23.
#AN pasensya sa flow ng story haha BITTER AKO E! KILLER AKO E! haha ayaw ko ng AND THEY LIVE HAPPILY EVER AFTER FOR SHEM!
#Vote #Comment #EnjoyReading
------
Tahimik lang si Shem habang kumakain. She doesnt care sa pinaguusapan ng papa nya at ng MAPAPANGASAWA nyang si XYNOR. Guwapo naman ito, masasabi mong habulin ito di lamang sa mukha at katawan,mayaman din kasi ito. He is one of the bachelor in town. The youngest politicians too. Kaya walang interes si Shem, ayaw nya sa taong tulad nito.
Puro negosyo at pulitika ang nasa utak parang ang papa nya. Maging ang Mama nya at ang pinsang si Jean, ay wala ding imik kumain katulad nya.
“Invited po pala kayong lahat sa ~~~~ Festival namin sa ~~~.” anunsyo ni Xynor, na nakakuha ng pansin nilang lahat. “Sana makapunta kayo, para naman makita nyo ang family resort and resthouse namin. Nandun din ang mga kapartido ko. Paguusapan kasi namin kung ano ang mga gagawin namin at lineup sa darating na election.” dagdag pa nya.
Nagsalita na ang mama nya at may sinabi naman si Jean ngunit di nya iyon inintindi. Wala kasi ang isip nya sa paksang pinag-uusapan ng mga kaharap nya sa mesa.
“Uh, I am sorry. I can’t go.” walang alinlangan sabi ni Shem. Di din ito nagpakita ng anumang emosyon to look that she really meant her sorry.
“Sasama si Shem.” mariing sabi ng papa nya bagaman nakangiti ito. Para bang pinararating nito na wala syang karapatang tumutol, na kung anu sinabi ng Papa nya yun dapat ang masunod.
Kaya kay Xynor na lamang sya tumingin.
“May medical charity mission ako sa Cordillera Kasama mga co-volunteer doctors ko.” pagpapaliwanag nya.
“Sabihin mo sa mga kasamahan mo Shem, na hindi ka muna makakasama. Kailangan ka ni Xynor sa tabi nya. Isipin mo nalang sasabihin ng pamilya nya at mga kapartido, na ikaw mismong mapapangasawa nya ay wala dun?” sabad ng papa nya.
Lahat talaga gagawin ng papa nya masunod lang ang gusto nito. Tulad na lamang nun nabubuhay pa si Sef.
“Nagback-out ang ibang mga kasamahan ko kaya hindi na ako pwdeng lumiban pa. Importante ang medical mission na ito. Marami ang nag-e-expect ng tulong mula sa amin, lalo na ang mga cultural minorities dun. Masyadong liblib dun at di madaling paabutan ng tulong.” paliwanag ni Shem na nagpangiti kay Xynor.
Madalang lang makita ni Shem ang ngiting nasa mukha ni Xynor ngayon, pero ang ngiting ito ay kakaiba. “Sasabihin ko sa mga kapartido ko na hindi ka makakasama. Mas gusto kong ipagmalaki sa kanila na di makakarating ang future wife ko sa kadahilanang abala sya sa pagtulong sa mga taong nangangailangan. Tiyak matutuwa ang mga yun!”
With that Jean rolled her eyes. Muntik na tuloy di mapigilan ni Shem ang pagtawa sa ginawa ni Jean. Ito kasi ang number ONE supporter nya kontra sa kasal nila ni Xynor.
Isang kilalang negosyante si Xynor, sa malawak na bahagi ng ka-Bisayaan. Malaki ang utang ng pamilya ni Shem rito, ngunit nalaman lang nila ng mamatay ang lolo nya.
Bilang pambayad utang, ipinagkasundo sila, kelangan magpakasal kahit ayaw ni Shem wala syang magagawa. Tatakbo naman si Karl bilang Congressman sa Capiz, ang balwarte ng angkan nila. At dahil sa tatakbo itong pulitiko kailangan maganda din reputasyon ng mapapangasawa nito. And boom, Shem was the perfect candidate. Kaya kahit nasa Africa si Shem for her medical mission. Pinauwi sya ng Papa nya upang ipakasal.
Sarili nyang buhay wala syang karapatang magdesisyon, wala syang karapatang maging masaya. Kunsabagay, wala na syang pakialam sa anumang mangyayari sa kanya simula ng mamatay si Sef. Para na syang robot na kung ano iutos o iprogram na gawin nya ay gagawin nya, without thinking kung sasaya ba sya dito at kung ano ang kakahinatnan pag ginawa nya ito.
BINABASA MO ANG
Storms of Heart <3
RomanceA storm is any disturbed state of an astronomical body's atmosphere especially affecting its surface, and strongly implying severe weather. It may be marked by strong wind, hail, thunder and/or lightning (a thunderstorm), heavy precipitation (snowst...