❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾
Rated PG
Enjoy reading!! 😘😘❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾
*Kiesha's POV*
It's Saturday!! At Ngayon mag sisimula ang taping.
Tinawagan na ako kanina ni Lexi. Sabi nya sa studio nalang daw kami mag kita.
At heto na kami ngayon on-going na papunta sa studio. Kasama ko yung tatlo at si Kieffer. Sinundo nya kasi kami doon sa bahay.
Sinabi na daw kasi sa kanya ni Lexi na ako yung ka love team nya sa bagong pelikulang nagawa nito. Kaya naisipan nyang sunduin nalang daw kami.
"Karl malapit naba tayo?" Di ko kasi alam kung saan yung studio na sinasabi nya. Mabuti nalang talaga at alam ni Karloff.
"Oo malapit na." Sabi nya habang tutok parin ang tingin sa dina-daanan. Dapat lang noh!! Baka mabangga pa kami.
"Momskie, are we allowed to go inside the studio?" Sabi ni Shauna na tinanguan naman ni Summer.
"Yes baby. Just don't be so makulit there huh?"
"Yes momskie." Sabi ng dalawang babae.
"Tj, are you okey??" Kanina pa kasi sya tulala sa labas. Lumingon sya sa akin at nginitian ako ng tipid.
"Ah.. Yes mom" at bumalik lang rin ang tingin sa labas.
"Okey.." Huminto yung kotse at nag salita si Karl.
"We're here." Bumaba na sya at sumunod na rin kami.
"Wow!! The studio is so big mom!" Komento ni Sj.
"Yeah" Na sinangayunan naman ni Shauna.
"So let's come in??" At ayun hinawakan nya ang kamay ko at hinila na papasok.
Tumingin ako sa likod at nakita ko ang mga bata na sumusunod lang sa amin.
" Luciana, Karl!! Thank God you came! Where's the kids?" Tinuro ko naman ang mga bata na nasa tabi ko na pala.
"Hi tita Lexi!" Sabi ni Summer at nag bless. Nag bless rin naman yung dalawa.
"Hello too Summer! So let's start?" Sabi nya. Tumango naman kami.
Nag tungo kami sa isang malaking couch at umupo.
"Ang kwentong ito ay tungkol sa mag asawa na naghiwalay dahil nakita nung girl ang asawa na may kahalikan sa office. Umalis yung girl sa bansa at doon na namuhay. Hindi nya alam na buntis pala sya nun mga panahong yun. Hanggan sa ilabas nya ang kanyang MGA anak.. It's mga because triplets yung mga anak nya. Which is gaganapin nila Thunder, Winter, and Summer. And you two are the parents. Meaning ikaw yung girl Luciana and ikaw yung boy Karl. So gets?" Paliwanag nya...
"Teka... Kasama sa taping yung mga anak ko?" Tanong ko.
"Yes... Naisip ko kasi bakit di nalang sila isali? Tutal may mga role rin kasi na babagay sa kanila. Katulad nito triplets."
"Ow-key... So mag sa-start na tayo ngayon??" Sabi naman ni Karl
"Mamaya na dahil kakausapin ko muna yung tatlo. Sigi dyan muna kayo." At ayun pinuntahan na nya yung tatlo.
"Krabe! Tugmang tugma ang storya sayo! Kaso nga lang hindi mo sya iniwan dahil nakita mo syang may kahalikan sa office kundi iniwan mo sya dahil nakita mo syang may kasamang ibang babae at batang lalaki na kamukhang-kamukha nya." Bulong ni Karl.
"Oo nga eh.. Wag mo na ngang ungkatin yung nakaraan!" Sabi ko sa kanya sabay hampas.
"Aray!! Oo na!! Di na! Sorry okey? Sorry.. Di na mauuulit." Sabi nya with action pa.
"Aba! Dapat lang noh!! Hmmpp!! Sabi mo ayaw mo akong paiyakin pero inu-ungkat mo yung bagay na nagpapaiyak sakin!! Dyan ka na nga!" At ayun iniwan ko sya. Pero ang gago hinabol ako!
"Teka lang Kiesh! Uyy! Sorry na kasi. Patawarin mo na ako." Sabi nya matapos akong hawakan sa braso.
"Wag mo na kasi ibalik ang nakaraan!"
"Oo na, PRAMIS!! Di na talaga mauulit." At ayun ang gago. Niyakap ako. Tsk. Tyansing lang to eh!
"Oh ano?! Tapos kana sa pana-nyansing sakin." Sabi ko. Kasi naman, di pa sya bumibitaw sa yakap.
"Ahh.. Hehehe... Napasarap lang." Kumalas na sya at kinamot ang batok nya.
"Sus!! Ako pa niloloko mo! Manyak ka talag--!"
Natikom bibig ko dahil.. dahil hinalikan nya ako. Nag response naman ako sa kanya.
Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang may paru-parung nagwawala sa loob ng tyan ko.
Lumalim ng lumalim ang halik nya hanggang sa may kumatok sa pintuan.
Nandito kasi kami ngayon sa dressing room nila.
Napabitiw ako sa halik. Gosh!!! Di ko akalain na... Na... Aishhh!!
"Nandito ba kayo sa loob Luciana at Karl?" Si Lexi pala.
"A-ahh. Oo.. Na-nandito kami sa loob ni Karl.. Lalabas na kami." Sabi ko at nauna ng lumabas.
Nagiinit parin ang pisngi ko sa nang yari kanina.. Hindi yun ang una naming halik pero... Parang ... Kinikilig ako sa nangyari.. Posible kayang Mahal ko na si Karl??
❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐
If you enjoy reading my story, please don't forget to vote..😊Thanks!! 😘
❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐❇⭐
❤ B E B E H K U H H 0 3 ❤
BINABASA MO ANG
"My Babies Father"
RomanceAyoko na... Suko na ako.. Matagal na akong nagpaka tanga sa kanya siguro oras na ito para tumigil. Masakit man dahil kung mabuntis man ako walang ama na gagabay sa kanila.. Pero okey narin siguro na kung mabuntis man ako ay hindi ko sasabihin sa kan...