Vee's View
'JAY!', pasigaw kong sabi sa pinsan ko.
natahimik siya, alam niya ako kaya hindi na niya tinuloy ang kanyang sasabihin. pero hindi ako galit kay jay, ayaw ko lang pagusapan ang nakaraan.
lalabas muna ako magpapahangin, dun muna ako sa tambayan ko, sa lugar na hindi nila alam.
'Vee, pasensya na', sabi niya.
hindi ko siya pinansin kahit narinig ko siya. papahangin lang ako at alam niyang mayamaya ay ayos na ako kaya hindi na siya sumunod. parang magkapatid na kami ni jay kaya alam niya ang ugali ko ganun din ako sa kanya.
Jay's View
nagtampo ata sa akin si vee, pano kaya bigla kong nasabing para kay grace iyong piyesang ginawa niya. hindi pa pala nakapagmove on ang pinsan ko kay grace, palibhasa mahal na mahal niya si grace.
'uhm... pasensya na nagkatampuhan pa ata kayo ng pinsan mo jay', sabi ni cee habang nakayuko.
'hindi ayos lang iyon, kasalanan ko naman, and mayamaya babalik na iyon dito na parang walang nangyari, kilala ko yun', sabi ni jay.
umupo ako sa sofa na nasa office namin, tatambay lang ako tutal wala na akong klase maya maya na lang ako uuwi. nang makaupo na ako napansin kong palapit si cee, hawak hawak ang piyesa na gawa ni vee.
'mahal na mahal niya yung si grace no?', tanong sakin ni cee.
'oo eh, first girlfriend ni vee si grace, halos kasama namin siya parati sa mga concerts and gimmicks namin', sabi ko.
'talagang nageffort pa siya para gawin to, ang ganda ng melody pati ng lyrics, ang galing talaga ng pinsan mong si vee', sabi ni cee.
'sa totoo lang inggit ako sa kanya eh. ang galing niya pagdating sa music, siya pa nga nagturo sa aking magbass eh. at ang tiyaga niyang magturo', habang natatawa kong kwento kay cee.
'pero simula nung araw na iyon hindi ko na siya nakitang nagpiano man lang, kumanta oo, hindi siya tumigil sa pagkanta at pagcompose ng piyesa, lagi nga niyang kaduet si tee eh', dagdag ko
'ano ba ang nangyari?' tanong ni cee. nakakahalata na ako kay cee ha, parang interesadong interesado sa pinsan kong si vee. kaya nagkwento na lang ako sa kanya.
/flash back/
papunta na kami sa office nung araw na iyon, nagkakantiyawan as usual.
'nasa office na daw si vee may ginagawa daw', sabi ni nay.
'lagi namang ganun yun eh simula ng tumapak ang month na to eh. palibhasa monthsary na nila next week', dagdag ni gee.
tpos bigla kami napatigil. may narinig kaming naguusap sa office. tahimik lang kaming apat, narinig namin lahat ng paguusap nila, hindi sa chismoso kami, nagkataon lang na narinig naming lahat.
nabigla kami ng lumabas si grace na umiiyak, sabi ko na lang 'gee, eee habulin niyo si grace kami ng bahala ni nay kay vee'.
pagkakita namin ni nay kay vee, nagwawala siya pinunit na niya ang piyesang pinaghirapan niya. pinapatigil na namin siya pero parang sinapian sa sobrang lungkot. kumuha na ng tubig si nay para pakalmahin si vee, pero tinanggihan niya sabay labas at hindi na namin siya nakita.
mga five minutes after lumabas si vee dumating na sina gee and eee, malungkot ang mga mukha. wala silang nagawa, 'jay pasensya na ha, wala kaming nagawa para magkaayos sila ni vee. ayaw na niya talaga' sabi sakin ni gee. 'ayos lang, isipin na lang natin si vee, nagwawala siya kanina', sabi ko na lang.
nakita namin ang punit punit na piyesa na gawa ni vee. pinulot namin iyon siniguradong andun lahat ng parte ng piyesa bago namin pinagdikit dikit at nilagay sa isang folder at sinulatan ng 'TOP SECRET'. nilagay namin ito sa ilalim ng upuan ng piano. matapos nun malungkot naming pinatay ang ilaw ng office at sinara ang pinto.
/end of flash back/
'kaya ayan buo na ulit ang piyesa', sabi ko kay cee.
tahimik lang siya. 'alam mo bang si tee hindi niya magawang mapasmile si vee?', tanong ko sa kanya. may pagtataka sa mukha niya
'after ng mangyari yon, hindi na siya tumugtog ng piano diba, tumatawa siya pero alam kong malungkot pa yun, para kaming kambal alam ko nararamdaman nun', sabi ko. hindi pa din niya magets ang sinasabi ko.
'simula ng dumating ka, bumalik na ang dating vee, ewan ko kung anong meron ka pero tumugtog na siya ulit ng piano, tumatawa na siya ng alam kong hindi siya nagpapanggap', pagkasabi ko nun eh tumayo na ako at lumabas na.
'hindi ka pa ba aalis?', tanong ko.
'uhm... pano si vee?', tanon niya. napasmile na lang ako.
'ang swerte ni vee', pabulong kong sinabi.
'ano?', tanong niya.
'wala, nauna na iyon sarado na kasi ung daan papunta dun sa paborito niyang pagtambayan, uwi ka na din, hatid na kita'. alok ko sa kanya.
'thanks... pero wag na lang... may pupuntahan pa ako saglit' sabi niya.
Cee's View
tama ba ang narinig ko kay jay, napabago ko daw si vee eh hindi ko naman alam ang ginawa ko kaya siya nagbalik sa dati niyang ugali ehh.
naglalakad na ako palabas ng campus, bigla kon nabunggo si vee, pauwi pa lan siya.
'ay sorry', un na lang ang nasabi ko.
'oh cee, hindi ka pa umuuwi? gabi na', tanong niya sakin. hindi na siya galit sabi ko sa isip ko.
'pauwi pa lang ako ehh nagstay pa ako ng konti sa office', sagot ko.
'ahh ganun ba... pasensya na kanina. halika hatid na kita', alok niya sakin.
hindi pa man ako nakakasagot hinila na niya ako, hawak niya ako sa kanang kamay ko. napansin kong may smile sa mukha niya, hmmm bakit kaya.
nakamotor lang siya ngayon, at napansin kong lagi siyang may extra helmet. sinuot niya ulit sakin yung helmet tulad nung dati at sumakay na kami. pinaaandar na niya ang makina, yumakap na lang ako sa kanya tulad ng dati. napatingin ako sa side mirror at napansing kong ngsmile siya, nung napansin niya akong nakatingin sa kanya bigla na lang niya iniba ang tingin niya.
hindi ko namalayan na sa tapat na kami ng gate namin. ang tahimik kasi hindi siya nagsalita the whole way.
'thanks ha', habang inaabot ko sa kanya yung helmet.
'pasensya na pala kanina', sabi ni vee.
'wala yun, ako nga dapat magsorry eh', sabi ko
'wala yun no, pasok ka naa gabi na', sabi niya sakin,
'ingat ka ha, text me when you got home', bilin ko sa kanya habang ngwawave sa kanya.
'opo, malapit na lang po dito bahay namin', malambing niyang sabi.
'bye, night', bati niya bago siya umalis.