"Kasi may naging crush ako.. Nung inayos yung sitting arrangement namin naging katabi ko siya kaya i grab the chance na maging close siya. Tapos one day nagtanong ako sa kanya sa fb kung sino crush niya. Sabi niya sa personal niya sasabihin so hinintay ko yung bagong araw para matanong ko. Tapos nung tinanong ko sabi niya ako yung crush niya.Then umamin din ako, tas yun naging sweet siya, minsan may holding hands ganun. Lalo na nung bday niya marami kaming sweet moments hanggang sa nagtanong friend ko sabi niya di ba parang ang pangit tignan na parang kayo kahit hindi kayo tapos natameme ako dun. Tapos one day nakwento ko sa classroom namin na yung boy sa 9th grade ang laki ng adams apple, tas sabi ko ba't si crush hindi? At ayun bihira nalang niya ako pansinin. Mga 1 week rin yun. Tapos nagusap naman na kami, pero parang nasanay ako na hindi siya kausapin kaya one of this days di na talaga kami nagpapansinan. Then prinangka ako ng mga kaibigan ko na sabi wala naman daw palang balak manligaw saakin si boy, at wala siyang balak mag gf. At ang mga masakit na umasa ako.Yung boy naging mu niya mga classmates kong girl dati (Tatlo sila). At naghaharutan sila one of this days, ganda ng lovelife ko no? Kaiyak."
BestGirlfriendEver's Friendly Advice
Ang ganda ng love life mo, kaiyak!
My gosh bebe ansakit non.
Sa totoo lang, tama naman ang sinabi ng mga kaibigan mo na ang pangit na "parang kayo" pero hindi naman talaga.
Pero feeling ko sinabi lang nila yon kasi kaibigan ka nila. Ayaw nila na ikaw naman ang isunod don sa tatlong classmate mo. Kasi malay mo mas kilala na ng mga kaibigan mo yung Crush mo.
About naman sa crush mo. Yung sa Grade 9 na malaki ang adams apple, ang dating kasi non don sa crush mo parang KinoCompare mo siya.
Siguro naoffend siya na kinumpara mo pa siya. Which is hindi naman niya yon kasalanan.
Sa mga kaibigan mo naman. Alam mo ang sakit non na prangkahin ka about sa taong gusto mo.
Sabihin na natin na ganon nga, pero sana naman sinabi nila yon in a good way like for example "Alam mo friend, tama lang na hindi ka niya niligawan kasi papaasahin kalang non. Andito naman kami e."
Halos lahat naman kasi umaasa. Kahit ako!
Alam mo para tayong GOOGLE, binibigyan natin lahat ng meaning.
Kaiyak diba?
Don't worry, may isang tao na nakareserve sayo para mahalin ka. Wag mong hanapin. hintayin mo lang.
Just Move on sa mga taong Paasa ha girl?
Godbless
BINABASA MO ANG
Relatable Advice (Complete)
Chick-LitRead some of the situations of wattpad users and my advices for them.