Chapter 8

65 4 0
                                    

Malungkot na pinapanuod ko ang ulap habang nasa klase kami. Hindi na naman ako nakikinig. Wala rin akong gana. Masyado akong nalulungkot sa nangyari kanina. Gusto kong umiyak… pero wala namang lumalabas na luha. Kainis naman!

Alam ko naman yun eh, na kahit kalian ay hinding-hindi sakin magkakagusto si kuya Rannie. Pero hindi niya naman kailangan pang sabihin yun eh. Ugh, pero buti pa si Anna, may courage siya na makapag confess kay kuya, samantalang ako eh, wala lang, duwag lang.

Napabuntong hininga ako. Binuklat ko ang notebook ko sa likod at nagsimulang i-lettering ang name ni kuya Rannie. Tas naglagay ako ng mga doodles as background. Gumamit pa ako ng ibat’t-ibang kulay. Maganda na sana eh, kaya lang, bigla ba naman akong nag-drawing ng broken heart. Tsk. Emo.

Sinara ko na lang ang notebook ko tas binalik ang tingin sa mga ulap. Haissst… buhay nga naman…

Uwian na namin, habang naglalakad ako palabas ng gate ay may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako para tignan kung sino yun, paglingon ko ay isang lalaki na gwapo ang nasa harapan ko. No effect nga lang. Kay kuya Rannie pa rin ako.

“Iris, may kasabay ka bang umuwi ngayon? Hatid na kita.” Sabi niya at nahihiyang ngumiti.

“Sino ka?” diretsa kong tanong.

“Ang sama… ako to… si Gabriel.” Sabi niya at nag pout.

“EHHH?! Ikaw ba talaga yan? Woah!! What a huge transformation! Ang gwapo mo na in fairness ah! Hindi ka na mukhang baduy.” Sabi ko at natutuwang pinalo siya sa likod.

“Aray!” sabi niya’t napahawak sa likod niya.

“Ay sorry! Malakas ba palo ko?” kinabahan kong tanong.

“Medyo…” sabi niya.

“Sorry…” sabi ko tas nag-peace sign ako.

“OK lang. Ano? Payag ka ba na ihatid na kita?”

“Pero… malayo ang bahay mo samin ah?” nag-aalala kong tanong. “Tsaka… ang dilim ngayon. Mukhang uulan pa. Baka magkasakit ka pa. Sige na, wag na.” pagtanggi ko.

“Ano ka ba. OK lang ako. Sige na. Minsan lang naman ito eh.” Pagmamakaawa niya.

“Ayoko, bawal!” sabi ko’t nag-walk out. Nang nakalabas na ako sa gate ay sinundan pa rin ako ni Gabriel.

“Sige na naman. Please, please, please?”

“Bawal nga! Ang kulit! Tsk!” sabi ko’t binilisan ang lakad. Hindi pa rin siya tumitigil at patuloy pa rin sa pagsundan sakin. Nang naubos na ang pasensya ko ay humarap na ako sa kanya.

“Oo na!” nagulat ako nang iba ang nakaharap ko.

Si kuya Rannie!

 “Anong oo?” takang tanong niya.

Hinanap ko bigla si Gabriel. Hala! Saan naman nagpunta ang loko? Ano ba naman yan…

“Uhmm… wala yun kuya. Siyanga pala, nakita mo ba yung kasama kong lalaki kanina?” tanong ko na hindi tumitingin sa kanya.

“Ha? Wala naman akong nakitang may kasama ka eh.” Nagtatakang tanong ni kuya.

“Ayy ganun ba? Sige kuya, mauna na ako.” Sabi ko.

Biglang bumuhos nang malakas ang ulan nang nag-umpisa na akong maglakad. Malas!

Nagulat ako nang may tumakip sakin na payong. Napatingin ako sa may-ari. Si kuya Rannie na naman.

“Naku kuya, nakakahiya. Wag na. Tatakbo na lang ako.” Sabi ko at lalayo na sana pero pinigilan niya ako.

“Wag matigas ang ulo Iris, sumabay ka na sakin. Baka magkasakit ka na naman. Malapit na rin ang exam. Bawal ka magkasakit.” Hindi ako nakatanggi dahil mukha siyang nag-aalala.

Clumsily in Love with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon