Love Star
(Chapter 8 – Gifts With Benefits)
Kinabukasan ay busy ulit si Andrew sa pagtitiyaga sa kanyang nasirang videocam. Kumukuha-kuha pa din siya kahit namamatay din ang equipment occasionally. Napapabuntong-hininga na lang ang binata dahil alam niyang matatagalan pa bago siya makakabili ng mas bagong model.
Hindi niya alam na nasa likod lang niya si Anne at gusto siya nitong kausapin.
“Uy, sorry na kahapon. Hindi ko na dapat pinakialaman yang camera mong bulok.” sabi ni Anne.
Nilingon siya ni Andrew.
“Nandito ka ba para humingi ng tawad, o para insultuhin na naman ako?” galit na sabi ni Andrew.
“O, eto. Para sa ‘yo!” biglang abot ni Anne ng isang box kay Andrew. Nakabalot ito sa isang white gift wrapper.
“Ano ‘to?”
“Buksan mo kaya!” sigaw ni Anne.
Binuksan na ni Andrew ang gift wrapper pati na rin ang kahon mismo. Sobra siyang nagulat sa laman nito. He was speechless.
“Who… whoa!” namamanghang sabi ni Andrew habang hawak ang laman.
“DSLR camera. May pangkuha din yan ng video. Dapat kasi HD Cam ang bibilhin ko, eh may nakapagsabi sa ‘king direktor na mas preferred daw ng mga indie filmmakers ang DSLR kasi mas maganda ang video quality at texture.” paliwanag ni Anne.
“Wow, salamat! Pero teka, magkano ‘to?! Kaltas ‘to sa talent fee ko, ano?” nagtatakang sabi ni Andrew.
“Basta mahal. Di mo afford! Hindi yan kaltas. Binili ko yan para sa’ yo!” nakairap na sabi ni Anne.
“S-sigurado ka?” tanong ni Andrew.
“Oo nga! Basta sa ‘yo yan! Wag ka na magtanong!” sigaw ni Anne.
“Eh ba’t sumisigaw ka?!” sigaw din ni Andrew.
“Ayaw mo kasing maniwalang sa ‘yo yan!” sagot ni Anne.
Masama pa rin ang tingin nila sa isa’t-isa. Tumingin muna ulit si Andrew sa kanyang bagong camera at saka ulit napatitig kay Anne.
“Anong kapalit nito? Di naman pwedeng wala?” tanong ni Andrew.
“Kapalit?!” nagtatakang sabi ni Anne.
Biglang nagbago ang tono at mood ng pananalita ni Andrew, pati na rin ang kanyang facial expressions.
“Uy, baka naman… naku Anne… wag mong itutuloy yang balak mo… ayoko… virgin pa ako!” kinakabahang sabi ni Andrew.
Agad na tumawa nang malakas si Anne sa narinig.
“Anong akala mo sa ‘kin, bakla?!” natatawang sabi ni Anne.
“Eh ano ba talagang dahilan kung bakit mo ako ibinili ng ganito kamahal na camera?” nagtatakang tanong ni Andrew.
Lahat na ng dahilang pwedeng sabihin, nasabi na ni Anne. Hindi pa rin niya ma-convince ang binata na out of pity and goodwill ang pagbibigay niya ng regalong yun.
“Alam ko na. May papakita ako sa ‘yo sa labas.” nakangiting sabi ni Anne sabay taas ng kanyang kanang pointing finger.
Sinundan ni Andrew ang dalaga sa labas, and to his surprise, nakakita siya ng isang luxury car sa harap ng bahay.
“A brand new car!” nakangiting sabi ni Anne.
“Yung totoo, mahal mo na ba talaga ako? Sobra-sobra na ‘to!” nao-overwhelm na sabi ni Andrew na hindi makapaniwala sa kanyang mga nakikita.
BINABASA MO ANG
Love Star
RomanceAndrew is an amateur film director who wishes for true love on a wishing star. His parents escape from debt, leaving him with almost nothing. He then meets Anne, a famous actress who is cornered by the press for having an illicit affair with her lea...