Love Star
(Chapter 9 – Nothing Hill)
Kasalukuyang malungkot si Andrew habang nakaupo sa labas ng bahay. Last day na kasi bukas ni Anne at inaamin niyang mami-miss niya ang dalaga. Kanina pa siyang nakatingin sa kawalan habang iniisip ang mga araw na nagkasama sila.
“Uyyyy… kuya… mahal mo na si Anne, ano?” biglang sabi ni Raffy na nasa tabi lang ng binata.
“Ewan ko. Ayaw kong isipin.” sagot ni Andrew.
“So the answer’s yes!” nakangiting sabi ni Raffy.
“Ang kulit mo naman eh! Umuwi ka na nga!” naaasar na sabi ng binata habang tinutulak ang kanyang pinsan.
Ngumiti lang si Raffy at may naisip na namang pakulo para mapasaya ang kanyang pinsan, and at the same time, para mapaglapit niya lalo sina Andrew at Anne.
“Alam ko na, kuya!” biglang naisip ni Raffy.
“Ano?” tanong ni Andrew.
“Pumunta tayong Enchanted Kingdom!” nakangiting sabi ni Raffy habang pumapalakpak pa.
“Anong gagawin natin dun?”
“Anong gagawin niyo kamo ni Anne. Haha. Bilis! Ayain mo siya. Sabihin mo, birthday ko ngayon at it-treat ko kayong dalawa!” natutuwang sabi ni Raffy.
Nung una ay tinatamad si Andrew pero dahil sa labis na pangungulit ng kanyang pinsan ay napilitan itong pumasok ng bahay at ayain si Anne na mag theme park.
“Anne, tara! Enchanted Kingdom tayo. Birthday ni Raffy, at treat daw niya.” nakangiting sabi ni Andrew sa dalaga.
“What?!” gulat na sabi ni Anne.
BINABASA MO ANG
Love Star
RomanceAndrew is an amateur film director who wishes for true love on a wishing star. His parents escape from debt, leaving him with almost nothing. He then meets Anne, a famous actress who is cornered by the press for having an illicit affair with her lea...