Signal no. 22

16 1 0
                                    

22. “Shem!” tawag sa kanya ng kanyang pinsan na si Jean, kasabay ng pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto.

“What happened?” nag-aalalang tanung ni Jean Russ Farnacio.

“Si Sef. Si Sef, Jean. Si Sef.” paulit-ulit na sabi nya.

Binuksan ni Jean ang ilaw para makita ng maayos ang kanyang pinsan.

“Oh!no..” bulalas ni Jean ng makita ang itsura ng pinsan.

Magulo ang buhok nito. Pawis na pawis. Maga ang mga mata sa pag-iyak. Magulo ang damit pantulog na suot.

Ipinagsalin ng pinsan nito ng tubig sa baso si Shem. Palagi kasi itong may nakahandang pitsel ng tubig at baso sa bedside table nya.

“Here. Drink. Have some water.” sabi ni Jean.

Shem accepted Jean’s offer. Nanginginig pa ang mga kamay nya habang umiinom. Pagkainom, bahagyang nabawasan ang paghikbi nya. Subalit ang kanyang takot ay naroon pa din. Di pa rin nawawala lalo na sa isipan nya ang imahe ni Sef na duguan at wala ng buhay.

Naupo si Jean sa kama katabi ni Shem. “Is it the same dream again, sis?” tanung nito.

Yes they were sis, pero magpinsan talaga sila. They are sisters, because of their great closeness. They trust each other. No secrets are allowed between them.

Inayos ni Shem ang kanyang buhok saka pinunasan ang kanyang pawis bago nagsalita.

“Si Sef. Nakita ko si Sef. He was falling from a cliff. Pilit ko syang iniligtas. Inaabot ko ang mga kamay ko pero di na nya nagawang mahawakan pa.” umiiyak na pahayag ni Shem sa kanyang pinsan na nakikinig lang sa sinasabi nya.

“I mean di nya hinawakan talaga ang kamay ko. Nakatitig lang sya sa akin, galit na galit sya. Kitang kita ko sa mga mata nya.” pinunasan nya muli ang kanyang mga mata pero muli syang napaiyak.

“Tapos na nasa bodega na kami. Yakap yakap ko sya pe-pero w-wala na syang buhay.”

“Ssshh.. tama na Shem, matagal na syang patay. 7 years na. ” malumanay na sabi ni Jean.

Napailing na lang si Shem. “Ako! ako ang nagtulak sa kamatayan nya. Pinatay ko ang taong mahal ko Jean! Pinatay ko.”

PANAGINIP LANG TALAGA ANG LAHAT. Di nakita ni Shem ang pagkamatay ni Sef o nasulyapan lamang ang bangkay nito. Mula kasi nun pinatulog sya gamit ang panyo pagkalabas nila ng bodega sa Baguio, walang malay syang hinatid ng tauhan ni Jhed sa bahay nila sa Manila.

Mula noon ay di nya nagagawa pang lumabas sa bahay nila, yung ang kagustuhan ng papa nya.

Ni wala nga rin itong natatanggap na balita anumang tungkol kay Sef simula ng umalis sya sa Baguio. Bawal ang cellphone, TV o internet sa kanya.

Bawal din sya magbasa sa mga newspapers. Yan ang utos at gusto ng papa nya, ang maging preso sya.. Ngunit daig nya pa ata ang mga preso sa bilibid.

Pagkaraan lang ng ilang linggo, bumiyahe silang buong pamilya pabalik ng Amerika at doon lang sinabi ng mga magulang nya na PATAY na si Sef.

She can’t accept the fact. She nearly went crazy. Muntik na nga nyang di ipagpatuloy ang pag-aaral ng Medicine, dahil mas gusto nya na lamang magmukmok at magkulong sa kwarto.

Pero naisip din nya na dapat pa din nyang ipagpatuloy ang bu.gay kahit WALA NA ITONG SILBI PARA SA KANYA SIMULA NG NAWALA SI SEF.

“Kelangan mo na sigtjro magpapsychiatrist, sis, Its time para makalimutan mu na si Sef, masyado ka ng nahihirapan.” suggestion ni Jean.

“No!” takip nya sa mga tenga nya gamit ng kanyang mga kamay. “Hinding hindi ko kakalimutan si Sef. Alam mong mahal na mahal ko sya, tapos you’re telling me to forget him?”

Ang mga panaginip nya, tulad ng panaginip nya ngayon ay isang rason na di sya pwedeng makalimot, na kaylan man di nya pwedeng kalimutan si Sef.

Mula kasi ng malaman nyang patay na si Sef, paulit-ulit na lang syang dinadalaw nito sa pamamagitan ng panaginip. Ilang beses na din nyang sinubukang alamin kung saan ang libingan ni Sef pero nahahadlangan ito ng papa nya. Kahit kasi nasa Amerika ito gumgawa pa din syang paraan para magkaroon ng impormasyon. Pero sadyang mahirap gumalaw ng magisa.

At ngayon Sa PAGBALIK NYA NAMAN SA PILIPINAS, guwardiyado naman sya. Bawat kilos at galaw nya may nakatingin. Alam naman nyang ginagawa lang ito ng papa nya para mailayo sya sa mga alaala ni Sef.

“Shem, di na kasi normal yang mga nangyayari at behavior mo. You are a doctor at alam mo yan..” pahayag ni Jean.

“Di ko na nga alam kung puso mo pa ba ang gumagana o baliw kana. Sa tingin ko kaya di mo sya makalimutan ay di dahil sa mahal mo sya. You are just punishing yourself. There is nothing you are blaming for his death, kundi ang sarili mo. Shem, di mo kasalanan yun.” dagdag pa ni Jean

“So what if I am punishing myself, I deserve this!”

Kung sya ang tatanungin, mas gusto nya na lamang mamatay na lang. Isang malupit na parusa sa kanya ang habang buhay na pagmamahal nya sa taong sya mismo ang nagtulak sa kamatayan nito. Di man sya inuusig ng batas ng tao. Inuusig naman sya ng batas ng langit at ng konsensya nya.

“Sssssshhhhh..” saway ni Jean “Enough of Sef. Tama na. May lunch pa kayo ng future groom mo tomorrow. Paalala lang ang sabi ng Papa mo you must have to look gorgeous and beautiful. Alam mong di yun matutuwa kapag nalaman nyang iniyakan mo nanaman si Sef. Pag di ka pa natulog naku..naku.. mahahalata nya yang mugtong mata mo.”

“Whey Xynor (Pronounce as Sigh-nor) married me, he will always see me like this. Kaya masanay sya.”

Dapat masanay na ang mapapangasawa nya sa kanya. He could never ever ever forget Sef. Kahit pa siguro magka-amnesia sya o magpa-brain surgery sya di nya ito malilimutan sabi nga nila THE HEART WILL NEVER FORGEGET.

Napangiwi tuloy si Jean sa narinig sa kanyang pinsan. “Kung ako si Xynor, tatakbuhan kita kapag nakito ko ang aking mapapangasawa na mukhang bangkay! haha” pabirong pahayag nito saka lumabas.

“Matagal na akong Patay.” usal ni Shem pagbalik nyasa pagkakahiga at pagkakapikit.

Mula ng mamatay si Sef, para na din syang namatay. Daig pa nya ang biyudang naulila sa asawa. Hanggang huling hininga nito, hindi sya pinaniwalaan, di ito naniwala sa pagmamahal nya rito.

I know you still hate me, Sef. BUT I LOVE YOU. I REALLY REALLY DO.

3/26, 9:22a

Storms of Heart <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon