Signal no. 19

83 2 2
                                    

19. At dahil di na daw uso ang magbigay ng regalo sa bday celebrant ngayon. O sya

sige ito regalo ko sa inyo. HAHAHA

tandaan; TUMANDA LANG AKO AT DI AKO MATANDA ahahhaha

#Vote #Comment

“Dito na ho tayo, miss.”pahayag ni manong taxi driver sa tulalang Shem na nasa loob ng sasakyan ng makarating sila sa kanilang destinasyon.

She looks around the surrounding. Madilim. Foggy ang paligid. Tahimik. NAKAKATAKOT.

“Bayad ko po manong.” sabi nya sabay abot ng pamasahe sa driver.

“Ma’am sigurado ka po ba talaga na dito ka pupunta?” paninigurado ng driver.

Parang ayaw syang pababain ng driver sa lugar. Tagong lugar ang pinuntahan

nya. Malayo sa syudad.

“Opo. Ito po ang address na ibinigay sa akin e.” paninigurado din nya. Kunwaring matatag na sabi ni Shem ngunit ang totoo, sya mismo ay nakakaramdam na talaga ng kaba.

Di sya pupunta sa lugar na iyon, kung di lang sya binantaan ni Jhed ng tungkol kay Sef. She was left with no choice.

“Delikado ho rito. Sabi nila pinamamahayan yang ng mga multo.” pahayag nito.

“Lalo na yung bodega na pupuntahan mo. At balita ko dyan daw walang awa ginulpi yung magaling sa martial arts, Ricos ata pangalan. Kaya kung may tao dyan, halang ang mga kaluluwa.” dagdag pananakot ng driver kay Shem.

Pilit namang ngumiti si Shem. “Naku! manong. Ayos lang. Sige po.” pagpapaalm ni Shem at bubuksan nya na ang pinto.

“Kung gusto mo samahan na lang kita hanggang sa loob at makita mo pakay mo. Delikado po talaga dyan.” pag-aalala ng driver.

“Salamat sa pag-aalala manong pero wag na po.” At tuluyan ng nakababa sa sasakyan si Shem.

Nagtungo sya sa gate at pumasok, nangangalawang na ito at sira. Halatang abandonado. Pagpasok nya nakita nya ang abandonadong gusali, kung saan magkikita sila ni Jhed.

Di nga nakapagtatakang may mga nakatirang multo roon, sira ang infrastructure ng building. Ngunit sa tingin nya may mas madalas na tumatambay pa dun kaysa sa mga multo, ang mga kaibigan ng kuya nya. Punong-puno ng vandalism ang lugar.

Maya-maya pa ay may narinig na sya sa kanyang paglalakad na hard rock music.

Kaya sinundan nya ang tunog. Marahil andun ang pakay nya.

Nagulat na lamang sya ng malapit na sya sa may gusali ng may amoy alak at naninigarilyong lalaking sumalubong sa kanya.

“Hi! miss.” bati nito kay Shem.

Bukod sa mabahong amoy nito, nakasuot pa ito ng punit punit at may butas na pants, mahaba na din ang mga balbas nito at magulo pa ang buhok. INSHORT UNTIDY LOOK.

Gusto na sanang umalis na lang ni Shem at magtatakbo na lang palayo sa lalaki ng makita nya na papalapit sa kanila si Jhed.

“Karl, wag mo syang galawin. Yan ang kapatid ni Lucho.” sabi ni Jhed.

“Ganoon ba?” may panghihinayang na sabi ni Karl. Saka pinasadahan ng tingin si Shem mula ulo hanggang paa. “Maganda sya, Jhed. Pwede pa-arbor? hehehe”dagdag pa nya.

Akmang hahawakan pa nya ang pisngi ni Shem pero umiwas agad ito. Kaya tumalikod na lang si Karl at tumatawang pumasok sa loob.

“Ano ba talaga kailangan mo sa akin Jhed?” tanong ni Shem. Ayaw nya ng magpaligoy-ligoy pa. Isa pa wala syang planong magtagal sa lugar na iyon.

Storms of Heart <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon