Chapter 6

1.7K 58 26
                                    

Love Star

(Chapter 6 – Oh! Happy Meal)

Pagkagising ni Andrew kinabukasan ay may napansin siyang kakaibang amoy na namumuo sa baba ng bahay. Dali-dali siyang bumaba para alamin kung ano ang nangyayari. As he goes down, naaamoy niyang may nasusunog sa kusina.

“Anne! Magsalita ka! Buhay ka pa ba?!” kinakabahang sigaw ni Andrew habang papunta sa kusina.

Punong-puno ng usok ang buong kusina. Hinawi ito ni Andrew at nakita niya ang mukha ni Anne.

“Anong ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong ng binata.

“Hindi ba obvious? Nagluluto ako ng almusal natin!” sagot ni Anne.

Hindi pa rin makapaniwala si Andrew sa ginagawa ni Anne habang ang dalaga naman ay patuloy sa paghahain ng kanyang mga niluto sa dining room table.

Hinintay na lamang niyang matapos si Anne sa paghahain. Within minutes ay makikita mo na sa dining table ang dalawang sunog na scrambled eggs, apat na tostadong hotdogs, saka mga sunog na slices ng loaf bread.

“Ano ‘tong mga ‘to… inihaw?!” nag-aalangang sabi ni Andrew base sa mga nakikita.

Bumuntong hininga nang malalim si Anne.

“Andrew… sorry na! Sorry dun sa mga nasabi ko kahapon!” biglang sabi ni Anne sabay harap sa binata.

Natigilan si Andrew at agad chineck kung anong mali ngayon kay Anne.

“May lagnat ka ba? O nakagat ng ipis, o kung ano mang insekto?” nagtatakang tanong ni Andrew habang tine-test kung mainit ang mukha ng dalaga.

“Eto na nga o! Nagluto na ako as peace offering. Hindi naman ako usually nagluluto!” nakairap na sabi ni Anne.

“Peace offering? Eh sa mga niluto mo, mukhang madami pa ang naiipon mong sama ng loob sa ‘kin. Ang iitim o! Kasing itim ng ugali mo!” natatawang sabi ni Andrew habang tinitingnan ang mga niluto ni Anne.

Hindi na nagsalita si Anne at nilayasan na lang bigla si Andrew. Napikon ito sa mga sinabi sa kanya ng binata.

“Huy! Ikaw ba ‘yan? Bakit parang sensitive ka yata ngayon? Diba dapat nakikipag-tarayan ka pa? Asan na yung Anne na kilala ko?” tanong ni Andrew.

“Asarin mo na ako sa lahat, wag lang yung pagluluto ko. Kasi aaminin ko, wala talaga akong alam pagdating dyan.” naiinis na sabi ni Anne habang nakatalikod sa binata.

“O siya, sorry na din. Wag ka na mapikon. Ikaw nga dyan, ang lakas mong mang-asar, tapos ikaw ‘tong pikon!” sabi ni Andrew.

“Itapon mo na lang ang mga yan.” malungkot na sabi ni Anne.

“Hindi. Tara, kumain na tayo.” sabi ni Andrew sabay hila sa braso ng dalaga. Hinila niya ito para sabay silang mag-aalmusal.

The two sat down and slowly ate their meal.

“Salamat na rin. Pero teka nga muna…” biglang sabi ni Andrew sabay tingin kay Anne.

“Ano?”

“Akala ko ba, ako ang pinakabaduy, pinakajologs, at pinakajejemon na taong nakilala mo? At akala ko, you don’t want to see me again?” nakangiting sabi ni Andrew.

“O ano naman ngayon?”

“Eh bakit nage-effort kang ipagluto ang baduy, jologs at jejemon na tulad ko?” nakangiting sabi ni Andrew sabay lapit sa mukha ni Anne.

“Effort ba yan? Kita mo nga’t sunog o!” sagot ni Anne.

“The fact na nagluto ka, kahit alam mong hindi ka naman talaga nagluluto… effort na ‘yun. Uyyy…” patuksong sabi ni Andrew habang nakalapit pa din ang mukha niya sa dalaga.

Love StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon