"Paano po kung yung dating kaM.U ko, may girlfriend na ngayon? Mahal ko pa din po siya. Pero pag nagaaway po sila ng girlfriend niya, ako po ang tinatakbuhan niya. Ano po gagawin ko? Ang hirap e."
BestGirlfriendEver's Advice
Nasasaktan ka kasi ikaw ang nilalapitan at tinatakbuhan niya KAPAG "LANG" nagaaway sila ng girlfriend niya.
Tanungin mo muna ang sarili mo. Tingin mo ano ka ba ngayon ng dati mong kaM.U?
Alam kong mahirap dahil "NAGING" kaM.U ka lang niya dati. nothing more..
Pero wag mong iiwasan ang dati mong kaM.U dahil lang nahihirapan ka dahil nasasaktan ka.
Pwede kasing ang tingin niya sayo ay KAIBIGAN niya na kaya mong icomfort.
Ikaw ang pinili niyang lapitan kasi alam niyang maiintindihan mo siya.
Dapat mo munang maintindihan na WALANG MERON SA INYO NGAYON NG DATI MONG KAM.U.. Kaya hindi mo kailangan magpakita ng motibo sa kanya na nagseselos o nasasaktan ka.
Unless kung single na siya. Pwede mong iOpen mo sa kanya na may nafifeel ka pa din sa kanya. :)
Siguro ang dapat mo lang gawin e patuloy mo siyang icomfort pag may problema sila ng girlfriend niya. Panigurado naman kasi na naaappreciate niya ang mga sinasabi mo sa kanya.
Iparamdam mo sa kanya na andiyan ka palagi pag wala ang girlfriend niya para samahan siya.
Pag nagawa mo yon. Mas mapapalapit ka sa kanya na dahilan para hindi ka na masiyadong masaktan.
Wag mo nga palang iisipin na isa ka lang takbuhan pag may problema siya okay?
Isipin mo na naniniwala siya sayo at napapasaya mo siya kaya ikaw ang nilalapitan niya.
BINABASA MO ANG
Relatable Advice (Complete)
ChickLitRead some of the situations of wattpad users and my advices for them.