"MAY KAPATID AKO, MAS MATANDA SIYA SAKIN. PERO HINDI KO TALAGA SIYA TUNAY NA KAPATID DAHIL ANAK LANG DAW SIYA NG DATI NAMING KASAMBAHAY NA NAMATAY SA PANGANGANAK SA KANYA. HINDI YON ALAM NI KUYA DAHIL AYAW IPAALAM AT IPARAMDAM NG PARENTS KO NA IBA SIYA SA AMIN. TINANGGAP NAMIN SIYA AT MASAYANG PAMILYA KAMI.
PERO SA SCHOOL KO MAY NILILIGAWAN AKONG BABAE. LYKA ANG NAME NIYA. PERO NUNG NAKARAAN LANG, NAGULAT AKO DAHIL IPINAKILALA NI KUYA SA BAHAY NAMIN SI LYKA NA GIRLFRIEND NA NIYA. HINDI MAKATINGIN SAKIN SI LYKA. ANONG GAGAWIN KO? DAPAT BA AKONG MAGALIT KAY KUYA?"
Wag kang magagalit sa kuya mo. Dahil hindi naman siya ang may kasalanan sa nangyari. Hindi din naman kasi alam ng kuya mo na nililigawan mo si Lyka at siguradong kung alam ng kuya mo na nauna kana kay Lyka, hindi naman siya para ligawanan pa yung babae.
Ang may kasalanan dyan ay si Lyka.
Una-Hindi niya sinabing may nanliligaw na sa kanyang iba
Pangalawa-Hindi niya sinabing nanliligaw din sa kanya ang KAPATID MO.
ANG GINAWA NIYA AY PARA LANG PAGPAPAASA SAYO. AYAW NIYA NA MAIIWAN SIYA KAYA HINDI KA NIYA PINAPATIGIL SA PANLILIGAW.
Ang kailangan mo nalang sigurong gawin ay magmove on, maghanap ka nalang ng babaeng sa tingin mo ay seseryosohin ka at hindi ka papaasahin.
Kasi kung tagalang pasensyoso ka, hindi kana para magalit sa kuya mo at hindi kana para maghabol pa kay Lyka.
Pero aminin mo sa kuya mo na dati mong nililigawan si Lyka at ngayon wala na dahil sila na nung babae.
BINABASA MO ANG
Relatable Advice (Complete)
ChickLitRead some of the situations of wattpad users and my advices for them.