❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾
Rated PG
Enjoy reading!! 😘😘❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾❇◾
Kiesha's POV*
"Mga anak mamayang gabi nalang natin sisimulang gawin ang family tree huh?"
"Opo momskie..." Sabi ni Winter habang nagsusuot ng medyas nya.
"Mag so-school pa naman kami momskie, so we don't have a choice kundi mamayang gabi nalang natin sisimulan ang Family tree." Sabi naman ni Summer habang nagsusuk lay ng kanyang mahabang buhok.
"Ok... So it's settled.. Bye the way are you done?? Para makakain na tayo sa baba." Tanong ko sa kanila.
Di pa kasi kami naka pagagahan eh..
"Ate Winter and I are done momskie. Hindi ko po alam if si kuya is ready na din" sabi ni Sj hapang naka angkla ang kamay sa braso ni Shauna.
"I'm already done mom. Kanina pa nga ako nakatingin sa kanila habang nagmamadali silang mag ayos." Bored nyang sabi..
"Kasalanan mo rin naman kasi kuya ehh.. Bakit di mo kasi kami ginising ni Ate Shauna." Ayan.. Nagsisisihan na ang dalawa habang si Shauna naman ay nakangiti lang.
Ano naman kaya ang dahilan ng pag ngiti ng Anak kong to.??
"Aba at ako pa talaga ang may kasalanan, eh, kanina ko pa kaya kayo ginigising ayaw nyo namang bumangon dahil busy kayo sa pag de-daydream sa mga Crush nyo.. May pasabisabi ka pangang "Rain, pansinin mo naman ako.." Tapos pag ginigising naman kita sasabihin mong "Wag mo nga akong kulitin kuya!! Istorbo ka samin ni Rain ehh!!" Oh diba ang galing!!" Sarcastic na sabi ni Thunder at nag walkout...
"Sj, mag sorry ka sa kuya mo mamaya ha..?? Ikaw naman pala ang may kasalanan tapos ikaw pa ang nag ngsisisi. Tsaka mamaya mag uusap tayo tungkol dyan sa sinasabi mong "Crush crush"..Hali na kayo at bumaba na para makakain..." Sabi ko.
"Opo momskie" Sabi naman ng dalawa.
Sabay na kaming tatlong bumaba.. Nakita namin si Tj na nakaupo na sa upuan nya pero di pa sya kumakain.
Sinabihan ko kasi sila na kailangan sabay-sabay kaming kumain.
Nakaupo lang sya doon habang naka-cross arms.
Sininyasan ko naman si Sj na mag sorry na sa kanyang kuya.
Nagets naman nya kaya dahan dahan syang lumapit sa kanyang kuya.
"Kuya.. Sorry pala kanina... Dapat di kita sinisi dahil ako naman talaga ang may kasalanan sating dalawa." Sabi nya kay Tj habang nakayuko.
Nagsisimula naring tumolo luha nya. Eto batang to talaga napaka emosyonal..
Kami namang dalawa ni Shauna ay nakatingin lang sa kanilang dalawa.
"Ok, lang naman yun para sa akin, pero dapat hindi ka maninisi nang ibang tao kung wala kang alam sa totoong nangyari okey??" Lumambot na ang mukha ni Tj di katulad kanina.
Ganyan silang magkapatid.. Kung may kasalanan man ang isa at nagsosory papatawarin nila agad...
Hindi kasi nila kayang magtanim ng galit sa isat-isa.
Pumunta na kaming dalawa ni Shauna sa kanila.
"Mabuti naman at nagkaayos na kayong dalawa, o sigi na't kumain na tayo para hindi kayo ma late."
"Opo momskie."
"Oo nga pala, Sj ano yung narinig ko kanina na " CRUSH CRUSH" ??" nakataas kilay kong sabi sa kanya.
" Ehh.. Kasi... Momskie.. May crush po ako sa school.." Nahihiya nyang sabi.
"Pero wag po kayong mag-alala, Crush lang po naman "Idol" ko lang, as in "Paghanga"" Natataranta naman nyang dagdag.
"Mabuti... Basta mga anak, bawal muna ligaw ligaw huh?? Mga 5 years old pa lamang kayo, ang bata bata nyo pa.." Mabuti na yung pagsabihan ko na sila kahit bata pa.
"Yes momskie." Sabi ng dalawa.
Bakit dalawa lang?? Di kasi sumagot si Shauna.
Ngtignan ko naman sya nakayuko at parang sobrang lungkot nya.
"Ikaw Shauna, nagkakaintindihan ba tayo.??" Pagtatanong ko sa kanya.
"O-opo m-momskie" nauutal nyang sagot sa akin..
Ano kayang nangyari dito sa batang to?? Kanina ang laki ng ngiti pero nang sabihin ko na bawal pang magpaligaw sobrang lungkot na para bang pinagsakluban ng langit at lupa..
"O sigi, magpatuloy na kayo sa pag kain."
⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐
At the school..."Mga anak, makinig ng mabuti sa teacher nyo huh?" Sabay halik sa mga pisngi nila
"Opo momskie, magiingat rin ho kayo sa pag dradrive huh?" Nagaalalang sabi naman ni Tj.
"Yes anak, i will.. Take care of you're sisters ok??"
"Yes mom.." Sabay tango nya.
"Ok.. Now, go to you're room na.. Bye babies, Love you!"
"We love you too momskie, Bye" sabi naman nila.
Sabay pasok sa kanilang classroom..
Nang nasa Parking Lot na ako. May nakita akong pamilyar na lalaki.
May kasama syang isang batang lalaki. Nakasa tabi sila ng isang kotse, at mukhang nag papaalam na sila sa isa't-isa.
Teka... Sya yung anak ng babaeng nakita kong kasama "NIYA" sa park..
Di kaya... "SYA" yung lalaking kausap ng batang lalaki??..
Kung sya nga bakit sila nandito?? Anong ginagawa nila dito sa America??
❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪
If you enjoy reading my story, please don't forget to vote. .😊
Thanks!! 😘❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪❤⚪
❤ B E B E H K U H H 0 3 ❤
BINABASA MO ANG
"My Babies Father"
RomanceAyoko na... Suko na ako.. Matagal na akong nagpaka tanga sa kanya siguro oras na ito para tumigil. Masakit man dahil kung mabuntis man ako walang ama na gagabay sa kanila.. Pero okey narin siguro na kung mabuntis man ako ay hindi ko sasabihin sa kan...