Love Star
(Chapter 3 – He’s the Man)
It’s 10:00 in the morning. The sun is already high. Tanghali na nga, sabi ng karamihan, pero kagigising pa lang ni Andrew. Ugali na ng binata ang gumising nang late dahil sa pagpupuyat sa kung ano-anong film projects.
Lutang na lutang pa ang pakiramdam ni Andrew habang bumababa ng hagdan dahil sa sobrang puyat. It’s his bad habit. Nakailang promise na rin siya sa sariling tutulog at gigising na nang maaga, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito naaalis sa kanyang sistema.
He walks into the kitchen and heads to the two-door refrigerator for something to eat. Tinatamad siyang magluto pag umaga kaya loaf bread at orange jam na lang ang kanyang kinuha.
As he was about to spread the jam using a bread knife, inamoy niya muna yung isang slice ng loaf bread at napansing panis na ito.
“Tss… hay naku. Kailangan ko pang bumili ng pagkain sa labas.” sabi ni Andrew sa sarili.
Agad niyang tinapon ang isang buong loaf bread sa basurahan at kinuha ang susi ng kanyang kotse para makabili ng makakain sa labas. Wala siyang pakialam kahit nakasuot pa siya ng pajamas with white shirt.
Papikit-pikit pa siya sabay bukas ng front door ng bahay. To his great surprise, ay biglang naglabasan na parang mga kabute ang press at iba pang paparazzi na kanina pa palang nakabantay sa bahay niya.
Kasabay ng pagkasilaw niya sa matinding sikat ng araw ay dumagdag pa ang mga flash ng mga camera na kumukuha sa kanyang litrato.
“Drew, kailan pa ang relasyon niyo ni Anne?” biglang tanong sa kanya ng isang reporter sabay tapat ng microphone sa bibig ng binata.
“Nagli-live in ba kayo? Is this your love nest?!” tanong naman ng isang reporter.
“Ahh… ahh…” natatarantang sabi ng binata. He is very much overwhelmed with their presence. Palibhasa’y hindi pa sanay sa buhay showbiz.
Pinagpapawisan na si Andrew sa sobrang kaba. Hindi niya inaasahan ang ambush interviews. Ang napag-usapan lang nila ni Mama Belle ay ang planned press conferences saka ang mga interviews kapag sasamahan niya si Anne sa mga events, pero hindi tulad ng ganito.
Maya-maya lang ay biglang may umagaw ng atensyon ng lahat. It’s a luxury car na mabilis humarurot papunta sa bahay ni Andrew. All eyes are on the car. Ilang segundo lang ay lumabas si Anne mula sa backseat. She is wearing a sexy white dress habang naka-shades.
Andrew can’t ignore the fact that Anne is a real head turner. For him, she is like a goddess walking on Earth. Pero ganun pa man, na-turn off na siya sa ugali nito. Ayaw na ayaw pa naman ni Andrew ang sobrang loud at mataray.
“Drew!” nakangiting sigaw ni Anne sabay takbo sa binata na nasa doorstep.
“Good morning, sweetie!” nakangiting sabi ni Anne sabay yakap at pisil sa mukha ni Andrew. Napansin ni Anne na hindi pa ito sapat kaya’t hinalikan din niya ang binata sa pisngi.
Gulat na gulat ang expression ni Andrew. Nanlaki ang mga mata niya, and unconsciously, he blushed.
Madami pa sanang gustong itanong ang press nang biglang nagsalita si Anne. She raised her right hand at tumigil silang lahat sa pag-iingay.
“If you’ll excuse us, kailangan na naming pumasok. Drew cooked a special brunch for the two of us. So, kung pwede lang, saka ko na lang sasagutin ang mga tanong niyo sa ‘min. Promise, magpapa-presscon ulit ako.” nakangiting sabi ni Anne sabay tanggal ng shades.
Agad na hinila ni Anne si Andrew papasok ng bahay. Susunod pa sana ang mga reporters nang biglang binagsak ni Anne ang pintuan at tuluyan nang na itsapwera ang mga nag-uusyoso.
BINABASA MO ANG
Love Star
RomanceAndrew is an amateur film director who wishes for true love on a wishing star. His parents escape from debt, leaving him with almost nothing. He then meets Anne, a famous actress who is cornered by the press for having an illicit affair with her lea...