chapter 11 okay starting today kayo na

572 10 1
                                    

Vee's View

'ano?', tanong ko na lang.

'e pano kung wala dito?', dagdag ko na lang para maiba ang utos nila. bigla akong napatingin kay cee ng hindi sinasadya, bakas sa mukha niya nag lungkot nung nasabi kong pano kung wala sa kanilang dalawa.

tumatawa lang sila nang nakakaloko. patay, parang alam na nila, planado ata to.

hindi pa din sila sumasagot, wala ng atrasan to.

inalis ko ang pagkakayakap ni cee sakin, nakatingin ako ngayon sa kanya. may namumuong luha sa mga mata niya, hala nasasaktan si cee. lumakas ang loob ko na gawin ang dare, pero lalagyan ko ng twist.

dahil nasa tapat ni tee yung chips lumapit ako kay tee. mabagal, slow motion. nung nakatapat na ako sa mukha niya. 'planado mo to noh? lagot ka sakin next time', bulong ko sa kanya na may smile.

tumingin ako kina jay sumesenyas silang lagot ako, sabay tingin dun sa tinuturo nila. si cee may tumulong luha sa kanyang pisngi, tpos biglang yumuko at inayos ang sarili. pasimple akong lumalapit sa kanya, hala nagselos kay tee.

Cee's View

bakit ganun, bigla akong nasaktan nung sinabi ni vee, 'e pano kung wala dito?'. ang sakit nagseselos na pala ako hindi ko na napigilang mafall kay vee, mahal ko na siya.

lumapit siya kay tee, bakit ganun ang sakit. si tee ang gusto niya, bakit ganon? sobrang sakit. lumuluha na ako hindi ko na napigilan, nakita pa ito nina jay. nakakahiya na.

naramdaman kong may lumalapit sakin, tapos na atang gawin ni vee ung dare sa kanya.

Vee's View

nasa harap ako ni cee, 'sorry kung nasaktan kita', pabulong kong sabi sa kanya habang hinahawakan ang kanyang chin. tinaas ko ito, lumuluha pa din si cee. hinalikan ko siya sa noo, 'wag ka ng iiyak. kaw lang mahal ko', pabulong ko pa ding sabi.

hala bakit ko nasabi yun? patay umamin na ako kay cee. natigil siya sa pagluha, hindi siya makapaniwala sa narining niya at ako hindi ko makapaniwala na umamin ako kay cee.

'ehem, okay starting today kayo na', sabi ni tee.

'HA?', sabay na lang naming nasabi.

hiyawan ang buong grupo. kaming dalawa naman ni cee hindi makapaniwala.

ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon