Chapter 5

1.8K 72 52
                                    

Love Star

(Chapter 5 – Breakfast at Anne’s)

May YouTube video na kasama ang chapter para marinig niyo rin yung kakantahin ni Andrew mamaya.

Today is another different day for Andrew dahil maaga siyang gumising. Hindi dahil gusto niya lang kundi dahil he has to attend a ‘mandatory’ breakfast as ordered by Anne’s grandfather.

Sinundo na lang ni Anne si Andrew para siguradong makararating sila on time. Kung kotse kasi ni Andrew ang gagamitin ay baka ma-late pa sila.

Kahit maaga pa ay wala na ang antok ng binata. In fact, he feels like he is about to throw up, sa sobrang kaba. Hindi niya rin maintindihan kung bakit kailangang may harapin siyang mga tao halos araw-araw. Parang nagsisisi na siya sa kanyang pinasok.

“Bakit kasi breakfast pa? Pwede namang lunch, o dinner!” nagrereklamong sabi ni Andrew katabi ni Anne sa backseat.

“Buti yan sa ‘yo, para maaga kang nagigising!” natatawang sabi ni Anne.

Hindi na lang pinatulan ni Andrew ang dalaga dahil wala na rin siya sa mood makipag-away.  Masakit na rin ang ulo nito.

Minutes later ay nakarating na din sila sa Laurel residence, kung saan naghihintay na ang lolo ni Anne.

“Lolo, we’re here!” sigaw ni Anne habang papasok ng bahay. Si Andrew naman ay mabagal na naglalakad sa likod ng dalaga.

“Oh, you’re here! Hmm… 7:00am, sharp! Not bad!” malakas na sabi ni Roger.

Agad na nabaling ang atensyon ni Roger kay Andrew. Matalas ang tingin niya sa binata.

“Ikaw si Andrew?!” galit na sigaw ni Roger.

“Opo.” nanginginig na sabi ni Andrew.

“Bueno, I am Roger Laurel, ang lolo ni Anne!” sabi ni Roger na taas noo.

Biglang napa-angat ang ulo ni Andrew sa narinig.

“P-po? Kayo po si Roger Laurel? Yung dating artistang naging direktor? Yung award-winning director nung 1980s? Tama po ba?” gulat na sabi ni Andrew.

“Yes, you’re right! At ano namang alam mo sa pelikulang dinirek ko, aber?” mayabang na sabi ni Roger.

“Madami po. Naka-save sa laptop ko yung mga movies niyo. Pinag-aralan din po namin yun dati nung nag-aaral pa ako ng Film sa UP. Sa totoo lang, idol ko po kayo!” nakangiting sabi ni Andrew.

“Nag-aral ka pala ng Film? Akala ko, trip trip mo lang!” natatawang sabi ni Anne.

Masama ang tingin ni Roger kay Andrew.

“Hijo… today is not my fans day! So wala akong panahong pag-usapan ang mga bagay na ‘yan. We’re here to talk about your relationship with Anne. Maliwanag ba?!” malakas na sigaw ni Roger sa binata.

“O-opo… opo!” kinakabahang sagot ni Andrew.

“Now c’mon! Let’s eat!” sigaw ni Roger.

Dali-daling pumasok sina Andrew at Anne sa bahay habang naiwan muna sina Roger at Alice sa entrance ng bahay.

“Hmm, I like that guy. Mukhang magtatagal sila ng apo ko!” mahinang sabi ni Roger kay Alice habang nakangiti.

“I thought ayaw mo sa kanya.” nakangiting sabi ni Alice.

“Nah! Tinatakot ko lang siya.” natatawang sabi ni Roger sabay lakad papunta sa dining room.

Nagsimula na silang mag-breakfast. Cheese omelettes, sausages, at pancakes ang nakahain. May tig-isang pitsel din ng water, milk at orange juice.

Love StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon