Chapter 11

1.4K 41 14
                                    

Love Star

(Chapter 11 – He’s Just Not That Into Me)

 

CHAPTER THEME SONG:  Sana (by Maldita) - YouTube video on the right side

 

“Surprise!” malakas na sigaw ng kanyang mga magulang. Gulat na gulat si Andrew sa nakita.

“Mama? Papa?” nagtatakang sabi ni Andrew.

“We’re back!” natutuwang sigaw ng dalawang magulang niya.

Muntik nang mahimatay si Andrew sa biglaang pagpapakita ng kanyang mga magulang. Gulong-gulo na nga siya sa kanyang ‘lovelife’ tapos ngayon ay walang pasabi ang kanilang pagdating.

“Bakit, hindi ka ba masayang nandito na ulit kami?” nakangiting sabi ni Rosa, ang nanay ni Andrew.

“Akala ko ba, nagtatago kayo? Eh ba’t ang bilis niyong makauwi?” nagtatakang sabi ni Andrew.

“Eh… eh… wala na kasi kaming pera, kaya umuwi na lang kami. Na-realize namin na mas makabubuti kung dito na lang kami magtago.” nakangiting  sabi ni Andres, ang tatay ni Andrew.

“Sabi ko naman kasi sa ‘yo, honey, ang mahal ng hotel na tinuluyan natin eh… tapos nag river cruise pa tayo at sumakay sa Singapore flyer…” litanya ni Rosa.

“Ano?! H-hotel? Cruise? Second honeymoon?! Akala ko ba nagtatago kayo, eh mukhang todo lakwatsa pa kayo dun. Ang masama pa nito, kinuha niyo yung savings ko! Ninakawan niyo ako!” galit na sabi ni Andrew.

Agad na lumuhod ang kanyang mga magulang at nag-iiyak sa sahig.

“Sorry na, anak! Patawarin mo na kami!” nagmamakaawang sabi ni Andres.

“May pasalubong naman kami sa ‘yo.” pahabol ni Rosa.

Agad kinuha ng mag-asawa ang kanilang maleta at naglabas ng isang pack ng mga chocolates.

Love StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon