Anna’s POV
Naglalakad si Anna pababa ng hagdan. Nang nasa baba na siya ay may biglang nagsalita sa likod niya.
“Bat naman sinabi mo pa yun kay Iris Navarro?” napalingon siya sa nagsalita at si Jonathan ang nakita niya. Assistant Secretary ng student council sa school nila. A very cold person. Nakasandal ito sa pader.
“Yung ano?” takang tanong niya.
“Lahat nang tungkol kay Rannie. Edi nawalan ka ng chance sa kanya.” Umalis na ito sa pagkakasandal sa pader tas humarap sa kanya.
“Eh ano naman yun sayo?” naiinis niyang tanong.
“Gusto ko lang lumayo si Iris kay Rannie.” Balewalang sagot nito.
Lumapit ito sa kanya habang siya naman ay paatras ng paatras hangga’t sa mapasandal na siya sa pader. Naipit na siya ni Jonathan.
“B-bakit naman?” nauutal niyang tanong.
“Kasi ayaw ko kay Iris. She’s a bad influence to Rannie. He almost got into a fight because of her.” Sabi nito. Nagbago bigla ang expression, lalong naging cold. Naiilang siya dahil sobrang lapit nito sa mukha niya.
“Hindi naman bad influence si Iris. Hindi mo siya kilala kaya wag mong sasabihin na bad influence siya.” Pagtatanggol niya kay Iris.
“May gusto si Rannie kay Iris, alam mo rin yun. Tsaka, si Iris ang may dahilan kung bakit na-busted ka kay Rannie di ba?” sabi nito sa nakakalokong ngiti nito.
Hindi niya napigilan ang sarili niya, sinampal niya ito, “Jerk! Tsismoso! Mamatay ka na sana, cold-hearted person!!” tas tinulak niya ito papalayo sa kanya at kumaripas ng takbo.
Naiinis siya. Naiinis diya dahil tama nga ito, na-busted siya ni kuya Rannie. Pero hindi niya sinisisi si Iris.
Siya nga itong masamang tao eh, alam niya nang may gusto si Iris simula pa lang kay Rannie pero inignora niya ito at ginamit niya ang kabaitan ni Iris para mapalapit kay Rannie. Pinilit niya ang sarili niya kay Rannie dahil akala niya magugustuhan rin siya nito kapag nagkasama sila ng matagal. Pero nagkamali siya, dahil nalaman niyang may gusto rin pala si Rannie kay Iris.
Kaya nga nang binusted siya ni Rannie, ay tinanggap niya iyon nang walang galit. Pero syempre, nasaktan rin siya. Dahil first year pa lang siya ay may gusto na siya kay Rannie. Pero alam niya, mas matagal na minahal ni Iris si Rannie, kaya this time, siya naman ang tutulong dito.
Hanggang ngayon ay nasa labas pa rin si ako ng clinic, nagdadalawang isip ako kung papasok pa ba ako o hindi na. Nahihiya kasi ako eh. Alangang sabihin ko na “Kuya, aalagaan na kita.” Syet! Nakakahiya! Napahawak ako sa magkabila kong pisngi at pinipigilan ang sariling kiligin.
May nagsalita bigla sa likod ko, “Miss, hindi ka pa ba papasok?” yung nurse ng school naming ang nagsalita.
“Ho? Ah eh… n-nanjan pa po ba si k-kuya Rannie?” nauutal kong tanong.
“Ahh si Mr. Castillo, oo nanjan pa siya.” Sabi nitong tas ngumiti. “Bibisitahin mo ba?”
“Ah…ehh…opo…” nagdadalawang isip kong sagot.
“Pasok ka na.” tas ito na ang nagbukas ng pinto.
Nang nakapasok na ako ay nakita ko si kuya Rannie na nakahiga pa rin sa kama. Lumapit ako dito at naupo. Tulog pa siya kaya maghihintay na lang ako. Tumingin ako sa orasan. 5 pm na.
Dahan-dahan kong hinawakan yung noo ni kuya Rannie. Medyo mainit pa siya pero mukhang bumaba rin naman yung sakit niya. Tinanggal ko na ang pagkahawak ko dito. Mmm… medyo inaantok na ako… matutulog muna ako…
Nagising ako nang maramdaman kong may nanonood sakin. Unti-unti kong dinilat yung mata ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si kuya Rannie na nakatingin sakin habang nakangiti. Napabalikwas ako at napatayo.
“K-kuya… k-kanina ka pa ba gising?” nahihiya kong tanong. Sana hindi, sana hindi, please hindi!
“Hindi, kakagising ko lang.” natatawa niyang sabi.
YES! Nagcelebrate ang mga imaginary angels ko sa isip.
“Bat ka nga pala nandito?” biglang tanong ni kuya.
“Ha? Ahhh…” sabi ko at napakamot sa ulo.
Hinihintay niya akong sumagot.
“K-kuya, since ako nga ang may dahilan kung bakit ka nagkasakit… a-ako na lang ang m-m-mag-aalaga s-sayo…” nauutal kong sabi. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Tumanggi ka kuya, please tumanggi ka, hindi ko makakayanan ang makasama ka nang mag-isa sa bahay niyo…!
“Sure. Kung yun ang gusto mo.” Sabi nitong nakangiti. Kuya! Bat di ka tumanggi! Kunsabagay, wala siyang pakelam kung makakasama niya ako sa bahay nila nang mag-isa dahil little sister lang ang turing niya sakin… haist…
“Ah, yung bag mo kuya?” tanong ko.
“Dinala na sakin nina Migs and Nathan.” Sagot niya.
“Nathan?’ taka kong tanong.
“Ah, siya si Jonathan, pinaikli ko lang ang pangalan niya.” Paliwanag niya sakin.
“Ahhh…” tango lang ako.
“Medyo gabi na nga pala. Kailangan ko pa palang magpaalam kay mama para alagaan ka. Pano yan, baka mamaya hindi ako payagan nun.” Sabi ko sa sarili ko.
“Wag kang mag-alala. Ako na ang bahala dun.” Sabi sakin ni kuya Rannie tas tumayo na sa pagkahiga.
“Huh?”
“Sige, mauna ka nang lumabas. Mag-aayos lang ako.” Sabi niya at mahina akong tinulak palabas.
Nurse POV
“Castillo, bat nga pala nagsinungaling ka kay Navarro na kakagising mo lang. Di ba kanina ka pa gising?” tanong ng school nurse kay Rannie.
“Sigurado kasi akong mahihiya yun sakin at baka lalo lang siya lumayo. Ayokong mangyari yun.” Nakangiting sabi ni Rannie.
“Hay naku, mga bata talaga. Hindi ko na alam kung ano ang mga iniisip niyo.” Pailing-iling na sabi ng school nurse pero napapangiti.
“Sikreto natin yun, ma’am ah.” Sabi ni Rannie at kumindat.
=to be continued=
BINABASA MO ANG
Clumsily in Love with You
RomanceWhat will you do if your teacher made your crush your tutor? Meet Iris Navarro, since she failed her exams and also in her card in all her major subjects. Her adviser decided to help her. She made Rannie Castillo her tutor. He is the student council...