🍁 Chappy #14 - Family Tree🍁

5.1K 105 1
                                    

❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾

Rated PG
Enjoy reading!! 😘😘

❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾

*Kiesha's POV*

"Salamat Karl huh?" Nandito na kami ngayon sa mansyon namin ng mga anak ko.

"Para saan naman?"inosenteng tanong nya.

"Dahil sa pag-aalaga mo sa amin ng mga anak ko, at sa pagpapasaya mo sa amin. Salamat din dahil ikaw ang tumatayong ama nila, kahit hindi mo naman responsibilidad yun." Ngumiti lang sya sa akin.

Dahil sa ngiting yan ang daming babaeng nagkakandarapa sa kanya.

Ewan ko lang kung bakit ako ang na gustuhan nya. Kahit walang syang siguraduhang sasagutin ko sya.

Konti nalang rin ang mga taong ganito kung mag-mahal.

"Wala yun.. O pano, uwi na ako?" Tanong nya sa akin.

"Huh?! Uuwi kana?? Bakit di kanalang dito mag dinner? Para naman makabawi kami sa mga ginawa mo para sa amin kanina."

"Haha. O sige." Sabay na kaming dalawang pumasok sa mansyon. Nauna na ang mga bata sa mansyon. Excited na kasi silang gumawa ng Family tree nila.

Di ko nga alam kung makakaya kong sabihin sa kanila ang tungkol sa kanilang ama.

Kahit di ko man gustong sabihin, kailangan. Dahil paano mabubuo ang family tree kung wala ang ama diba?

Tsaka oras narin siguro para sabihin sa kanila ang totoo.

Ng makapasok na kami sa bahay, nakita ko ang mga bata na nagre-ready na ng mga materials nagagamitin sa pag-gawa ng Family tree.

"Anong ginagawa ng mga bata?" Tanong sa akin ni Karl.

"Ahh. Nagre-ready sila ng mga materials para sa pag-gawa namin ng family tree mamaya." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ready ka nabang malaman nila kung sino ang totoo nilang ama?"
Alam na ni Karloff ang totoong nangyari sa akin simula sa pinakasimula hanggang sa pinakadulo ng kwento ko.

"Wala na akong magagawa. Ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para malaman nila ang totoo tungkol sa kanilang ama." Mula sa nakangiting mukha kanina bigla nalang itong nagbago.

Nalulungkot kasi ako kapag tungkol sa kanyan na naman ang pinaguusapan.

Kapag kasi pinag-uusapan na sya. Parang biglang bumabalik lahat ng sakit sa akin.

Yung kung pano nya ako itrato, at balewalain. Masakit eh! Sobrang sakit.

"O ayan ka na naman! Nag sisimula kanang umiyak. Mamaya makita ka ng mga anak mo na umiiyak at sabihin pa nila na inaway kita." Natawa nalang ako sa sinabi nya.

"Haha, tara na nga sa kitchen at tulungan mo akong magluto." Sabi ko sa kanya sabay hila.

"Pano pa ba ako makakatanggi, eh hila-hila mo na ako?" Sagot nya sa akin.

Nang makarating na kami sa kitchen nag plano kami kung ano ang lulutuin. At ayun. Ang napili namin ay Chapsuy. Miss na kasi naming kumain ng ganun.

Isa rin kasi yun sa mga paborito ng tatlo. Ako ang tagaluto at si Karl ang taga bigay ng mga sangkap.

Habang ginagawa namin yun. Biglang bumukas yung pintuan ng kitchen at nakita namin ang tatlo na naguunahan papunta sa amin.

"Momskie, are you cooking chapsuy?" Sabi ni Sj ng nakangiti.

"Yes, babies. Me and you're tito Karl are cooking chapsuy so just relax there at the table and wait until we are done cooking, okey?" Sabi ko sabay halik sa noo nya.

"Okey mommy! I'm so excited to eat na." Sabi ni Sj na pumalakpak pa.

Tinigna ko sila Shauna at Tj. Si Tj ay tahimik lang na nakikinig sa amin habang si Shauna ay nakangiti na naman sa kawalan. Ano na kaya ang nangyayari sa batang ito? Palagi ko nalang syang nakikitang ganyan.

"O sigi umupo na kayo doon." Sabi ko sa kanila.

Mabilis lang rin kaming na tapos sa pagkain. Kaya ngayon ay nandito na kami ngayon sa living room at nagsisimula na sa paggawa ng family tree.

Hindi pa umalis si Karl dahil gusto nya daw na tumulong sa paggawa ng family tree.

"Momskie, tapos na ang lahat, maliban nalang kay... Kay...kay daddy." Sabi ni Shauna.

"Uhmm.. Ah teka lang kukinin ko lang sa kwarto ang...picture... ng ... ng daddy nyo." Tumayo na ako sa at dumiretcho sa kwarto ko.

Pagkadating ko sa kwarto ay kaagad akong nagtungo sa walk-in closet ko para kunin ang luma ko nang album.

Ang album na ito ay naglalaman ng aking napakapait na nakaraan.

Binuksan ko na ito at nakita ko kaagad ang aming masasayang alaala.

Ito yung time na MUKHANG mahal nya pa ako. Hay.. Tama na nga ang drama!!

Hinihintay na ako ng mga bata at ni Karl sa baba.

Kumuha lang ako ng isang litrato nya at tsaka na ako bumaba.

"Ahh.. mga..mga a-anak, eto na ang li-litrato nya."sabi ko sa kanila habang nau-utal. Kinkabahan kasi ako.

Kinuha nila ito sa aking kamay at pinagmasdan ng mabuti.

Ilang minuto lang ang nakalipas at napasinghap sila.

At dahil curious si Karl, tumabi sya sa mga bata at tinignan rin ang litrato.

" S-sya.. yu-yung.. t-tito.. ni-ni.. C-Clark d-diba??" Sabi ni Sj.

Teka... Ano daw? Tito ni Clark?? Yung batang lalaki na kibigan nila Tj??

❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪

If you enjoy reading my story, please don't forget to vote. .😊
Thanks!! 😘

❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪

B E B E H K U H H 0 3 ❤

"My Babies Father"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon