"Kasi po tinry ko po sa sarili ko na hindi replyan yung crush ko for 3 days. As in nangungulit po talaga siya sakin ng super super. One example po, kasi nga wala akong load sabi niya sakin,
First message: Hi! (1:27 pm)
2nd: Uy! :'( (2:12 pm)
3rd: Ria. :( sabihin mo lng kung ayaw mo na para ako na ang iiwas. Di na kita guguluhin. :< 4th: Uy. :'((
Tapos sabi ng mga kaibigan ko concern siya sakin. Ganun. Tapos isa pa po nung tinanong niya kung sino pa iba kong kausap sabi ko siya lang. Tapos tinanong ko din siya. Sabi nia yung friend niya na alam kong naging crush niya dati. So nireplyan ko siya ng "Ah." then sabi niya "Gwapo ba ko?" tapos sabi ko "Tanungin mo dun sa babaeng yun." then sabi niya "Ayaw. Alam ko naman na ikaw lang nagsasabi ng totoo eh. ;)" tapos naasar po ako. Tapos puro mga msgs niya "Jk lang yun Ria." "Walang ganyanan baby" mga ganun.
Tapos naasar talaga ko kaya di ko siya nireplyan. Sabi naman ng mga kabarkada niya lagi daw silang dinidisturb nitong crush ko para tanungin kung kumusta ba daw ako. May isa pa nga po e, yung barkada namin sinabihan niya na ichat ako para malaman kung magrereply daw ako para malaman kung iniiwasan ko ba siya."
"Tapos syempre nag reply po ako tapos nung nalaman daw po nung crush ko na nagreply ako, nagalit daw po yung crush ko sa kabarkada namin. Ano po bang meron sa kanya bat siya ganun? Nahihirapan na po ako magisip kung ano b talaga ko sa kanya? :/"
BestGirlfriendEver's Friendly Advice
Sa totoo lang naguguluhan ako dyan sa Crush mo.
Sinabi niya sa kabarkada mo na ichat ka para malaman kung magrereply ka, e bakit bigla nalang siyang nagalit dun sa kabarkada mo?
Kasi nirereplyan mo yung kabarkada mo tapos siya hindi mo nirereplyan...
Bakit kasi hindi mo nalang siya replyan, Makiride ka sa kanya. Kilalanin mo yung crush mo.
Alam niya ba na may crush ka sa kanya? kung alam niya. Ppwede ka talaga niyang pagtripan ng kunwari sweet siya sayo.
Pero possible din naman kasi na may crush din sayo yung lalaki na yon.
Kasi lagi kang kinakamusta sa mga kaibigan mo.
Kaya dapat wag mo iparamdam sa kanya na iniiwasan mo siya kung wala naman dahilan.
Kasi sa ginagawa mo mas pinapakumplikado mo yung situation niyo.
Kung Crush ka niya. Edi Crush ka niya. Nangungulit siya kasi nga Crush ka niya. Ganon siya sayo kasi nga Crush ka niya!
CRUSH KA NIYA! Pwede din naman na HINDI KA NIYA CRUSH kasi pinagttripan ka niya!
Kaya Pakiramdaman mo kung totoo ba sayo yung tao!.
Try mo din basahin ang ibang situation na related about sa crush :)
BINABASA MO ANG
Relatable Advice (Complete)
ChickLitRead some of the situations of wattpad users and my advices for them.