🍁 Chappy #3 - Ezekiel John Gonzalez 🍁

5.8K 118 6
                                    

❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾

Rated PG
Enjoy reading!! 😘😘

❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾
*Kiesha's POV*

Nang makarating na kami sa bahay nila kathy.

Para akong nahihilo. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Pero binalewala ko lang yun. Siguro napagod lang.

"O bess? Ok kalang?? Bakit ang putla putla mo??" May pagaalala nyang sabi.

"Napagod lang siguro. Tara na pasok na tayo?" Sabi ko sakanya habang naka kapit sa braso nya.

"Mabuti pa nga. Yaya Cheng?! Tulungan nyo nga ho kami rito. Nang hihina kasi kaibigan ko eh.." Sabi nya kay Yaya cheng.

"Ay jusq!! Bat ang putla putla netong kaibigan mo ineng!?" Sabi ni yaya cheng habang akay akay narin ako papuntang bahay nila.

"Sa kwarto ko nalang ho natin aya dalhin yaya." Sabi ni kathy kay yaya.

"Mas mabuti nga siguro. Tara bilisan pa natin ng maka pagpahinga na itong batang to." Sabi rin ni yaya kay kathy.

"O yaya cheng anong nangyari??" Lalaki yung boses

"Ahh nahilo yata iho" sagot niyaya  sa lalaki.

Bago pa makalapit ang lalaki sa akin. Parang umikot ang paningin ko the everything went black..

➡➡➡➡➡

Nagising ako na wala sa kwarto ko. Nasan nga ba ako??

Ang naaalala ko ay nahimatay ako bago paman naka lapit yung lalaki sa akin..

"Bess? Ok ka naba bess??" Si Kathy lang pala

"Oo ok lang ako. Salamat pala huh?? Sa pag dala nyo sakin dito." Pagpapasalamat ko sakanya

"Actually bess, di kami ni yaya cheng ang nag dala sayo rito.." Sabi nya. Kung hindi sya sino??

"Ehh sino??" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Si kuya" nahihiyang sabi nya..

"Yung Ezekiel??" Tanong ko na naman..

"Oo, yun nga.. si kuya Ezekiel.." Sabi nya..Habang naka yuko.

"Ahh.. So kailangan ko palang magpasalamat sa kanya.." Sabi ko habang naka ngiti..

"O bat ka naka yuko??" Sabi ko ulit sa kanya..

"E kasi... May pumunta dito kanina.." Naka yuko parin sya habang nag sasalita..

"Tapos??" Walang gana kong tugon sa kanya

"Tapos... Tapos.. Tinatanong nya kung nasan ka.." Sabi nya na parang natatakot habang naka yuko parin..

"Pwede ba Kathy.. Deretsohin mo na ako!!" Sigaw ko.. Kinakabahan narin kasi ako ehh.

"Si KIEFFER... Pumunta sya dito kanina. Tinatanong nya kung nakita daw ba kita o nandito ka daw ba. Kiesha tinakot nya ako na kapag nalaman nya na tinatago kita.... Manganganib ang Kompanya namin.." Malungkot na may halong takot na sabi nya..

"Yung g*gong yun?!! May gana pang hanapin ako??!! Walang hiya sya!!... Wag kang mag alala Kathy ako ang bahala sa kompanya nyo.." Pag aalo ko sa kanya..

"Salamat Kiesha" Pagpapasalamat nya sa akin

"Ok lang yun.. Wag kang magpadala sa g*gong yun.." Ewan ko ba pero parang ang bilis ko yatang magalit ngayon..

"Tsaka nga pala. Total ok kana, baba na tayo para makilala mo na si kuya." At ngayon naka ngiti na sya.

Ang bilis nya talaga mag change mood.

"O sigi tara" sabi ko naman habang dahan dahan na tumayo.

"Alam mo nung nahimatay ka. Krabe ang panik ni kuya.. Para syang hinahabol ng Kangaroo.. Hahaha ang epic ng mukha nya!!" Tumatawang sabi nya sa akin.

Nandito kami ngayon sa hagdanan, kasalukuyan kaming bumababa. Charott!! Parang nag rereport lang ahh..

Dumeretso kami sa isang kwarto. Mukhang hindi yata to kwarto, parang office.

"Kuya??! Asan ka kuya??!! Kuya??!!" Pag tawag nya sa kuya nya..

"O bunso, bakit mo tinatawag??" May dumating na lalaki. Gwapo, matangkad, ang Hot...

"Kuya sya nga pala ipapakilala ko sayo si Kiesha. Matalik kong kaibigan" nakangiting sabi niya..

"Ohhh. I'm Ezekiel 26 years old." Nakangiting sabi nya. O to the M to the G!!!! Ang Gwapo!..

"I'm Kiesha 25" Nakangiti ko ring sabi.

"Hindi pala nagkakalayo ang edad natin. Hahaha" kung kanina naka ngita ngayon tawa na.. Mas gumwapo sya!!😍

"Oo nga e. One year lang pala agwat nyo ni Kathy??" Tanong ko

"Oo eh, di naka pag pigil mga magulang namin. Haha de joke lang."

"Krabe ka naman. Haha" Natigil kami sa pag kwekwentuhan dahil sumulpot si Kathy.

"Uhmm guix??! Nandito pa ako.. Baka kasi nakalimutan nyo ako noh??!" Sarcastic nyang sanaman

"Ang ganda palang kausap netong kaibigan mo bunso" pagpupuri nya sakin.

"O sigi makwan ko muna kayo at mag kwentuhan. Bye bess." Pag papaalam nya.

"Bye. Bess." Tugon ko naman.

"Halika punta tayong garden at doon tayo mag kwentuhan." Pag yayaya nya sakin.

"O sigi ba!"

Mabait rin pala tong si Ezekiel. Enjoy ring syang kausap. Madali lang naming nasasakyan ang aming mga kalokohan

Hanggang sa mag gagabi na.

Nag paalam nalang ako sakanya at kay Kathy. Uuwi na muna ako dahil feeling ko, ang bigat bigat ng katawan ko.

Nag pahatid nalang ako sa driver nila Kathy. At hanggang sa maka uwi ako, para parin akong nahihilo.

Dumeretso na ako sa kwarto ko, at nahiga nalang.

Siguro itutulog ko nalang ito. Baka sakaling mawala rin ito bukas.

Hay.. Goodnight readers.. See you tomorrow..😴😴

❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐

If you enjoy reading my story, please don't forget to vote..😊Thanks!! 😘

❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐

B E B E H K U H H 0 3 ❤

"My Babies Father"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon