❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾
Rated PG
Enjoy reading!! 😘😘❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾
*Kiesha's POV*
Time check..
11 : 58 nn.
Nandito na ako ngayon sa tapat ng condo ni Karloff.
Nag text sya sa akin kanina. Sabi nya kasama nya na daw yung tatlo sa loob.
Kaya pagkatapos ng trabaho ko ay dumertcho na ako dito..
Alam ko naman ang password ng condo nya kaya hindi na ako kumatok pa.
Pagkabukas ko palang sa condo dinig na dinig ko na ang tawanan ng apat. Nang makita ko sila para silang mag-ama, ang saya-saya kasi nila.
"O? Wala ba kayong balak na isali ako dyan?" Nakangiti kong sabi sa kanila.
"Nandyan na pala mommy nyo." Sa sinabi ni Karl napalingon silang tatlo sa akin.
"Momskie!! You're here na pala!!" Tumakbo naman silang tatlo papunta sa akin..
"Haha. O nakaluto naba kayo ng panglunch natin?"
"Hindi pa po momskie. Hini-hintay pa po kasi namin kayo eh. Dahil pag sabay-sabay tayong magluluto mas masaya!!" Natutuwang sabi ni Summer.
"O? Ano pang hini-hintay natin? Tara na sa kusina!" Sigaw naman ng BATANG nagngangalang Karloff habang tumatakbo silang apat sa kusina.
Alam nyo, napakabait na tao ni Karl. Palagi nya kaming inaalaga-an. At sa loob ng ilang taon naming magkakilala kahit kailan ay di nya kami pinabayaan..
Sana, noon ko palang nakilala si Karl dahil kung noon ko palang siya nakilala sigurado akong sobrang saya na namin ngayon. Sigurado ako na kapag sya ang ama ng tatlong batang to ,masaya na siguro kaming magkakapamilya.
Hay.. Wala nang magbabago. Nang yari na eh.
Sumunod na ako sa kusina at nakita ko sila na naka apron na. HAHAHA. readying ready na sila ah?? Para namang tutulong sila, eh siguradong di naman talaga..
Kumuha narin ako ng apron at tinali ko na ng ponytail ang buhok ko.
"So? Anong gusto nyong lulutuin nating ulam?" Tanong ko
"Ah mommy, ADOBO nalang, tutal yun naman talaga ang favorite nating lima eh. " sabi ni Sj at Pumapalak-pak pa talaga sya
"Oo nga momskie" At aba! Nakiki-momskie na pala saakin ngayun si Karloff.
"Anong nakain mo Karloff at nakiki-momskie kana sa akin ngayon?" Natawa naman ako sa kanya.
"Eh kasi naman, Naiinggit ako sa nga anak mo. Sila pwedeng tumawag sayo ng momskie, samantalang ako hindi." Nagtampo naman ang MANYAKIS.. HAHA.
BINABASA MO ANG
"My Babies Father"
RomanceAyoko na... Suko na ako.. Matagal na akong nagpaka tanga sa kanya siguro oras na ito para tumigil. Masakit man dahil kung mabuntis man ako walang ama na gagabay sa kanila.. Pero okey narin siguro na kung mabuntis man ako ay hindi ko sasabihin sa kan...