Chapter 12

1.4K 41 5
                                    

Love Star

(Chapter 12 – Love As We Know It)

 

 

“Donna?” gulat na tanong ni Andrew pagkabukas niya ng pinto.

Umaga pa lang ay bumisita na si Donna para kausapin ang binata tungkol sa isang importanteng bagay. Halata sa kanyang mukha ang depression na kanyang nararamdaman mula nang na-busted siya ni Andrew.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ulit ni Andrew.

“May kailangan kang malaman.” sagot ni Donna.

“Andrew, sino yan?” biglang tawag ni Rosa sa kanyang anak. Mabilis siyang tumakbo papunta sa pinto para makita ang dalagang kausap.

Muntik nang mahulog ang pinggang hawak ni Rosa pagkakita kay Donna.

“Honey?! Honey! Pumunta ka dito, bilis!” tawag ni Rosa kay Andres.

“Bakit? Anong mero…” hindi na natapos ang pagsasalita ni Andres nang makita ang babaeng anak ng kanilang pinagkakautangan.

“Anong sinasabi niyo?” clueless na sabi ni Andrew.

“Anak…” panimulang pagpapaliwanag ng kanyang mga magulang.

Hindi nila matuloy ang sasabihin habang nakatingin lang sa kanilang lahat si Donna na may hawak na brown envelope.

“Anak… sa pamilya nila kami nagkautang ng Mama mo.” nahihiyang sabi ni Andres.

Sa narinig ni Andrew, hindi na niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Naiinis siya sa sarili dahil naipit siya sa isang malalang sitwasyon.

“Matagal mo nang alam ‘to?” tanong ni Andrew kay Donna.

Love StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon