🍁 Chappy #6 - Hurt 🍁

5.1K 117 1
                                    


❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾

Rated PG
Enjoy reading!! 😘😘

❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾
*Kiesha's POV*

Hay.. Ang boring naman dito sa loob ng bahay!!

Hindi nga parin pala ako nakakapasok sa trabaho, dahil sabi ni mom, alagaan ko daw muna yung sarili ko.

Sila lang daw muna ang bahala sa kumpanya at negosyo.

At syempre, Cho-choosey pa ba ako??! Ako na nga yung inaalok, tatanggihan ko pa ba ??

Di bale.!! Change topic!! Gusto kong mamasyal masyal pero wala akong kasama.

Busy si Kathy sa kompanya nila. Kaya hindi nya ako masasamahan.

Ang kuya Ezekiel kasi nya bumalik sa France dahil inaasikaso rin yung iba nilang negosyo don.

Kaya eto ako.. Lonely.. Hayy buhay parang Life!!

Ay!! Kung pumunta nalang kaya ako sa park at mag paint doon??..

Ay oo tama!! Ang ganda ko talaga!!

(Anong konek??)

Tumigil ka author ha!! Baka mapatay kita..

Ni ready ko nalang ang mga gagamitin ko sa painting, para maka bihis na ako at maka punta na sa Park.

Inspired na inspired pa naman ako dahil sa baby ko..

Nang maready ko na lahat. Sinabihan ko na ang dalawang maid ko na ilagay ang mga gamit sa likod ng kotse ko.

Ang suot ko lang ay isang Red dress, red & white headband, White flat shoes, and Red & white sling bag.

Mahilig kasi ako sa Red & white color.

Kinuha ko nalang ang susi ko sa drawer at bumaba na.

And did you know that the color of my car is also Red & White?? well yes, ganyan ako ka addict sa  dalawang color na yan.

Kahit nga ang kwarto ko color Red and White.

Tama na nga ang chika. Pumasok na ako sa kotse at nag drive na papuntang Park.

Habang nagdra-drive ako nag patugtog ako ng music.

(Now playing: Shout out to my EX)

Habang tumutogtog ang kanta sumasabay naman ako.

Si jade ang pinaka gusto ko sa kanilang apat sa little mix.

Krabe tawa ko don sa part na may lyrics na s*x. Haha. Patama na patama talaga.

Nakarating narin ako sa park. Bumaba na ako at nag hanap muna ng pwesto.

At ayun! Boom!! Napakagandang view..

Sumakay muna ako ulit sa kotse, at umikot papunta don.

Nang napark ko na ng tama ang kotse ko. Pinatay ko na ang music at bumaba na para kunin yung mga gamit ko sa likod ng kotse.

Nag latag ako ng blanket sa damo. Di naman marumi dito, ang fresh nga tignan dahil sobrang green ng tanawin dahil sa mga fresh na damo.

Nang nalagay ko na ng maayos mga gamit ko, umupo na ako at nagsimula na akong mag isip ng gustong ipinta.

May nakita akong mag ina na magkasamang kumakain ng ice cream.

Ang saya saya nila kaya naisipan ko na sila nalang ang ipinta.

Naasa kalagitnaan ako ng pag pipinta nang may mahagip ang mata ko.

Si Kieffer... May kasama syang babae, at batang lalaki.. Masayang masay sila.. Parang walang problema.

Hindi ko namalayan natumutulo na pala luha ko habang naka tingin sa kanila.

Pakshet!! Bakit nakakaramdam ako ng kirot..

Kaya ba naging malamig na pakikitungo nya sa akin dahil may iba na pala sya. At ang masworst pa ay may anak na sila. Kamukhang kamukha ng batang lalaki si Kieffer.

Walang duda.. Sa kanya nga yung bata..

Ang sakit .. Ang sakit sakit..
Bakit ganun?? Akala ko ba di ko na sya mahal..?? Bakit nasasaktan ako ngayon??

Dapat wala na akong nararamdaman na kirot, dahil di ko na sya mahal... Di na nga ba?? O ang isip ko lang ang nag sasabi na di ko na sya mahal??..

Bago pa nila ako makita, umalis na ako doon at bumalik sa kotse.

Wala akong pakialam sa mga gamit ko na naiwan. Makakabili pa naman ako ng bago..

Ang gusto ko lang makalayo doon. Dahil parang pinipirapiraso yung puso ko eh..

Ang sakit sakit.. At nag patugtog ako ng music. At peste!! Akala ko makakatulong para mawala ang sakit.. Naging mas malala ang pag iyak ko dahil sa tug-tug.

(Now playing: Pusong ligaw)

Shit!! Arghh..huminto ako sa tapat ng isang Café. Hindi ako bumaba at umiyak lang ng umiyak sa loob ng kotse.

"Ang sakit sakit..(*sob) Akala ko minahal mo ako (*sob) noon pa..(*sob) Pero bakit ganun?? Niloko mo lang pala ako!! Huhu Letche ka!!!!  (*sob)  Pinaniwala mo ako!! Pinaasa mo ako.(*sob) Matagal kana palang may babae!! At ang mas worst pa eh may anak ka na... Huhu. (*sob) Sana sinabi mo nalang sa akin para(*sob) matagal na nating naitigil ang relasyon natin..  (*sob) Kaya pala ayaw mo akong ipakilala sa mga taong malapit sayo  (*sob) at maski sa pamilya mo... May nauna na pala sa akin...huhu (*sob)Walang hiya ka!!! Huhuhuh (*sob)"

Bakit nya nagawa sakin yun?? Siguro wala nalang talaga ako sa kanya.

Kailangan ko munang magpaka layo layo..

Lalabas muna ako ng bansa. Di ko na muna sasabihin kela Mom at Dad at maski kay Kathy..

Tsaka ko nalang sasabihin pag naka lipad na ako.

Umuwi na ako sa amin para maihanda ko na ang mga baggahe ko.

Pangako babalik kami dito pero wala nang karapatan sa amin si Kieffer.. 

Hindi ko na sya hahayaang makalapit pa sa amin ng anak ko.
Tutal kaya ko namang buhayin sya ng mag-isa. Magsisisi karin Kieffer. Magsisisi ka rin. Tandaan mo!!

❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪

If you enjoy reading my story, please don't forget to vote. .😊
Thanks!! 😘

❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪

B E B E H K U H H 0 3 ❤

"My Babies Father"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon