"Crush ko po kasi yung bestfriend ko, As-in bestfriend. Pero hindi nya alam. One day, nagchat po sya sakin sa fb na may liligawan daw po sya. Nagassume naman po ako na ako yun, ewan ko po kung bakit. -.- Munt*ng* nga po ako e. Ee ang liligawan nya daw yung bestfriend ko na babae na may gusto din sa kanya. Kaya lang hindi sila close. Kaya ayun. FRIENDZONED ako. Kinalimutan ko nalang po yung nararamdaman ko para sa kanya. Nagawa ko naman po na kalimutan yun. Pero napagalaman ko na may boyfriend na pala yung nililigawan nyang bestfriend ko na iba. Kaya siguro hindi sila nagkatuluyan. Bigla naman pong nagtapat sakin tong bestfriend kong crush ko dati. Na may gusto po sya sakin. Ano po gagawin ko? Tatanggapin ko po ba yung pagmamahal niya? O hindi na, kasi ang sakit ng ginawa nya sakin dati?"
BestGirlfriendEver's Friendly Advice
Sa totoong lang mahirap ang sitwasyon mo kasi ikaw ang naiipit.
Pero alam mo kung magiisip ka talaga kung ano ba talagang dapat mong gawin, madali lang.
Alam mo kung may gusto siya sayo, bakit hindi niya agad sinabi sayo?
Bakit kailangan sa iba muna siya magkagusto?
Tapos biglaan siyang magtatapat sayo na gusto ka niya?!
ANG HIRAP PANIWALAAN DIBA?
Hindi ka kasi nakakasigurado kung seryoso ba siya sayo.
At isa pa PARANG GINAWA KA LANG NIYANG PANGSUBSTITUTE dun sa dati niyang nililigawan.
Kung ako sayo, hindi ko na tatanggapin yung pagmamahal niya.
Kasi meron pa din namang pagmamahal sa magBestfriends e.
TANDAAN MO, BESTFRIENDS KAYO! At kung magiging KAYO! at biglang NAGHIWALAY, MAHIHIRAPAN NA KAYONG IBALIK ANG RELASYON NIYO SA PAGIGING MAGBESTFRIENDS.
Syempre dahil may ILANG na sa pagitan niyo.
Kaya ipaIntindi mo sa bestfriend mo na pwede ka naman niyang mahalin kahit magbestfriends lang kayo.
Kung nasaktan ka sa ginawa niyang panliligaw sa iba, paano pa kung maging kayo at maghiwalay lang?
Tingin ko naman MAS MASAKIT YON.
BINABASA MO ANG
Relatable Advice (Complete)
ChickLitRead some of the situations of wattpad users and my advices for them.