Long Distance Relationship

1.1K 8 1
                                    

First Situation

Long Distance kami ng Boyfriend ko.

Mahal na mahal niya ako, mahal ko pa din naman siya pero hindi na yung katulad ng dati.

Medyo nagsasawa na din kasi ako dahil sa mga tawag at text lang kami palagi.

Tapos may kaibigan ako na gustong manligaw sa akin, sa totoo lang gusto ko na din siya pero hindi ko masabi sa kanya na may boyfriend na ako. Anong gagawin ko?

BestGirlfriendEver's Advice~~~

- Dapat mo munang tanungin ang sarili mo.

Pag ba pinayagan mo manligaw ang kaibigan mo at naging kayo na, sigurado ka bang hindi ka niya iiwan?

Wag ka munang magpapaligaw sa kaibigan mo hanggat kayo pa ng boyfriend mo.

Kung naiisipan mo namang makipagbreak na sa boyfriend mo, siguraduhin mo na talagang ayaw mo na. Kasi baka bigla ka ulit makipagbalikan.

Hindi mo naman kailangan saktan ang boyfriend mo.

Ipaliwanag mo sa kanya na nahihirapan kana sa long distance relationship niyo.

Pero wag ka munang papasok sa panibagong relasyon dahil parang ang sagwa namang tingnan.

Just an example.

A/N: WANT SOME ADVICE? JUST COMMENT OR PM ME :)

Relatable Advice (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon