Chapter 7

1.6K 63 27
                                    

Love Star

(Chapter 7 – Just Deal With It)

“KUYAAAAAAAAAAA!!!” malakas na sigaw ng isang nakaririnding boses.

Day 9 na ng kanilang kunwariang pagpapanggap. Muntik nang madapa at madulas si Andrew habang tatakbo papunta sa pinto. Mabilis siyang nataranta dahil hindi niya alam kung sino ang may lakas ng loob na sumigaw sa labas ng bahay at 7:00 in the morning. Pati si Anne ay nagising na din.

“Ang lakas namang makasigaw nyan!” mataray na sabi ni Anne.

Dali-daling binuksan ng binata ang pinto, only to be surprised with his unexpected visitor.

“Raffy?!” takang-taka si Andrew sa kanyang nakita.

“Annyeong haseyo, kuya!” pa-cute na sabi ni Raffy sabay peace sign habang nakangiti.

“At sino naman yan?! Kung maka-sigaw akala mo demolition notice!” tanong ni Anne.

“Si Raffy… pinsan ko.” sagot ni Andrew.

Si Raffy Soriano ay ang nakababatang pinsan ni Andrew. She is 21 years old, at sobrang mahilig sa showbiz… worldwide. Local, Hollywood, Bollywood, K-Pop, J-Pop, C-Pop, British Pop, Latin… name it. Alam na alam niya. Madami siyang pinagkakaabalahan, like drama conventions, book signings, album signings and fan meetings. Sabi nga ni Andrew, she is the ultimate fangirl na nakilala niya.

She is fair-skinned, petite, and round-faced. Kagagaling lang niya ng South Korea for a short vacation.

“Hi, Ate Anne!” nakangiting sabi ni Raffy sabay kaway.

“What did you call me? Excuse me, we’re not close!” mataray na sabi ni Anne.

Hindi ito pinansin ni Raffy na patuloy pa din sa pagngiti na parang dumaan lang sa kanyang tenga ang pagtataray ni Anne.

“Grabe, kuya! Alam mo bang nakita ko sa Korea sina Rain at Song Hye-Kyo. As in OMG talaga!” maarteng sabi ni Raffy.

“Err… sino sila? Hindi ko sila kilala.” nakangiting sabi ni Andrew.

“Like duh? Hindi mo sila kilala?! Sila yung bida sa Full House, yung Koreanovela.” malakas na sabi ni Raffy.

“Ahh, yun ba? Sila pala yun.” inosenteng sabi ni Andrew.

“O bakit ka nandito?” biglang tanong ng binata sa kanyang pinsan.

Nginitian lang siya ni Raffy, habang si Anne ay pumasok na ulit ng bahay.

“Ikaw kuya ah. Swerte mo, ka live-in mo na si Anne Laurel. Ah ah ah… updated ako sa mga showbiz happenings!” natutuwang sabi ni Raffy habang wine-wave pa ang kanyang kanang daliri.

“May bago ba dun?” pabarang sabi ni Andrew.

“Hello, madalas kaya kayong trending topics sa Twitter these past few days. Gosh, eh buti na lang at sikat ako dun and I have over 20,000 followers who follow my chismis and stuff… ayun, sinabi kong pinsan kita.” maarteng kwento ni Raffy.

“Baka kung anong mga pinagsasasabi mo dun ah.” sabi ni Andrew.

“You should thank me nga kuya eh. Look, araw-araw kong pinapa-trend ang #AnneDrewForever eh.” nakangiting sabi ni Raffy sabay pakita ng kanyang phone sa pinsan.

Nagulat si Andrew habang binabasa ang mga tweets tungkol sa kanya. Hindi kasi siya nagt-Twitter.

“Kuya, picture tayo!” sabi ni Raffy sabay higit kay Andrew at pose na naka-peace sign.

Love StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon