Lunch break na namin, at heto ako, nag-iisa. Busy kasi si Janelle ngayon eh. Habang kumakain ako ng sandwich ay bigla akong nakarinig nang pamilyar na tinig. Napalingon ako upang tignan kung tama ba ang hinala ko. At tama nga, sina kuya Rannie at Anna, nasa likod ko, mga dalawang table silang malayo sakin. Kumakain sila… masaya…. Parang mag-syota lang… nakakainis.
Since malakas ang panrinig ko, naririnig ko kung ano ang pinag-uusapan nila. Nagkukwento si Anna nang kung anu-ano kay kuya. Si kuya naman ay ngiti lang at tawa ang sagot.
Hindi ko na napapansin, pero nakataas na pala ang isang kilay ko. Nadurog ko na rin pala yung sandwich na kinakain ko.
“Uy Iris, baka naman mamaya, umabot langit na yang kilay mo sa sobrang taas.” Napatingin ako sa nagsalita, si Janelle lang pala.
“Ha? Ah… eh…” bigla kong napansin na napatingin sakin si kuya dahil medyo malakas rin ang pagtawag sakin ni Janelle. Nagka-eye contact kami. Umiwas kaagad ako at binalik ang tingin kay Janelle.
“Ano?” naiinip niyang tanong.
“Wala… may nakikita lang akong nakakainis.” Sabi ko habang napapakamot sa ulo.
“Ayy ganun? Siya nga pala, may pinabibigay sayo yung si Rannie, yung tutor mo. Eto oh.” May inabot siya saking envelope. Tinitigan ko lang ito. Nakanganga pa.
“Sige, mauna na ako. Kailangan ko pang tapusin yung project naming eh. Bye.” At nagpaalam na siya.
Tinignan ko ang loob nito at may limang papel na nakastapler. Ginawan ako ni kuya ng parang test. Iniwasan kong mapangiti dahil napapansin kong nakatingin sakin sa kuya. Tas may biglang nalaglag na maliit na papel. Pinulot ko ito at binasa:
Hi Iris J,
I hope this can help. Aral ka nang mabuti ah. Balita ko kasi may Unit Test kayo, kaya naisipan kong gawan ka nito. It can be pretty useful.
GOODLUCK ^_^
-Rannie
Hindi ko na naiwasang mapangiti. Ang bait niya talaga, ni hindi man lang siya nagreklamo sakin dahil hindi ko na siya pinupuntahan sa library at lagi kong tinatakasan. Maalala pa rin siya. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Napaka-selfish ko naman. Naging selosa kasi ako eh, alam ko namang wala akng karapatan para makaramdaman nang ganun. I’m not even his girlfriend. Geez. Magpakatino ka nga, Iris! Sinampal ko nang mahina yung magkabila kong pisngi at tumayo. Lumapit ako kay kuya Rannie nang hindi dindilat ang mata ko at nag-bow sa harapan niya.
“Kuya Rannie! Sorry kung lagi na kitang tinatakasan sa tutoring mo! Sorry talaga! Masyado ko kasing inaabuso ang pagkamabait mo! I’m really, really sorry!” hindi ko iniaangat ang ulo ko.
“Humarap ka sakin.” Napadilat bigla ako. Huh? Bat parang nagbago ang boses ni kuya? Tsaka bat parang tumatawa pa siya?
Inangat ko ang ulo ko at nagulat. Hindi siya si kuya Rannie ah! Napaduro bigla ako sa kanya.
“S-s-s-sino ka!” kinakabahan kong tanong. Nakikita kong nagtatawanan sila ng mga kaibigan niya pati na rin yung mga taong nasa paligid ko.
“Ako dapat ang magtanong niyang sayo. Sino ka ba?” tumayo ang lalaki at lumapit sakin. Napaatras ako.
“S-s-s-s-sorry po, nagkamali po ako ng pinagsabihan…” ahhhh! Iris! Nakapatanga mo talaga! Baka! Baka! Baka! (Baka=stupid)
“Kaanu-ano ba yung Kuya Rannie mo? Tutor? O baka naman boyfriend? Huwag mong sabihin kabit? Ang sama mo naman. Tinatakasan mo pala siya. Bad girl—“ hindi niya natuloy ang sinasabi niya nang biglang may yumakap sakin at tinulak ang lalaki papalayo.
BINABASA MO ANG
Clumsily in Love with You
RomanceWhat will you do if your teacher made your crush your tutor? Meet Iris Navarro, since she failed her exams and also in her card in all her major subjects. Her adviser decided to help her. She made Rannie Castillo her tutor. He is the student council...