🍁 Chappy #4 - Preggy Me 🍁

5.5K 131 0
                                    

❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾

Rated PG
Enjoy reading!! 😘😘

❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾
*Kiesha's POV*

Nagising ako dahil feeling ko, gusto kong masuka..

Nang maka bangon na ako napaderetso ako sa banyo at doon sumuka nga sumuka..

Ano bang nangyayari sa akin??
Nag daan na kasi ang 1 buwan simula nong umalis ako sa tabi ni Kieffer.

1 buwan narin akong palaging nag susuka sa umaga. Palagi rin akong nahihilo.

Nagiging mapili narin ako sa mga pagkain, at 1 buwan narin akong hindi nadadatnan.

Di kaya.. Hindi, hindi.. Hindi yun mangyayari..Tinignan ko yung tyan ko. Lumalaki narin... Hindi .. Hindi..

Baka tumaba lang ako, baka may nakain lang akong masama.. Hindi ako dapat mag isip ng kung ano ano..

Pero hindi kami nakagamit nang proteksyon ng gabing yun..

Ano ba Kiesha!!! Wag ka ngang mag isip ng ganyan.. Maprapraning ka lang!!

Ano bayan!! Para akong tanga dito!!

Mas mabuti pa na bumaba nalang ako. At dahil wala akong gana mag luto nag pa luto nalang ako kay nanay Belen.

Isa si nanay Belen sa mga pigkakatiwalaan kong maid dito. Galing sya sa mansyon namin nila daddy.

Ipinalipat sya dito ni daddy, dahil marami parin namang mga maid doon. Kaya sa  akin nalang si nanay Belen.

Total sya na talaga ang ang yaya ko simula bata pa.

Nag leave muna ako sa trabaho ng 1 month, at sa susunod at susunod na lunes na ako babalik dahil  mag tatapos na ang 1 month leave ko sa dalawang linggo.

Linggo ngayon kaya dalawang linggo nalang at babalik na ako sa trabaho.

Ok narin siguro yun para may pagka abalahan narin ako.

Kesa naman sa magkulong ako rito at mabored ng pang habang buhay no.!!

"Nay belen, ano ba yang niluluto mo??" Tanong ko, ang baho kasi ehh. Parang basurang lata?? Ah basta!! Ang baho!!

"Yung paborito mo anak, Adobo.." Masayang sabi nya.

"Baki ang baho, parang basurang na lata." Sabi ko naman habang naka takip ang ilong.

"Huh?? Di naman anak ah.. Ang bango kaya.. Diba Sita??" Pangangatwiran nya at tinanong si Ate sita, isa rin sa maid ko na nag lilinis ng lamesa.

"Oo nga ma'am, ang bango kaya!" Sabi rin nya.

"Eh bakit sa akin ang baho??" Inosente kong tanong.

"Halaka Day!! Buros galing ning bata-a ni..!!" Sabi ni Nanay Belen.

Ano bang pinag sasabi ni nanay. Di ko maintindihan. Siguro ginamit nya yung lenguwahe nila. Bisaya kasi ito si nanay belen.

"Ano ho??" Tanong ko naman

"Anak mag tapat ka nga sa akin.. Nahihilo ka ba araw araw??" Seryoso nyang tanong.

"Opo." Tanging sagot ko lang.

"Nag susuka ka ba tuwing umaga??" Seryoso parin sya.

"Opo."

"Ilang araw kanang hindi na dadatnan??"

"Mag- iisang buwan narin ho.. Bakit ho ba??" Tanong ko naman sa kanya.

"Anak mas mabuti kung mag pa check up ka na."

"Bakit ho ba??" Natataranta narin ako.

"Pakiramdam ko kasi buntis ka." Sabi naman nya.

"Ano ho??!!!" Napasigaw ako sa gulat.

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐
Nag daan ang 2 araw.

Nakapag disisyon akong mag pa check up na nga.

Kasama ko ngayon si nanay Belen.

At kasalukuyan kaming naghihintay sa resulta.

Kinakabahan na ako sa nangyayari. Kung mabuntis mang ako, tatanggapin ko ang ang bata.

Handa kong panagutan ang bata kahit wala syang ama na mag gagabay sa kanya hanggang sa pag laki.

Tatanggapin ko sya ng buo sa puso ko. Dahil dugo ko sya't laman. At mamahalin ko rin sya ng walang kapantay.

Dumating na ang doktor. Dala dala ang resulta.

"Eto ho ang resula sa test. Conggrats Missis magiging nanay kana!! You're 1 month pregnant..!!" Naka ngiting sabi ng doktor.

Napaluha ako. Hindi dahil sa lungkot o pagka dismaya kundi dahil sa saya!!

May anak ako. May magiging anak na ako..!!

Ni lingon ko si nanay at natutuwa rin sya para sa akin..

"Conggrats anak... Magiging mommy kana." Nakangiti sabi nya habang yakap yakap ako.

Hanggang sa pag uwi ko, di parin nawawala ang ngiti sa labi ko.

Dumeretso na ako sa kwarto. May naalala ako si Bess.
Matawagan nga yung babaitang yun.

***Calling Bess Kathy***

"Bess! Punta ka dito sa bahay ko.!! Bilisan mo.!! May sasanihin ako sayo.." Masaya kong sabi..

(O sigi, hintayin mo ako dyan.)

"Sigi. Bye muahh"

(Bye. Muah..)

Napahiga nalang ako sa kama habang hinhimas himas ang maliit ko pang tyan.

Kaya kitang buhayin kahit wala ang daddy mo baby..

Mamahalin kita, ng higit pa sa sarili ko anak. Aalagaan kita, at kahit kailan ay hindi kita pababayaan. I love you baby..!!

❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪

If you enjoy reading my story, please don't forget to vote. .😊
Thanks!! 😘

❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪

B E B E H K U H H 0 3 ❤

"My Babies Father"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon