Love Star
(Chapter 10 – The Break-Up Plan)
Oras na para umalis si Anne ng bahay ni Andrew. Sabi nga sa isang kanta, all her bags are packed, and she’s ready to go. Nakaabang na rin ang kotse ng dalaga sa labas. Ngayong marunong na siyang mag-drive, waiting for the driver is not a problem anymore.
Habang busy si Anne ay malungkot na nakaupo sa sofa si Andrew.
“O, ba’t ganyan ang mukha mo? Ikaw ba ang ipapain nila sa China?” pabirong sabi ni Anne.
“Nalulungkot lang ako at aalis ka na.” sabi ni Andrew.
“Sus. Mami-miss mo ako, ano? Pati yung mga kaingayan at kamalditahan ko.” nakangiting sabi ni Anne.
“Lahat.” sagot ni Andrew.
Nginitian lang siya ni Anne. Habang papalabas na ng pinto ang dalaga dala ang kanyang maleta, biglang may sinabi si Andrew.
“Anne…”
“Bakit?”
“Okay lang ban a pumunta ka mamayang gabi? May ipapakita lang ako sa ‘yo.” Nakangiting sabi ni Andrew.
“Ha? Eh bakit hindi mo pa ipakita ngayon? Bakit mamaya pa?” nagtatakang tanong ni Anne.
“Basta surprise na lang.” nakangiting sabi ni Andrew.
“Bahala na. Bahala na mamaya.” sagot ni Anne.
Dali-dali niyang ipinasok ang maleta sa kotse, at sa ilang saglit lang ay nakaupo na siya sa harap ng manibela. She left in just a minute habang pinapanood lang ni Andrew ang kanyang pag-alis.
**********************
“Ha?! Diba nakaplano na ang lahat?” gulat na sabi ni Mama Belle sa sinabi ni Anne.
Gusto ng dalaga na huwag muna nilang i-stage ang break-up pagkatapos na pagkatapos ng finale ng kanyang soap opera.
“Hindi ba mahahalata ng mga tao? Tamang-tama, pagkatapos ng show, sabay break naman namin.” paliwanag ni Anne.
“Keri na yan! Ang mahalaga, mataas ang ratings ng show mo mamaya! For sure, 50% yan!” natutuwang sabi ni Mama Belle.
Malungkot pa rin ang mukha ni Anne. May nahalata si Mama Belle sa mga ikinikilos ng kanyang alaga.
“Hmm… umamin ka nga…” nakangiting sabi ni Mama Belle.
“Mahal mo na, ano?” sabi ni Mama Belle sabay hawak sa balikat ni Anne.
“Si Danny? Oo naman.” biglang sagot ni Anne.
“Echosera ka! Si Andrew tinutukoy ko. Ano? Meron na? Don’t lie to me!” nakangiting sabi ni Mama Belle habang sinusundot sa tagiliran si Anne.
“Uy, hindi ah!” biglang bawi ni Anne.
“Aysus! In fairness… cute naman si Papa Andrew, no!” nanunuksong sabi ni Mama Belle kay Anne.
Maya-maya lang ay bigla na lang bumukas ang pinto ng office ni Mama Belle at dumating ang boyfriend ni Anne na si Danny.
“At kelan ka matututong kumatok?!” galit na sabi ni Mama Belle.
“Hi, babe!” natutuwang sabi nito sabay yakap at halik kay Anne.
“Sige. Deadmahin mo ang beauty ko!” mataray na sabi ni Mama Belle.
Sa gitna ng pagkakayakap ng dalawa, kita ni Mama Belle na nag-aalangan si Anne at na-confirm na niyang mahal na nga nito si Andrew.
“Aren’t you excited? Mamaya na ang finale ng show natin, and after that, sa akin ka na ulit uuwi.” natutuwang sabi ni Danny kay Anne.
BINABASA MO ANG
Love Star
RomanceAndrew is an amateur film director who wishes for true love on a wishing star. His parents escape from debt, leaving him with almost nothing. He then meets Anne, a famous actress who is cornered by the press for having an illicit affair with her lea...