Chapter 13

145 6 9
                                    

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Para akong istatwa dito. Nararamdaman ko ang titig ng mga tao. Nananatili lang akong nakayuko at nakatayo. Hindi ko kayang makita yung mga tingin na binibigay nila sakin, lalo na kay kuya Rannie! Naririnig ko na ang pagbubulungan nila. May mga kinikilig, mga mga galit, may nagtataka at may nang-iinsulto lang.

“Weeeeeh? Di nga? Hindi kaya ikaw lang ang nag-iisip non?” sigaw ng isa sa mga kaklase niyang lalaki.

“Kapal naman ng mukha mo, ate!” sigaw ng isa sa mga babaeng may gusto kay kuya.

“Anong sayo lang?! Baka naman SAKIN lang!” sigaw ng isa sa mga bakla.

“Hoy! Ambisosya kang babae ka ah!”

Kinagat ko ang  labi ko para pigilan ang pagtulo ng mga luha ko.    Biglang kinuha sakin ni kuya ang mic pero hindi siya tumitingin sakin. Siguradong nagalit siya…

“Sorry po sa lahat tungkol sa nangyari ngayon. I’m also very sorry about what Ms. Iris Navarro said. I’m sure it caused trouble to all of you.” Seryosong sabi nito pero nananatili parin ang gentle smile nito sa mukha. Pero di ko napigilan ang sarili ko na masaktan sa mga sinabi ni kuya. Troublesome lang pala ako para sa kanya. Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko, mabilis ko itong pinunasan. Tumakbo ako pababa ng stage at nang malapit na ako sa pintuan ay bigla akong napatigil nang marinig ko ang kasunod na sinabi ni kuya Rannie.

“Melissa, right? I’m very sorry… but like what Iris said… I’m already hers.” Napalingon bigla ako at napatingin kay kuya Rannie. Tama ba ang mga naririnig ko? Hindi kaya’t nabingi lang ako?

“You’re lying, right? Gusto mo lang akong takasan?!” hindi nagpaawat yung Melissa.

“No, I’m sorry. It’s true… I’m already taken by Iris. And also, I never remembered that I slept with a woman before. Please stop with the lying already.” Kinilabutan bigla ako sa ngiti niya. Hindi ko alam  pero kahit na may suot siyang gentle smile parang may tinatago siyang masamang ngiti…. Kowaiiii(Kowaiii-scary)

Biglang natigilan ang babae pero bigla ulit itong sumigaw, “Fine! You win! Pero…” bigla itong tumingin sakin ng masama.

“Prove it to all of us na sa kanya ka talaga! Hindi kaya’t inutusan ka lang ng babaeng yan na sabihin mong sa kanya ka lang talaga? We can’t accept the fact that you’re already taken by someone else!” hindi paawat na sabi ng Melissa at tumingin ulit kay kuya Rannie.

Hindi nagsalita si kuya at nanatiling tahimik. Marami rin ang sumisigaw na “Proof!”

Biglang tumingin sakin si kuya na ikinagulat ko. Nginitian niya ako pagkatapos ay humarap ulit sa mga high schoolers.

“SILENCE!” nangibabaw yung sigaw ni kuya sa mga sigaw ng mga estudyante. Pati ang mga guro ay wala nang magawa sa kaguluhan. Para ngang kinikilig rin sila eh….

“If you really want proof, then I’ll show you…” sabi ni kuya tapos ay ngumiti. Ngiting nakakatunaw para saming mga babae. Nagulat ako nang tumingin sakin si kuya at nagsimulang maglakad pababa ng stage. Papalapit nang papalapit sakin hanggang sa nasa harapan ko na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clumsily in Love with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon