Vee's view
umaga nanaman at nag-aalarm na ang phone ko. tinatamad pa akong pumasok, ganun pa din naman kasi ang gagawin eh, the usual school stuffs.
tinignan ko ang phone ko... 6:00 am. what the hell ang aga pa pala. katamad pang bumangon.
bigla akong tumayo, parang may nagudyok sakin na tumayo at magready na para pumasok.
pagbaba ko from my room kumain na ako at umakyat uli para magayos papuntang school.
the usual nagpaalam na sa mga parents then sumakay na sa car ko and umalis. 'something is different today', sabi ko na lang sa isip ko.
7:00 am. yan ang oras na nakita ko sa dashboard ko kapark ko sa usual parking area ko.
as i leave my car sa parking lot, i'm only bringing my bass guitar and my tablet pc. oo ganyan ako magaral, tablet pc lang ang dala ko, andito na kasi lahat ng mga books ko, downloaded and hustle nagdadala ng mga books.
kapasok ko n g gate papunta sa office ng group namin napansin kong madami dami na din pala ang tao sa ganitong oras. palibhasa majority ng mga taong andito ngayon ay mga students na pang morning lang ang course na kinuha.
malapit na ako sa office naming ng may tumawag sakin.
'VEE!!!!', pasigaw niyang sabi.
ako na mang si bingi hindi ko siya narinig. pano ko ba naman siya maririrnig eh nakasaksak sa tenga ko ang mga earphones ko.
sigaw pa din siya ng sigaw at may biglang may bumatok sakin.
PAK!
'Tang...', pabigla kong sabi. sa paglingon ko si jay pala, barkada/pinsan ko.
/okay freeze/
I'm vincent mendoza, people call me vee. actually ganun tawagan namin sa grupo. first letter lang ng first name namin. I'm an Information Technology student dito sa manila. i'm a band member bassist and lead vocalist. weird diba? bassist na vocalist pa. actually i'm also the brains of the band, meaning ako ung composer ng mga original namin and nagaayos sa arrangement ng mga songs na tutugtugin namin from local and international bands. freelance programmer din ako and 3rd year na sa college.
/resume/
'Anak ng... oi Jay ano bang naisip mo at binatukan mo ako sa ganitong oras ng umaga? ang aga aga mananapok ko.', sabi ko sa kanya.
'Waha. sorry vee, di mo kasi ako marinig kaya yun inabot mo', walang hiyang sagot pwede namang kasing lapitan ako at kalbitin na lang.
'Oh napano ka?', tanong ko.
'Nakita mo yung mga nakapaskil na posters sa campus?', tanong ni jay.
actually hindi ko masyadong napansin kung hindi lang nya sinabi sakin.
'ahhh, eto ba?', sabay turo sa poster na nakadikit sa pader. buti na lang hindi ako nagmukhang tanga dun.
'Naghahanap na daw si sina kuya dee ng bagong member?', tanong niya sakin.
'Huli ka na ata sa balita. nainform na ako agad ni kuya dee na kailangan na nating maghanap ng bagong female vocalist.' sabi ko.
'Ha? Pano si Tee?', tanong niya.
'Basta pre, punta ka na lang bukas sa meeting. sabihan mo din pala si gee, nay, at eee'. sabi ko na lang sa kanya.
umoo na lang siya at umalis papunta sa building nila.
nagtatanong kayo siguro kung bakit ako lang and si kuya dee, barkada/pinsan ko na kapatid ni jay, ang nakakaalam kung bakit naghahanap kami ng bagong female vocalist. actually ako ang founder ng grupo na "ANGELS" at si kuya dee ang adviser and coach namin, coach sa basketball kasi hindi lang kami banda, team din kami sa basketball. ako ang naghahandle sa band and si kuya dee ang sa basketball part ng grupo.