Love Star
(Chapter 2 – A Proposal)
Andrew’s world stopped. Sa paningin niya, it was just Anne and him. Gandang-ganda siya sa dalaga. Her fair, smooth-complexioned skin amazed him. He never thought that he would be this close to the girl he admires. Nalalasahan pa din niya ang tamis ng halik sa kanya ng dalaga.
“Get off me!” naiinis na sigaw ni Anne sa binata.
“H-huh?” nauutal na sabi ni Andrew na nabibilisan pa rin sa mga pangyayari.
Nakalimutan nilang napalilibutan na sila ng mga showbiz reporters at iba pang mga nakikiusyoso. Panay ang flash ng professional cameras at nakatutok sa kanila ang mga camera phones ng mga ordinary citizens.
“Ms. Anne, bakit ka aalis ng bansa? Magpapa-abort ka na naman ba?” natatawang tanong ng isang showbiz reporter.
“At sino naman yang kahalikan mo sa sahig? Bagong gimik na naman ba ‘yan? Ang cheap, ha!” sigaw naman ng isa pang reporter.
Wala na sa sarili si Anne para sumagot at makipagtarayan pa sa kanila. Agad namang nahalata ni Andrew ang kaba at pagkatulala ng dalaga sa sitwasyon.
“Anne… makinig ka sa ‘kin. Lumabas na tayo dito sa airport. Tumakas na tayo.” biglang bulong ni Andrew sa dalaga.
“H-ha? Paano natin gagawin ‘yun eh para tayo ngayong mga unggoy na pinapanood sa Manila Zoo?! Tingnan mo nga, napapaligiran nila tayo.” sagot ni Anne.
“Do you trust me?” pagco-convince ni Andrew sa dalaga.
“No!” sagot ni Anne.
“Eh, bilis na! Sabihin mo, yes!” naaasar na sabi ni Andrew.
“Ayoko nga!”
“Okay, sige. Magbilang ka na lang ng 1 to 3.” biglang sabi ni Andrew.
Hindi maintindihan ni Anne kung bakit siya pinabibilang. Nawe-weirduhan na siya sa binata pero para matigil na ito ay sinunod na lang niya ang sinabi sa kanya.
“One… two…” pagbibilang ng dalaga.
“Three!” sabay sigaw ni Andrew pagkabilang ng dalaga.
“Takbo!” sigaw ni Andrew sabay hila sa braso ng dalaga. Hindi aware si Anne sa mga nagaganap pero dahil sa malakas na pagkahigit sa kanya ay napasunod na din siya.
Malakas nilang binunggo ang mga tao na nakapalibot sa kanila at saka sila tumakbo nang mabilis. Sa lakas ng pagkakabunggo ay na-outbalance ang isang baklang showbiz reporter at nabasag ang kanyang DSLR camera.
“Ayyyyyy! Joskoooooohh! Magbabayad kang hitad ka! Aaraw-arawin kita sa column ko!” sigaw ng reporter habang nakaturo kay Anne.
Wala nang naririnig sina Andrew at Anne habang mabilis silang tumatakbo palabas ng airport. Mahigpit ang pagkakahawak ng kamay nila habang hinahanap ng binata ang kung saan niya ipinarada ang kanyang sasakyan.
“Ayun! Bilis!” sigaw ni Andrew.
Mabilis silang nakapasok ng sasakyan kahit de-susi ang pagbukas ng mga pinto nito. Hinahabol pa din sila ng mga showbiz reporters, pati na rin ng ibang tao.
“Teka? Saan tayo pupunta? Saan mo ako dadalhin?” kinakabahang sabi ni Anne.
“Ilalayo lang kita dito.” sagot ni Andrew.
Sinimulan nang i-start ni Andrew ang makina ng kotse, pero as usual ay binigo na naman siya nito. Naka ilang start na siya sa sasakyan, pero hindi pa rin tumatakbo ang makina.
![](https://img.wattpad.com/cover/1186505-288-k944579.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Star
RomanceAndrew is an amateur film director who wishes for true love on a wishing star. His parents escape from debt, leaving him with almost nothing. He then meets Anne, a famous actress who is cornered by the press for having an illicit affair with her lea...