Chapter 13

2K 71 26
                                    

Love Star

(Chapter 13 – The Fool’s House – The Series Finale)

Makalipas ang dalawang linggo, ipinagpatuloy nina Andrew at Donna ang kanilang relasyon kapalit ng paunti-unting pagbabayad ng utang at hindi pagkakakulong ng mga magulang ng binata. Ayon kay Andrew, siguro naman daw ay matututunan niyang mahalin si Donna.

Maaga pa lang at pumunta na siya sa bahay ni Donna para sa isang importanteng lakad – magbabayad siya ng 30% ng utang. Uunti-untiin niya ang pagbabayad hanggang sa ma write-off na ang utang.

“O, Andrew! Ang aga mo yata.” gulat na sabi ni Donna.

Agad na nilabas ni Andrew ang kanyang tseke na nagkakahalaga ng P500,000, ang talent fee sa ibinayad sa kanya ni Mama Belle. Dinagdagan ito ng manager to cover up other damages at ibang pang-aabalang ginawa nila sa binata.

“Magbabayad na ako.” sabi ni Andrew.

Pinapasok muna ni Donna ang binata. Umupo sila sa sofa at makalipas ang ilang segundong pagtititigan, agad na naiyak si Donna.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ni Andrew.

“Andrew, sorry!” umiiyak na sabi ni Donna. “I realized that I was so selfish. Ginamit ko yung pagkakautang ng parents mo para mapasakin ka.” humahagulhol niyang sabi.

Tinitingnan lang siya ni Andrew.

“Desperada na ako kumbaga. Andrew, ang bait bait mong tao, kaya naisip kong hindi kita kayang gamitin, at hindi kita kayang pilitin. Mahal na mahal kita eh. Kaya from now on, I’m letting you go!” umiiyak na sabi ni Donna.

“Donna…”

“Yung utang… alam kong mababayaran mo din yung kalahati. Alam ko, in the future, makakukuha ka rin ng matinong trabaho. Mahal kita kaya gusto ko, maging masaya ka, at alam ko kung sino ang babaeng nagpapasaya sa ‘yo…” sabi ni Donna.

“Salamat nang marami! Pero galit na sa ‘kin si Anne.” sagot ni Andrew.

“Don’t worry. Since it’s my fault, ako na ang aayos. Ako na ang makikipag-usap kay Anne. I’ll do it for you.” nakangiting sabi ni Donna.

Labis na natuwa si Andrew sa ipinangako ni Donna. Sa sobrang tuwa ay niyakap niya nang mahigpit ang dalaga.

“Thank you.” Nakangiting sabi ni Andrew habang yakap pa din si Donna.

“Maganda ka, Donna. Ikaw yung tipo ng babaeng gugustuhing mapangasawa ng isang matinong lalake. Girlfriend material na, wife material pa. Kaya don’t worry, kasi makahahanap ka rin ng taong para sa ‘yo.” nakangiting sabi ni Andrew.

Tumulo ang luha sa mga mata ni Donna.

“Ikaw naman kasi. Sobrang sweet mo.” naiiyak na sabi ni Donna na parang natatawa na din.

“Hindi lang naman ako ang sweet. Marami pang iba dyan.” Nakangiting sabi ni Andrew habang pinupunasan ang luha ng dalaga.

“Wait lang. May nag-text sa ‘kin.” sabi ni Donna sabay kuha ng kanyang phone. Binasa niya ang text message at bigla siyang napangiti.

“O, masaya ka yata.”

“Nag-text yung manager ko. Bibigyan daw ako ng primetime series ng network. Ako mismo yung bida! Hindi na ako pang-hapon, Andrew!” natutuwang sabi ni Donna.

“Wow! I’m happy for you! Teka, sinong leading man?” natutuwang sabi ni Andrew.

“Si Gerry Anderson daw.” nakangiting sabi ni Donna.

Love StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon