sabi ko.
“Ma, ate, hindi niyo pa rin po ako sinasagot kung bakit nandito kagad kayo.” biglang nagsalita si kuya.
“Oo nga pala, sorry Rannie, nakalimutan lang kasi naming yung regalo, babalik rin kami kaagad.” Yung ate ang sumagot. Siya nga pala, ang pangalan ng ate ni kuya Rannie ay Leanne.
“Ahh, sige, bumalik na kayo. Baka hinahanap na nila kayo dun.”
“Pano ka? May sakit ka diba?” nag-aalalang tanong ng nanay niya.
“Ma, ok na ako. Inalagaan na kasi ako ni Iris eh, All I have to do is rest na.” Wow… hindi ko alam pero parang kinilig ako sa sinabing yun ni kuya ah. Hindi rin sila nagtagal at umalis na rin.
Hinintay ko munang makatulog si kuya bago ako umuwi. Nag-iwan pa ako ng note sa kanya sa ibabaw ng table na katabi ng kama niya.
Nang nagising na si Rannie ng medaling araw ay nakita niya kaagad ang letter sa kanya ni Iris. Napangiti siya nang mabasa niya ito:
Kuya! Sorry po kung umuwi na kaagad ako ng walang paalam. Kailangan ko pa kasing magluto ng dinner eh. Please take care of yourself more! Maysado ka kasing mabait eh… Uhm… well… sana gumaling ka…
Iris Navarro
=to be continued=
BINABASA MO ANG
Clumsily in Love with You
RomanceWhat will you do if your teacher made your crush your tutor? Meet Iris Navarro, since she failed her exams and also in her card in all her major subjects. Her adviser decided to help her. She made Rannie Castillo her tutor. He is the student council...