Chapter 12

71 4 0
                                    

Hindi ko na alam kung nakakailang hikab na ako basta’t ang alam ko, bored na bored na ako dito at gusto ko nang matulog! God, Please help me!!

Nandito nga pala ako ngayon sa seminar ng school namin tungkol sa exams naming. Sa Tuesday na kasi ang exams eh, Thursday na ngayon… ugh… lahat ng high school ay sama-sama dito sa auditorium. Buti na lang at malaki ang auditorium ng school kundi nagsisiksikan na kamng lahat sa loob. Too bad, hindi ko makita si kuya Rannie kahit saan ako tumingin. Ang dilim kasi tapos hindi ko pa dala ang salamin ko dahil Malabo nga ang mata ko. Nararamdaman ko nang papikit na ang mga mata ko. M-makakatulog na ako…

“Good Morning everyone.” Narindi bigla ako nang narinig kong naghiyawan ang buong high schoolers sa loob. My God! What’s the problem! Naistorbo tuloy ang tulog ko! Tinignan ko ang stage para malaman kung ano ba ang dahilan kaya naghiyawan ang mga babae. Nagising bigla ang diwa ko nang makita ko si kuya Rannie sa stage. Ang gwapo niya talaga…

“Uhm… I’m sure everyone knows me here… I’m the student council president of this school. I’m Rannie Castillo.” Lalong naghiyawan ang mga babae at kasama na ako dun. Pero sa isip lang ako humihiyaw. Halatang nahihiya si kuya, namumula kasi siya eh. Pero ang cute niya pa rin! I still love that side of him.

“I’m here to explain about the exams. I’m sure everyone’s excited and someone’s nervous…” Sorry kuya Rannie, I’m sure karamihan samin dito, hindi na nakikinig sa mga sinasabi mo at tinitigan ka lang. Naririnig ko pa ngang naghihiyawan ang iba sa mga babae dito.

“Rannie! I love you!”

“Please be my boyfriend!”

“Please be my husband!”

“Kahit kabit mo lang ako, ok lang!”

“Single ka pa naman diba?”

“Are you still a virgin?”

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Inis, tawa, at galit. Inis dahil ang daming babaeng malalandi, tawa dahil pati mga bakla ay sinisigaw ang “I love you” kay kuya. At galit dahil nakikita ko ang sobrang pagkahiya ni kuya dahil mulang-mula na ito. Kahit na alam nito na walang nakikinig, including me, patuloy pa rin ito sa pagsasalita kahit hiyang-hiya na ito. Naaawa na ako sa kanya.

“Uhm, please makinig po kayo…” pagmamakaawa ni kuya. Pero nakangiti pa rin siya.

Nilingon ko yung mga lalaking maiingay at sinabihan na tumahimik. Kahit na nagulat sila, ay sinunod naman nila ako. Binalik ko ang tingin kay kuya. May narinig na naman akong sumigaw na isang babae. Napatingin kaming lahat dito.

“Rannie! Ako to! Si Melissa! Buntis ako sayo! Kung hindi mo ako pakakasalan! Pakukulong kita!” nararamdaman ko na ang mga kamay ko na gustong sampalin at suntukin ang babae. Halata naman kasi na nagsisinungaling siya eh! Binalik ko ang tingin ko kay kuya pero walang nakabakas na emosyon sa kanya. Instea,   nakangiti pa rin siya. Hindi na nga namin alam kung kanino titingin eh. Pati ang mga guro ay hindi alam kung kanino titingin, kay kuya Rannie ba o sa babae. 

“Sagutin mo nga ako!” sabi ng malanding babae. Napakalaking hiya ito para kay kuya… isang president, nakabuntis ng bababe kahit hindi naman talaga totoo. Masisira ang reputasyon ni kuya nito! Nanahimik ang buong high schoolers   nang biglang hinawakan ni kuya ang mic.

At dahil sa  takot na pumayag nga si kuya sa proposal  ng babae. Mabilis akong umakyat sa stage. Inagaw ko ang mic kay kuya Rannie. Huminga muna ako ng malalim saka sinigaw ang katagang alam kong pagsisisihin ko balang araw.

“AKIN LANG SI KUYA RANNIE!!!!!!” nag-echo ang mga katagang iyon sa buong auditorium.

Gabriel's  POV

Clumsily in Love with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon