"MAY BESTFRIEND AKO, HALOS 3 YEARS KAMING HINDI NAGUUSAP. TAPOS NUNG JS, SINAYAW NIYA AKO BIGLA. ANONG DAPAT KONG MARAMDAMAN.
. Gusto ko kase mabalik ung dating kami kaso malabong malabo na .Nahihiya kasi ko kausapin sya , kaya kahit kausapin niya ko di ko pinapansin . Kung papansinin man , for formality saken na lang. Hayaan ko na lang kung ano kami ngayon diba ? XD"
BestGirlfriendEver's Advice
People change! Kaya hindi pa huli ang lahat!
Hindi naman malabong maging close kayo ulit katulad ng dati e.
Panigurado namang tanda niya pa din na close na close kayo dati. Kaya wag kang mahihiya na lapitan siya at kausapin.
Kung nagawa ka nga niyang isayaw noong JS niyo, ibig sabihin hindi ka pa niya kinakalimutan.
Kaya lang siguro hindi na kayo masiyadong nagkakausap e kasi Mas lumalawak ang circle of friends niyong dalawa. Kaya napupunta sa iba ang atensyon.
Malay mo naman, hindi na din niya namalayan na nagkakalayo na pala kayo.
Tingin ko kaya ka niya sinayaw noong JS kasi gusto niya din ibalik yung dating kayo..
Pag halimbawa nagkasalubong kayo Try mo siyang ngitian o kaya tawagin sa name niya.
Lagi lang ganon, hanggang sa lapitan ka niya.
At pag naman pinapansin ka niya. WAG NA WAG MONG DEDEDMAHIN, pansinin mo din siya.
Kasi pag hindi mo siya pinansin, parang mararamdaman niya na mapahiya.
At yon ang magiging dahilan kung bakit lalo siyang mapapalayo sayo.
MABABAGO AT MAIBABALIK NIYO SA DATI KUNG ANO KAYO KUNG PAREHAS KAYONG GUMAGAWA NG EFFORT! WAG MONG HAYAAN KUNG ANO YUNG NGAYON KASI SAYANG NAMAN.
A/N: WANT SOME ADVICE? JUST COMMENT OR PM ME :)
BINABASA MO ANG
Relatable Advice (Complete)
ChickLitRead some of the situations of wattpad users and my advices for them.