Chapter 2

86 5 0
                                    

“So…san tayo magsisimula?” tanong niya sakin.

“Ikaw bahala.”

“No, its okay… ikaw na.”

“Kaw na lang.” pilit ko.

“Ikaw na…”

“Hindi na nga, ikaw na lang. Ikaw naman ang magtuturo eh.”

“Sige na ikaw na lang. Please?” pagmamakaawa niya.

Wala naman akong magawa dahil panalo na siya sa pagpilit. Tapos nag-please pa siya sakin. Ang pinili ko ay English dahil ayoko ng Science lalo na Math.

Sinimulan niya na akong turuan  tungkol sa grammar since dun ako pinakamahina. Hehehehe…. Sige na, ako na tanga.

“Ano nga pala ang pinagkaiba ng ‘to’ sa ‘too’?” nahihiya kong tanong.

“Ahh yun ba? First, ginagamit ito as a direction. For example, She is going to the kitchen.” Habang sinasabi niya ito, sinusulat niya na rin. Ang sagot ko na lang ay puro “ahhhhh”

“Pwede rin itong gamitin kapag may nare-receive ang isang tao. Halimbawa, I gave it to you. Tapos pwede rin itong used in indicating a limitation. Halimbawa ay ‘His grades turned from 75% to 100%.’ Pwede rin if you want to point out how far something reaches. For example, ‘The race strated from the first avenue to the 9th’. And last, you can also use it when something reaches a particular state. Example ay, ‘What started as friendship turned into love.” Grabe ahh. Ang haba ng explanation niya. Taglish pa day! Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi. Napakaserious pala ni kuya kapag nagtuturo. Hindi ko maiwasang mapangiti. And I regretted it.

“Hey? Bakit bigla kang napangiti? May nakakatawa ba sa pagtuturo ko? Sabihin mo lang. Nakakahiya kasi eh. Baka may mali ako.” Nahiya naman ako, serious siya tapos ako tumatawa. Hay naku. Nakakahiya!! Mukha siya tuloy malungkot.

“Hindi kuya, wala yun! Natutuwa lang kasi ako dahil napaka serious mong magturo. You’re the best!” at nag-thumbs up pa talaga ako habang naka-grin :D

Natawa naman si kuya at lumabas ang napakaganda at mapuputi niyang ngipin. Hay!! Nakakatunaw. Syet!

“Sige kuya, balik na tayo sa pagturo mo sa gramming mo.” Sabi kong nakangiti.

Bigla namang natawa si kuya.

“Bakit kuya? Anong nakakatawa sa sinabi ko?” taka kong tanong.

“Grammar, Iris. Not gramming. Hahaha.” Namula naman ako. Nakakahiya! Simpleng words na lang! Iris! Simpleng words! Argh!

“Ay, s-sorry. Napakabobo ko talaga.” Sabi kong nakayuko.

“Hindi sige okay lang yun. Balik na tayo.

Nakakahiya naman ang ganito. Nakakasampung questions na siya sakin pero ni isa wala akong nasagot na tama.

“Uhmm… Iris… may mali ka ulit dito. Dapat, “I pity those who can’t live their lives normally.” Hindi, “I pity those who can’t live they’re lives normal.” 

“Sorry kung  nakakailang mali na ako. Hindi talaga ako magaling sa English eh.” Sabi kong nakayuko dahil sa matinding pagkahiya. Gusto ko nang maiyak... waaahhh!

“Haha! Hindi naman. At least nga hindi ka sumusuko eh di tulad ng iba na suko kagad.” Sabi niyang nakangiti.

“S-salamat. Totoo nga ang mga sinasabi ng mga tao dito. Mabait ka talaga.” Sabi ko na nakayuko parin dahil nahihiya talaga ako.

“Ha? Sino naman ang nagsabi nun?”

“Marami.” Sabi kong nakatingin na sa kanya

Hindi na siya nakasagot dahil nag-ring na ang bell namin at pinapaalis na kami ng librarian dahil time na. Nagpaalam na kami sa isa’t-isa at bumalik na sa sariling klase.

Clumsily in Love with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon